Naaalala ko pa, nung minsang nasabi sa iyo na "ako'y pagod na"
Nung minsang inamin nitong aking puso, na "ako'y sumusuko na" Naaalala ko pa, dahil nung gabing yun, ako’y parang isang bulkan na nais sumabog upang pakawalan ang naghihimutok na damdaming walang pakialam kahit pa batid ng isapan na maaring ikaw ay masaktan. dahil para sa akin, nung gabing yun, ako ang mas nagmahal, ako ang mas nasugatan.
Alam mo ang bigat na aking naramdaman, nanamlay, at ni di makabangon,
Bawat umagang sasapit ay wari bang sampal ng ating kahapon Na sa akin ay nagpapaalala, na ako ay isang mahinang nilalang at walang patutunguhan. Nabalot ng galit ang aking puso na pilit naghahanap ng mga sagot sa tanong na bakit Hindi maintindihan kung bakit mas pinili ng kalawakan, kasama ng araw, mga bituin at buwan Na ako ay pagkaisahan at hindi maliwanagan, sa pag aakalang ako’y iniwan at iyong tinalikuran.