You are on page 1of 7

PAMANTASANG ATENEO DE MANILA

MGA PAARALAN NG LOYOLA


Kagawaran ng Teolohiya, Paaralan ng Humanidades

SILABUS NG TH 141 RUBEN C. MENDOZA, Ph.D., STD


TEOLOHIYA NG KATOLIKONG PANANAW HINGGIL SA LIPUNAN SEKSYON S, LMB 0900-1000, CTC 118
UNANG SEMESTRE, 2018-2019 SEKSYON T, LMB 1000-1100, CTC 118
3 YUNIT SEKSYON U, LMB 1400-1500, BEL 205
SEKSYON V, MH 0930-1100, CTC 406

PAGLALARAWAN NG KURSO

Ang Teolohiya 141: Teolohiya ng Katolikong Pananaw Hinggil sa Lipunan ay isang sistematikong pag-
aaral tungkol sa pagtatayang panlipunan mula sa isang teolohikal na pananaw. Tatalakayin sa kursong ito
ang kahulugan ng Simbahan ng mga Dukha ayon sa Ikalawang Konsilyo Plenaryo ng Pilipinas (PCP II) at
gagamitin nito ang sirkulong pastoral bilang paraan ng pagteteolohiya. Sa pag-aaral na ito, gagamitin ang
teolohiya ng Katolikong pananaw hinggil sa lipunan bilang pamamaraan ng pagsusuri ng panlipunang at
kultural na kalagayan ng Pilipinas. Pag-uusapan din dito ang biblikal at doktrinal na batayan ng mga
turong ito, mga bagay na inilalahad ng mga panlipunang turo ng mga papa at ng mga pastoral na liham ng
mga Katolikong Obispo ng Pilipinas (CBCP).

Gamit ang lente ng Katolikong larawang-diwa sa lipunan, iniuugnay ang pagtugon sa mga suliranin sa
Pilipinas sa pangangalakal, agham at teknolohiya, ekolohiya at kasarian, pulitika at pamamahala—ayon sa
mga larangang pinagdadalubhasaan at kinahihiligan ng mga mag-aaral. Ang buong kurso ay inaasahang
magpapalalim ng isang “ispirituwalidad na tuon sa pagbabagong panlipunan” na nakabatay sa isang
pananampalatayang nagtataya para sa katarungan at pagpapalaya sa Pilipinas sa kasalukuyan.

MGA INAASAHANG ARAL MULA SA KURSO

Inaasahang nagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod pagkatapos ng kurso:


1. magbigay ng buod ng mga pangunahing temang panlipunan at magpakahulugan sa personal at
panlipunang dimensyon ng pananampalatayang Kristiyano kaugnay ng mga karanasan ng mga
magaaral ng kahirapan;
2. maipaliwanag ang ganap na ebanghelisasyon, “pananampalatayang kumikilos para sa katarungan,”
at “ispirituwalidad ng pagbabago ng lipunan”;
3. masuri ang kasalukuyang ekonomikal, pulitikal, panlipunan, at kultural na kalagayan ng Pilipinas at
matasa ito sa liwanag ng pananampalatayang Kristiyano;
4. magamit ang mga kayamanan ng pananampalatayang Kristiyano sa pagpaplano ng kanilang mga
personal, propesyonal at panlipunang pakikilahok na nagpapahayag ng kanilang pagtataya para sa
pagbabagong panlipunan;
5. matimbang ang kanilang sariling paraan ng pamumuhay at makapagtukoy ng mga paraan ng
pamumuhay nang may higit ng pakikipagkapwa sa mga naiisantabi at mga nasa laylayan ng lipunan.

BALANGKAS NG KURSO, MGA KAILANGANG BASAHIN AT ISKEDYUL

1. Konteksto at Pagteteolohiya: Ang Kalagayan ng Pilipinas at Misyon sa Kasalukuyan


• Jose Luis A. Alcuaz, “Down from the Hill,” The Guidon 35 no. 9, 27 November 1968,
http://www.theguidon.com/1112/main/2014/07/down-from-the-hill/.
• Jon Sobrino, “Awakening from the Sleep of Inhumanity,”
http://catholicsocialteachings.weebly.com/awakening-from-the-sleep-of-inhumanity.html.
• CBCP Pastoral Exhortation: Rejoice and Be Glad!, http://cbcpnews.net/cbcpnews/cbcp-
pastoral-exhortation-rejoice-and-be-glad/.
• “Lights & Shadows: The State of the Nation in the Light of Catholic Social Principles,” 4 May
2018, http://www.jjcicsi.org.ph/lights-and-shadows/.
• “The Pastoral Spiral: A Framework for Action,”
http://www.faithdoingjustice.com.au/docs/ThePastoralSpiralFrameworkforAction.pdf.
• Sandie Cornish, “The Pastoral Spiral – An Ignatian Approach to Action”
2. Mga Pangunahing Tema sa Panlipunang Turo ng Simbahan
2.1 Batayang Biblikal ng Panlipunang Turo ng Simbahan
• Daniel G. Groody, Globalization, Spirituality, and Justice: Navigating the Path to Peace, rev. ed.
Maryknoll, NY: Orbis Books, 2015, 33-60.
• Richard J. Clifford, “Justice in the Bible,”
http://www.bc.edu/content/dam/files/offices/mission/pdf1/ju9.pdf.
2.2 Pangkalahatang Pananaw tungkol sa Panlipunang Turo ng Simbahan
• “Further Explanation,” http://www.catholicsocialteaching.org.uk/principles/info/.
• USCCB, “Timeline Activity,” http://www.usccb.org/beliefs-and-teachings/what-we-
believe/catholic-social-teaching/timeline-activity.cfm.
2.3 Mga Pangunahing Tema ng Panlipunang Turo ng Simbahan
2.3.1 Dangal ng Tao at Karapatang Pantao
• “Human Dignity,” http://www.catholicsocialteaching.org.uk/themes/human-
dignity/.
• Catechism of the Catholic Church, Article 3, Social Justice,
http://www.vatican.va/archive/ccc_css/archive/catechism/p3s1c2a3.htm
• David Hollenbach, “Human Rights in Catholic Thought,” America 193 (31 October
2005), 16-18.
2.3.2 Pagkiling para sa mga Dukha
• Fred Kammer, “Catholic Social Teaching and Poverty,” 2009,
http://www.loyno.edu/jsri/sites/loyno.edu.jsri/files/CSTandPoverty-
Winter2009jsq.pdf.
• Liz Theoharis, “The Poor We Have with Us: A Deeper Look at Jesus’ Words on
Poverty,” The Christian Century 134 (26 April 2017), 26-29.
• CBCP, Acts and Decrees of the Second Plenary Council of the Philippines, “The Church of
the Poor,” 125-136.
• CBCP, “Poverty That Dehumanizes, Poverty That Sanctifies,”
http://cbcpwebsite.com/Messages/Resources/CBCP%20Pastoral%20Exhortation%
20Lent%202014(final%20).pdf.
2.3.3 Ang Sangnilika – Para sa Lahat ng Sanlibutan at ang Pangangalaga Nito
• Robert Maloney, “Property and People,” America 214 (7 March 2016), 15-18.
• Reynaldo D. Raluto, “The Catholic Social Teaching (CST) on Ecology,” in Poverty and
Ecology at the Crossroads: Towards an Ecological Theology of Liberation in the
Philippine Context (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2016), 92-109.
• Global Catholic Climate Movement, “An Overview of Laudato Si’,”
https://catholicclimatemovement.global/overview-laudato-si/.
2.3.4 Politika at Ekonomiya
• Almeida, Teresa, “The Philippines: Oligarhipelago,”
https://prospectjournal.org/2012/04/11/the-philippines-oligarchipelago/
• CBCP, Pastoral Exhortation on Philippine Politics,
http://cbcpwebsite.com/1990s/1997/politics.html.
• CBCP, Pastoral Exhortation on the Philippine Economy,
http://cbcpwebsite.com/1990s/1998/phileconomy2.html.
2.3.5 Mga Katutubo (Indigenous Peoples)
• Karl M. Gaspar, “The Story behind the Indigenous Peoples' Sunday,”
http://www.mindanews.com/around-mindanao/2010/10/the-story-behind-the-
indigenous-peoples-sunday/
• Situation of Indigenous Peoples in the Philippines: Submission to the 59th Session of
CESCR, http://www.tebtebba.org/index.php/content/383-situation-of-indigenous-
peoples-in-the-philippines-submission-to-the-59th-session-of-cescr.
• Compendium of the Social Doctrine of the Church on Indigenous Peoples,
http://www.vatican.va/roman_curia/pontifical_councils/justpeace/documents/rc_pc
_justpeace_doc_20060526_compendio-dott-soc_en.html, passim.
3. Ispirituwalidad at Katarungan
3.1 Ang Liturhiya at Katarungan
• Daniel G. Groody, Globalization, Spirituality, and Justice: Navigating the Path to Peace
(Maryknoll, NY: Orbis Books, 2007), 212-38.
• David N. Power, “Eucharistic Justice,” Theological Studies 67 (2006): 856-79,
http://cdn.theologicalstudies.net/67/67.4/67.4.6.pdf.
3.2 Ispirituwalidad at Panlipunang Pagbabago
• Daniel G. Groody, Globalization, Spirituality, and Justice: Navigating the Path to Peace
(Maryknoll, NY: Orbis Books, 2007), 239-68.

• N.B. Maari pang magbigay ang guro ng karagdagang babasahin sa mga nakalagay na rito. Minumungkahi niya
na magbasa nang maaga ang mga mag-aaral upang hindi magtambak-tambak ang mga tungo sa katapusan ng
semestre.

Make-Up na Klase:
• Ika-15 ng Setyembre, 1300-1700, Sabado, Escaler Hall
• Ika-13 ng Oktubre, 0900-12:00, Sabado, Escaler Hall

MGA MINUMUNGKAHING BASAHIN

Aubert, Roger. Catholic Social Teaching: An Historical Perspective. Milwaukee: Marquette University Press,
2003.
Boff, Leonardo and Clodovis Boff. Introducing Liberation Theology. Maryknoll, NY: Orbis Books, 1987.
Cahill, Lisa Sowle. Global justice, Christology and Christian Ethics. New York : Cambridge University Press,
2015.
De La Torre, Miguel A., ed. Introducing Liberative Theologies. Maryknoll, NY: Orbis Books, 2015.
Cartagenas, Aloysius. Unlocking the Church's Best Kept Secret: Principles for the Interpretation,
Communication, and Praxis of Catholic Social Teaching. Quezon City: Ateneo de Manila University
Press, 2012.
Clark, Meghan J. The Vision of Catholic Social Thought: The Virtue of Solidarity and the Praxis of Human
Rights. Minneapolis, Minnesota : Fortress Press, 2014.
Cowdin, Daniel. “Environmental Ethics.” Theological Studies 69 (2008): 164-84.
Curran, Charles. Catholic Social Teaching 1891-Present: A Historical, Theological, and Ethical Analysis.
Washington, DC: Georgetown University Press, 2002.
Dwyer, Judith. The New Dictionary of Catholic Social Thought. Collegeville, MN: Liturgical Press, 1994.
Groody, Daniel G., ed. The Option for the Poor in Christian Theology. University of Notre Dame Press, 2007.
Groody, Daniel G. and Gustavo Gutierrez, eds. The Preferential Option for the Poor beyond Theology.
University of Notre Dame Press, 2013.
Gutierrez, Gustavo. On the Side of the Poor: The Theology of Liberation. Maryknoll, NY: Orbis Books, 2015.
_______. A Theology of Liberation: History, Politics and Salvation, rev. ed. Maryknoll, NY: Orbis Books, 1988.
Himes, Kenneth R. “Globalization with a Human Face: Catholic Social Teaching and Globalization.”
Theological Studies 69 (2008): 69-89.
_______. Modern Catholic Social Teachings: Commentaries and Interpretations. Washington, DC: Georgetown
University Press, 2005.
McKenna, Kevin E. A Concise Guide to Catholic Social Teaching, rev. ed. Ave Maria Press: 2013.
Nadeau, Kathleen M. Liberation Theology in the Philippines: Faith in a Revolution. Westport, CT: Greenwood
Publishing, 2002.
Pieris, Aloysius. An Asian Theology of Liberation. Bloomsbury T&T Clark, 1988.
Pilario, Daniel Franklin E. CM, ed. Faith in Action: Catholic Social Teaching on the Ground. Quezon City: St.
Vincent School of Theology, Ateneo de Manila University, 2017.
Raluto, Reynaldo D. Poverty and Ecology at the Crossroads: Towards an Ecological Theology of Liberation in
the Philippine Context. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2015.
Rowland, Christopher, ed. Cambridge Companion to Liberation Theology, 2nd ed. Cambridge: Cambridge
University Press, 2007.
Sobrino, Jon. No Salvation outside the Poor: Prophetic-Utopian Essays. Maryknoll, NY: Orbis Books, 2008.
Sobrino, Jon and Ignacio Ellacuria. Systematic Theology: Perspectives from Liberation Theology. Maryknoll,
NY: Orbis Books, 1996.

MGA PANGANGAILANGAN
• Maikling Pagsusulit. Nakabatay ang mga maikling pagsusulit sa mga nakatakdang pagbasa. Bibigay
ang mga ito ng walang anunsyo. Hindi magbibigay ang guro ng mga “make-up” na pagsusulit maging
anuman ang dahilan ng mag-aaral sa hindi niya pagpasok o pagdating ng huli sa klase.
• Pabigkas na Pagsusulit. Magkakaroon ang klase ng dalawang pabigkas na pagsusulit (ika-15
hanggang ika-19 ng Oktubre at ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre). Magpapatala online ang
mga mag-aaral para sa mga ito at tatlong araw lamang na bukas ang online sign-ups (ika-8 hanggang
ika-10 ng Oktubre at ika-3 hanggang ika-5 ng Disyembre). Pananagutan ng mga mag-aaral na
matandaan ang kanilang napiling iskedyul kaya anumang tanong na may kinalaman dito ay hindi ko
sasagutin. Kung mayroon sa mga mag-aaral ang hindi magpapatala sa panahong ito, bibigyan sila ng
sero. Ang sinumang hindi makararating sa tamang iskedyul, bibigyan din siya ng sero. Ang mga
tanong sa pagsusulit ay ibibigay isang linggo bago ang simula ng pagsusulit. Gagawin ang lahat ng
pagsusulit sa aking opisina at sa wikang Filipino.
Pupuwedeng pumunta ang mag-aaral sampung minuto bago ang kanyang iskedyul para
mapaghandaan na niya ang kanyang pagsusulit. Ibibigay na sa kanya ang tanong na kanyang
sasagutin. Maaari siyang magsulat sa isang malinis na papel ang kanyang sagot na puwede niyang
gamitan habang kumukuha siya ng pagsusulit. Kapag nakuha na ng mag-aaral ang tanong, hindi na
niya puwedeng tingnan ang kanyang sinulat na pang-repaso at mga babasahin. Kung sakaling hindi
sisipot ang isang mag-aaral sa pagsusulit at wala siyang makatuwirang dahilan sa hindi niya
pagdating, makakuha siya ng bagsak na marka (sero) para sa pagsusulit.
• Video. Hahatiin ang klase sa anim na grupo. Inaasahan na ang bawat grupo ay gagawa ng isang video
na kung saan ipaliliwanag ang isang tema ng panlipunang turo ng simbahan (PCP II, 290-329).
Hinihikayat na magiging malikhain ang mga mag-aaral sa paggawa ng video. Inaasahan na tatagal ng
8-10 minuto ang inyong grupo. Magbibigay lang ang guro ng iba pang paliwanag tungkol dito sa
hinaharap. Ang petsa ng pagsusumite nito ay sa ika-31 ng Oktubre. Bibigyan ng isang marka lamang
ang bawat grupo kaya inaasahan na ang bawat miyembro ay tutulong sa paggawa ng pag-uulat.
• Imersyon o Alternatibong Pananaliksik. Maaaring pumili ang mga mag-aaral na pumunta sa
imersyon o gumawa ng pananaliksik. Para sa layunin ng ating kurso, mas magiging makahulugan ang
imersyon. Sa pamamagitan nito, bubuo ang mga mag-aaral ng pakikipag-ugnayan at
pakikipagkaibigan sa ibat-ibang pamayanan. Susuriin nila ang mga isyung hinaharap ng mga
sambayanang ito, pagnilay-nilayan ang mga isyung ito sa pamamagitan ng bibliya at mga turo ng
simbahan, at gagawa ng mga plano kung paano makatutulong sa kanila. Bibigyan kayo ng kaukulang
patnubay para sa imersyon, lalo na ng OSCI. Inaasahan na gagawin at dadaanan ninyo ang
nakatalagang proseso ng imersyon – ang orientasyon, ang pakikibahagi sa buhay ng mga tao sa lugar
ng imersyon, ang pagproseso ng karanasan pagkatapos ng imersyon at rekoleksyon. Para sa
kalahating araw na rekoleksyon, kinakailangang makipag-ugnayan ang mga mag-aaral sa Campus
Ministry Office (CMO). Sa halip na dumalo rito, maaari rin silang dumalo sa mas mahabang retreat
(halimbawa, Coming Home Retreat) na inaalay ng CMO. Makipag-ugnayan lang sa CMO sa lalong
madaling panahon tungkol dito dahil limitado lamang ang bilang nito. Ang lahat ng mga ito ay ang
batayan ng inyong mga marka. Magiging kabahagi ng grado ng mga mag-aaral ang pagtatasa sa
kanila ng kanilang OSCI formator.
Mga mahahalagang petsa na kaugnay ng imersyon:
• Ika-23/24 ng Agosto Orientasyon tungkol sa Imersyon
• Ika-20-31 ng Agosto Paggawa ng Online Praxis Info Sheet
• Ika-20-30 ng Agosto Medical Sign-ups
• Ika-1 ng Setyembre (8:00-5:00) Praxis Program Orientation
• Ika-7 ng Setyembre (5:00 NH – 6:30 NG) Praxis Program Orientation
• Ika-8 ng Setyembre (TBA) Praxis Program Orientation
Magbibigay ng pabigkas na pag-uulat tungkol sa imersyon ang bawat grupo mula sa ika-19 hanggang
ika-29 ng Nobyembre. Tatlong grupo ang mag-uulat sa klase at ang ibang hindi mag-uulat sa klase ay
magbibigay ng pag-uulat sa akin at sa OSCI formator na kasama sa imersyon. Bahagi ng marka ang
pabigkas na pag-uulat ng mga mag-aaral at ang pagtatasang gagawin sa kanila ng kanilang OSCI
formator. Magiging batayan ng marka sa pag-uulat ang pagtataya na ginawa ninyo sa erya ng
imersyon, ang lalim ng inyong pagtalakay, ang maayos na daloy ng inyong presentasyon, at ang linaw
ng inyong sasabihin. Bibigyan ng isang marka lamang ang bawat grupo kaya inaasahan na ang bawat
miyembro ay tutulong sa paggawa ng pag-uulat. Gaya ng sa paggawa ng video, kung may kabilang sa
grupo na hindi tutulong o kulang ang gagawin, bibigyan siya ng karampatang marka para sa kanyang
kakulangan at/o kapabayaan.
Ang mga sumusunod ang mga erya para sa imersyon para sa bawat sekyon:
• Sek S: Pantabangan, Nueva Ecija; Kythe - Philippine Orthopedic Hospital C; Botolan, Zambales;
Escopa II, Project 4; Catholic Ministry for Deaf People, Varsity Hills.
• Sek T: Pantabangan, Nueva Ecija; Mandaluyong; Botolan, Zambales; GK Escopa; Area 5 Barangay
Bagong Silangan.
• Sek U: Botolan, Zambales; Buklod, Olongapo City; Ina ng Lupang Pangako, Payatas; LIkhaan Center
for Women’s Health; Mandaluyong.
• Sek V: HSADD, Tayuman; GK Dasmariñas; Masantol, Pampanga; Catholic Ministry for Deaf People;
Mandaluyong.
Kung pipiliin ng mag-aaral na gumawa ng pananaliksik, susulat siya tungkol sa anumang panlipunang
isyu at susuriin ito gamit ng tradisyon ng simbahan, lalo na ang bibliya at ang kanyang panlipunang
turo. Kinakailangang magbigay sila ng panukala ng kanilang pananaliksik (“research proposal” –
kasama ang bibliyograpiya) sa ika-13/14 ng Setyembre at kailangang aprobahan ko ito. Format
ng pananaliksik: A4 na papel, 10-12 pahina, Cambria 11 pt., 1.5 spacing, default na mardyin (2.54 na
sentimetro), at nakasulat sa wikang Filipino. Ang huling araw ng pagsumite ng papel ay sa ika-5/6
ng Nobyembre sa ating klase. Magkakaroon ng kaukulang bawas sa grado ang mahuhuli sa
pagsusumite ng kanilang papel: isang araw hanggang isang linggo – isang antas; walong araw
hanggang dalawang linggo – dalawang antas; labing-limang araw hanggang tatlong linggo – tatlong
antas; higit sa tatlong linggo at higit pa – apat na antas. Magiging batayan ng marka ng inyong
pananaliksik ang lalim ng inyong pagtalakay, ang maayos na daloy ng inyong presentasyon, at ang
linaw ng inyong sasabihin.
Dahil mahalagang bahagi ng kurso ang imersyon o ang alternatibong gawain, hindi makapapasa sa
kursong ito ang sinumang liliban sa pagkuha o paggawa nang isa sa mga ito maski mataas ang marka
ng isang estudyante sa ibang bahagi ng kurso. Walang imersyon/walang pananaliksik, bagsak sa kurso.

PAMAMARAAN SA PAGBIBIGAY NG GRADO


Nakabatay ang huling marka ng mga mag-aaral sa mga sumusunod:
• Mga Maikling Pagsusulit 15%
• Imersyon o Pananaliksik 15%
• Malikhaing Video 15%
• Unang Pabigkas na Pagsusulit 25%
• Ikalawang Pabigkas na Pagsusulit 30%

Hindi magbibigay ang guro ng dagdag na trabaho sa sinumang mag-aaral na nais mapataas ang
kanyang grado. Sapat na ang mga pangangailangan ng kurso para rito. Inaasahan na kung mayroong
gustong o hinahabol na marka ang isang mag-aaral na pagsusumikapan niya ito sa loob ng semestre at hindi
lamang sa katapusan nito.

MGA ANTAS
% QP % QP
A 92-100 4.0 D 70-74 1.0
B+ 87-91 3.5 F < 70 0.0
B 83-86 3.0 W 0.0
C+ 79-82 2.5 WP walang grado
C 75-78 2.0

Mga Patakaran sa Silid-Aralan


• Student Handbook. Inaasahan na tutuparin ng bawat mag-aaral ang mga alituntunin na naroon sa
Student Handbook. Papatawan ng nararapat na parusa ang anumang paglabag sa mga ito, lalo na ang
may kinalaman sa intelektuwal na integridad.
• Panalangin sa Klase. Pamumunuan na isang mag-aaral ang panalangin sa bawat klase. Inaasahan
na magbabasa siya ng isang teksto mula sa bibliya na may ugnayan sa klase at batay doon, gagawan
niya ito ng isang panalangin. Magtatalaga ako ng mamumuno sa panalangin ayon sa abakada.
Kinakailangang maging handa ang nakatakdang mamumuno dalawang pagpupulong bago pa man ang
kanyang iskedyul dahil kung sakali mang di pumasok ang nakatakda, ang mamumuno sa pagdaral ay
ang susunod na nakatakda sa kanya.
• Pagdalo sa Klase. Para sa lahat ng mag-aaral, ang pinakamataas na bilang ng pagliban sa klase ay:
MWF - siyam (9) at TTh – anim (6). Para sa may iskedyul ng MWF, ang tatlong huling pagpasok sa
klase ay katumbas ng isang pagliban; para sa TTh, ang dalawang huling pagpasok ay isang pagliban.
Tinuturing na huli ang isang mag-aaral kung pumasok siya pagkatapos mag-tsek ang guro ng
attendance at nasa loob pa ng sampung minuto mula sa simula ng klase. Kapag lumipas na ng
sampung minuto, mamarkahan na pagliban ito. Kung sakaling nahuli lamang ang isang mag-aaral sa
pagpasok sa klase, kinakailangang ipagbigay-alam niya sa guro ito sa katapusan ng klaseng iyon.
Kung hindi niya ito magagawa, magiging pagliban ang kanyang pagiging huli.
Mamarkahang lumiban sa klase ang sinumang mag-aaral na lalabas ng silid-aralan habang may klase
pa. Kung may pangangailangan man, gawin na ito bago o pagkaraan ng klase. Kung may
pangangailangang pangkalusugan, ipagbigay alam lamang sa guro. Hindi na pababalikin sa klase sa
pagpupulong na iyon ang sinumang lalabag sa alituntuning ito.
• Katahimikan sa Klase. Inaasahan ng guro na kapag nagsimula na ang klase na wala ng
makikipagkuwentuhan pa sa kanilang kapwa kamag-aral. Kung may tanong man o nais ibahagi,
magtaas lamang ng kamay at ipahayag ang nasa isipan. Palalabasin ng silid-aralan ang sinumang
hindi makatuwirang nakikipagkuwentuhan sa kanyang katabi at mamarkahan siyang lumiban sa
pulong na iyon. Kung sakaling uulit siya sa paglabag ng alituntuning ito, hindi na siya kailan man
tatanggapin pa sa klase at hindi na makakakuha ng anumang pagsusulit na ibibigay sa klase.
• Beadle. Pipili ng beadle at assistant beadle ang bawat klase. Bahagi sa mga pananagutan nila ay ang
paggawa ng seat plan, pagtulong sa pamamalakad ng klase, at iba pang makatuwirang pananagutan
na hihilingin ng guro.
• Seat Plan. Magkakaroon ang klase ng seat plan para sa semestre. Sa susunod na pagpupulong,
magbibigay ang bawat mag-aaral ng 1 x 1 na larawan sa beadle o assistant beadle. Sa bawat
pagpupulong na walang larawang binibigay ang estudyane, mamarkahan siyang lumiban sa
pagpupulong na iyon. Makapipili ang mga mag-aaral ng upuan kung saan nila gusting maupo sa tagal
ng semester. Kapag nag-tsek ang guro ng attendance at wala ang mag-aaral sa takdang upuan,
mamarkahan siyang lumiban sa pagpupulong na iyon.
• Kompyuter at Mga Aparatong Pangkomunikasyon. Hindi maaaring gamitin ng mga mag-aaral ang
kanilang mga kompyuter at iba pang mga aparatong pangkomunikasyon habang may klase (maliban
na lamang kung may pahintulot ng guro). Kinakailangang ilagay sa “silent mode” o di kaya ay patayin
ng mga mag-aaral ang kanilang mga mobile phones. Palalabasin ng klase ang sinumang lalabag nito at
mamarkahan siyang lumiban sa araw na iyon. Ang ikalawang paglabag sa alituntining ito ay
mangangahulugan ng hindi pagtanggap sa mag-aaral sa tagal ng semestre.
• Pagkain at Inumin. Maaaring magdala ng pagkain at inumin sa klase basta hindi lang ito
makaiistorbo sa pagtakbo ng mga talakayan.
ORAS NG KONSULTASYON

Lunes-Biyernes 3:00-4:00 NH
Ibang Araw at Oras Gumawa ng kasunduan sa guro

Gagawin ang konsultasyon sa aking opisina sa Kagawaran ng Teolohiya. Maaaring pumunta lang ang mag-
aaral sa opisina para kumonsulta o di kaya ay magpadala ng email, rcmendoza@ateneo.edu, o SMS, 0917
587 6669. Kung sakaling magpapadala kayo ng email at/o SMS, ilagay ninyo ang inyong pangalan at
seksyon sa email/SMS. Puwede rin akong tawagan sa kagawaran, 426 6001 ekstensyon 5370-71.

You might also like