You are on page 1of 3

Script for Video

Host: Ayan, nagbabalik tayo ulit dito sa Sumbungang Bayan with Don Reyes…at your
service! Mukhang malapit na tayo mag-wrap up, pero bago tayo magtapos, mayroon
pa tayong huling guest dito sa studio. Good afternoon, ate! Welcome sa aming studio.

PG: Salamat at good afternoon din po sa mga nakikinig at nanonood.

Host: Ano pangalan nila, ate?

PG: Simplicia Magsaka po, taga-Pasig City.

Host: Simplicia! Napakaganda naman ng pangalan mo, ate. Saan ka naman nakuha
ng parents mo ‘yung pangalan?

PG: Ay, pangalan po ‘yan ng tiyahin ng Papa ko.

Host: Wow, ba’t naman si tiyahin? Anyway, wala na tayong oras. Anong concern nila
ate?

PG: Hihingi po sana ako ng tulong. Sinisingil po kasi ako ng nanay ng boyfriend ko ng
P300,000.

Host: Teka, teka. Ba’t ka naman umutang sa nanay ng boyfriend mo?

PG: Hindi po siya utang. Ang alam ko, bigay lang. Alam naman niyang mahirap lang
kami.

Host: Eh ba’t ka naman bibigyan ng P300,000? Ang laki n’un ah.

PG: Alam niya pong nangangailangan kami noon. May sakit kasi noon si Papa.
Kailangan po namin ng panggamot.

Host: Anong sakit ni Daddy?

PG: Nagka-pulmonya po siya. Tag-ulan po kasi noon tapos hindi siya tumitigil
pagsaka. Noong una ubo ubo lang po pero ‘di po kasi siya nagpahinga.

Host: Tapos binigyan kayo ni Tita ng P300,000? Gan’un lang?

PG: Mama po kasi siya ng boyfriend ko. Nalaman niya po sa anak niya ‘yung
sitwasyon namin kaya po siguro siya nagbigay.

Host: Tinanggap niyo naman ‘yung pera?


PG: Opo.

Host: Eh bakit naniningil ngayon si Tita?

PG: Sabi niya po, utang daw ‘yun. Eh noong pumunta siya sa bahay, n’ung binigay
niya ‘yung pera, sabi niya hindi namin siya kailangan bayaran.

Host: Sinabi niya ‘yun?

PG: Opo. Nandoon pa nga ‘yung kapatid ko. Nandoon din ‘yung katulong nila saka
yung driver. Ako naman, sabi ko, hindi naman kayang tanggapin ‘yan ma’am kasi ‘di
ka namin mababayaran. Sabi niya, hindi namin siya kailangan bayaran. Bigay lang
talaga niya ‘yung pera.

Host: O sige, huwag na natin patagalin pa ito. Malapit na tayo sa time limit. Baka
mapagalitan na naman ako ng management. (Laughs)
Sa interest ng fairness, aming tinawagan itong nanay ng iyong boyfriend. Ito si
Ginang Helga Hacendera, tama ba?

PG: Opo.

Host: Nasa linya na ba? (Talks to person off-cam.) Okey, nasa linya na natin.
Magandang hapon po Ginang Hacendera.

Yaya: Ma’am good afternoon daw po. (Sound of phone being passed.)

RM: Ay, hello, hello?

Host: Good afternoon po, Mrs. Hacendera. Si Don Reyes po ‘to, DZLA. Nasa radyo po
tayo at napapanood din sa DZLA TV-Radyo.

RM: Okay, okay. Good afternoon.

Host: Madam, nandito po sa studio namin ngayon si Ms. Simplicia Magsaka. Kilala
niyo po ba siya?

RM: Oo, oo.

Host: Okay, madam. Lumapit sa amin itong si Simplicia kasi sinisingil niyo ho daw
siya sa pagkakautang niya.

RM: Tama, correct, m-hmm.

Host: Pero madam, wala naman daw siyang utang kasi bigay niyo lang sa kanya ‘yung
pera. Saka mahirap lang ‘to si Simplicia. Mukhang ‘di naman ‘to uutang nang malaki.
RM: Mister ano…

Host: Don na lang po.

You might also like