You are on page 1of 2

Unang una sa lahat ako ay isang estudyante, isang estudyanteng

may pangarap, isang estudyante na gustong maiahon ang pamilya sa

kahirapan na matagal ng dinadanas nila. Bilang isang estudyante

tayong lahat ay naghahangad na makapagtapos at merong tayong

samu't saring pangarap sa ating puso, pero bago natin makuha ang

lahat ng iyon, ay malamang dadaan muna tayo sa butas ng karayom.

Hindi masama mag hangad ng malaki, sabi nga ni Neil Patel,

"Think big, dream big and the results will be big." pero dapat

lahat ng yan ay pinaghihirapan dahil ang ating pangarap ay

magaganap lang pag may tapang tayong ituloy ang mga ito. Kaya

masasabi ko talaga na walang taong naging matagumpay na di nya

pinaghirapan. Sa pagsasabi ko ng mga iyan ito ang mga hula ko sa

aking buhay estudyante hangang taon 2018-2021.

Sa unang taon ko sa kolehiyo naging madali at makinis ang dalan,

pero ng lumipas ang buwan, marami akong dinaanan na di ko

akalang mararanasan ko, pinahirapan talaga ako ng mga buwan na

iyon kung saan umabot hangang dalawampung libo ang aking bayarin

dahil sa aksidenteng ayaw ko na ihayag. Pero eto na, umabot na

ako sa araw ng kasalukuyan na lagpasan ko ang hamon na iyon.

Hindi paman dumating ang bukas marami na akong hula sa magaganap

sa buhay ko. Syempre sa taong ito (2018-2019), ako ay

makapagtapos sa unang taon ng kolehiyo at ako ay makapagpatuloy

sa ikalawang taon ng kolehiyo, dito na huhulaan ko na magiging


3rd class officer ako sapagkat malalagapasan ko ang COQC o Cadet

officer qualifying course.

Sa taong 2019-2020 maraming pagsubok ako dadaanan, nandiyan yung

sobra ka nalang maiistressed sa patong patong na gawain,

mapapagod sa puro practice na kung saan saan pa kayo

makakarating makapag ensayo lang, nariyan pa ang kailangan

niyong mag kaka-klase na matulog sa iisang bahay para sama

samang tapusin ang iniatas sa inyo ng inyong mga guro, puyat sa

research , gutom dahil mas gusto mo pang unahin ang ginagawa mo

kaysa kumain. Dito sa taong to rin ako makakapasa sa Philippine

national police academy admission test na magsisimula sa aking

buhay cadete ng PNPA.

Sa Taong 2020-2021, isa na akong ganap na 4th class ng pnpa,

sobra mang hirap ng aking pinagdaanan bago nakuha ito at kahit

sobra din ako nangungulila sa pamilya ko. pero dahil sila ang

inspirasyon ko na nagbibigay sa akin ng determinasyon sa akin,

nailagpasan ko lahat ng ito, at kahit anong hirap pa ng mga

susunod na mga pagsubok andiyan sila at ang panginoong diyos

upang gabayan ako. Yan ang mga hula ko sa aking buhay sa taong

2018-2021.

You might also like