You are on page 1of 2

PAG-IBIG

Pag-ibig, bagay na laging ipinararamdam subalit kalimitang hindi naman


ito nararamdaman. Pag-ibig na nagdudulot ng kasiyahan o di namay
kalungkutan. Pag-ibig na kung nandiyan na ay binabalewala pa. Bawat isa sa
atin ay hangad na makaramdam ng pag-ibig mula sa tamang tao na tapat at
totoo. Yung taong magsisilbing araw sa umaga at ilaw sa gabi mo. Yung taong
magdadala ng sigla sa malungkot mong buhay. Yung taong magbibigay ng
kasiyahan at di ka iiwan kapag may problemang madatnan. Minsan mapapaisip
ka, kalian ka kaya makatatagpo nang totong pag-ibig? Meron pa kayang tamang
tao para sa iyo?

Ang pag-ibig ay palaging nandiyan di mulang nakikita o napapansin


sapagkat iba ang iyong hinahangad na pag-ibig, pag-ibig nang taong di ka
kayang ibigin. Ang pag-ibig ay di hinahanap kusa itong dadating, sadyang
mapaglaro lang talaga ang panahon. Kailangan mulang maghintay sa tamang
panahon at tamang tao.

Kaya kasi tayo napupunta sa maling tao kasi minsan di tayo marunong
maghintay. Di natin mapipilit ang pag-ibig. Kaya nga may mga pag iibigang
nasisira. Bakit nga ba? Ang isang rason dito? Ay ang hindi pagkakuntento. Hindi
lang sa paraang pangangaliwa kundi sa paraang hindi natin nakikita ang ating
mga ninanais sa ating mga ka-ibigan. Palagi nalang kasi tayong tumatanaw sa
iba, palagi tayong may istandard sa isa’t isa. Di tayo makuntento sa kung ano
ang meron siya at kung ano lang ang maibibigay niya. Palagi kasi tayong
nagkokompara. Di natin maisip na nandyan na, nandyan na ang taong
mamahalin ka nang sobra, nandyan na ang taong di ka iiwan sa anumang
problema.

Kaya minsan nga dapat nating babaan natin ating istandards sa mga
bagay bagay at babaan natin ating mga prayd. Maghintay tayo sa tamang tao. At
kung meron mang dumating magtira tayo sa ating sarili, wag mong ibigay ang
lahat. Huwag kang mag hangad nang higit pa sa kanya dahil lahat tayo ay
palaging sapat sa isa’t isa. Huwag mong hayaan ang isang tao na kwestyunin
mo ang iyong sarili dahil lahat tayo ay may halaga. Lagi nating tandaan na laging
nakahihintay ang pag-ibig, huwag tayong magmadali.

You might also like