You are on page 1of 1

BUOD

Nang tumungtong na ang kampana para sa misa de gallo, si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit na ang
buwan, kaya’t paaninaw na tinungo niya ang libingan ng kanyang ina. Sinamantala niya ang pagdalaw sa puntod dahil
dadalaw siya sa bahay ni Kabesang Tales kinabukasan. Mahigit lanbintatlong taon na ang nakalipas nang namatay ang
kanyang ina. Nasaisip niya ang kanilang pighati na naranasan noon. Isang di kilalang lalaking ang tumulong sa kanya,
binigyan siya ng salapi at iniutos na lumayo sa bayan na iyon.

Na ulila ng lubusan si Basilio – walang mga magulang at kapatid. Lumuwas siya ng Maynila na may sakit at gusot-
gulanit ang damit. Natagpuan niya sina Kapitan Tiyago at Tiya Isabel, kapapasok lang ni Maria Clara sa monasteryo.
Dahil dito, lungkot na lungkot si Kapitan Tiyago kaya tinanggap na utusan si Basilio - walang bayad ngunit pinag-aral siya
sa San Juan de Letran.

Noong unang taon niya sa paaralan, ang tanging maibigkas niya ay "adsum" o "narito po" at ang kanyang pangalan.
Dahil sa kanyang pananamit, nilalayuan siya ng kanyang mga kaklase maging ang kanyang gurong Dominiko ay hindi
siya tinatanong sa klase. Sa kabila ng pang-aapi na kanyang naranasan, hindi siya nagpapadala sa mga ito, nasaulo ni
Basilio ang kanilang mga liksyon kahit hindi niya nauunawaan ang karamihan doon. Nang nagkaroon sila ng pasulit,
natugon niya ang kaisa-isang tanong nang walang kagatol-gatol. Sa huli, nakamit ni Basilio ang markang aprobado.

Nang tumungtong si Basilio sa ikatlong taon ng kanyang pag-aaral ay bumuti-buti ang kanyang kalagayan. Naging
guro niya ang isang Dominikong masayahin, palabiro at magpatawa. Naisipan ng propesor na magtanong kay Basilio
upang lituhin ito sa pagtatanong ng liksyon. Subalit, nasagot siya ni Basilio nang tuloy-tuloy, parang loro siya kung
sumagot. Binigyan pa ng guro si Basilio ng ilang katanungan para magkaroon ng katatawan sa klase ngunit nasagot ni
Basilio ang mga katanungang ito, kaya napahiya ang gurong Dominiko. Isang propesor naman niya ang nagkaroon ng
alitan ng ilang mga kadete at naghamunan sa labanan gamit ang sable at baston. Nangako ang guro na kung sino man
ang sasali ay bibigyan ng malaking marka. Isa si Basilio sa mga sumali at nanalo sa labanan. Dahil dito, nakamit niya ang
pinakamahusay na marka.

Sa nakitang pagsisikap sa pag-aaral ni Basilio, inilipat siya ni Kapitan Tiyago sa Ateneo Municipal. Gusto sana ni
Kapitan Tiyago na abogasya ang pipiliin ni Basilio sa pag-aaral pero pinili niya ang medisina dahil sa sariling hilig at pag-
uugali. Lalong pinagbutihan ni Basilio sa pag-aaral, noong nasa ikatlong taon pa lamang sa medisina ay nanggagamot na
siya. Ang kanyang pera sa panggagamot ay pinagbili niya ng mga damit upang mabihis ng mabuti at nakapag-ipon nang
kaunti. Dalawang buwan na lamang at doktor na siya. Makakauwi na siya sa kanyang bayan upang magpakasal kay Huli.

Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,


Ang mga magulang ko ang aking taga gabay.
Sa mundong puno ng lungkot at problema,
Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.

Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo,


Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko.
Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi.
Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki.

Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga


Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kwenta.
Kapag may problema, laging nariyan para umalala
Dahil sa ako’y mahal at anak nila.

Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.


Ayos lang dahil sila nama’y mahal ko.
Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito
Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.

You might also like