You are on page 1of 10

Suring Basa

Epiko ni
Gilgamesh
I.PANIMULA
a.Uri ng panitikan
EPIKO
Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa Epiko mga kabayanihan at pakikipagtunggali
ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga
tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno
ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may
maipagmamalaking epiko.

b.Bansang pinagmulan

Mesopotamia~Ang mesopotamia ay hango sa salitang greek.. meso na nanganga-hulugan


na pagitan, potamos na nangangahulugang ilog..samakatuwid ang mesopotamia ay
nangangahulugang lupain sa pagitan ng dalawang ilog.

c.Pagkilala sa may akda

Ang Epiko ni Gilgamesh ay kinikilala bilang pinakamatanda at isa sa mga pinakamagadang


gawa sa literatura. Ito ay galing sa Mesopotamia.

d.Layunin ng akda

layunin nito para malaman na dapat makontento sa kung anong meron tayo at kung ano ang
gawin natin sa iba, babalik at babalik ito sa atin.

II.PAGSUSURING PANGNILALAMAN

a.Tema/Paksa

-Pagmamalas ng kabayanihan

b.Tauhan/Karakter

- ANU- ang diyos ng kalangitan,ang diyos ama


EA-diyos ng karunungan,kaibigan ng mga tao
ENKIDO-kaibigan ni gilgamesh,matapang na tao na nilikha mula sa luwad
ENLIL- diyos ng hangin at ng mundo
GILGAMESH- hari ng uruk at bayani ng epiko
ISHTAR- diyosa ng pag ibig at digmaan,ang reyna ng mundo
NINURTA-ditos ng digmaan at pag aalitan
SHAMASH- diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao
SIDURI- diyos ng alak at mga inumin
URSHANABI- mamamangkang naglalakbay araw araw sa dagat ng kamatayan patungo sa
tahanan ni Utnapishtim
UTNAPISHTIM- iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain ang mga
tao,binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan.
C.Tagpuan/Panahon
unahang dakilang likha ng panitikan walang nakakatitiyak kung may manunulat noong medieval
- Epiko ni Gilgamesh,isang epikong patula mula sa Mesopotamia ay kinilala bilang kauna Ang o
reinassance Europe ng nakabasa ng Gilgamesh nagsimula kay homer Greece ang tradisyon ng
epiko sa Europa noong 800 bc. Mahalagang mabasa ng magaaral ng literature ng ingles ang the
lliad and odyssey. Makikita sa isinulat ni homer ang porma ng isang epiko. Ang halimbawang uri
ng mga tauhan ang banghay, ang talinghaga, at iba pa. itoy naging inspirasyon ng iba pang
kilalang manunulat ng epiko.samantala, kilalang manunulat ng epiko sina hesoid,
apollonious,ovid,lucan at statius.
D.Balangkas ng mga pangyayari
d.1 Inumpisahan sa pagpapakilala sa mga gampanin ng mga tauhan at ito ay sunod sunod ayon
sa pagkakasunod ng pangyayari hanggang sa wakas.
d.2 Oo ,dahil ang kanilang panitikan ay base sa kanilang kultura.
E.Kulturang masasalamin sa akda
Masasalamin ito sa epiko ng bugan at wigan.sila ay naniniwala at nagaalay sa mga Diyos tulad
ng ibang tao ngayon ng pinaniniwalaan.
III.PAGSUSURING PANGKAISIPAN
a. Mga kaisipan/Ideyang taglay ng akda
Naglalahad ang epikong ito ng kabayanihan at pakikipagsapalaran ng bayaning
si Gilgamesh na hari ng Uruk sa Sumerya. Kabilang sa mga kuwento nito ang hinggil sa
isang malaking baha at sa kung paanong nakaligtas ang isang mag-anak sa pamamagitan ng
paggawa ng isang arko. Ang kuwentong ito ay mas nauna at ang pinaghanguan ng Arko ni
Noe sa Lumang Tipan ng Bibliya.
B.Estilo ng pagkasulat ng akda
-pormal itong isinulat ng akda na may sinaunang paniniwala.
IV.
Buod ng "Epiko ni Gilgamesh"
Ayon sa tabletang ito, ang langit at lupa ay hiniwalay at ang mga tao ay nilikha. Pinili nina Anu
at Enlil ang langit at lupa para kanilang tirhan. Si Ereshkigal ay binigyan ng mundong ilalim at si
Enki ay tumungo sa isang kalalimang matubig sa ilalim ng mundo. Ang isang puno (tree) ay
itinanim sa isang pampang ng Ilog Euphrates na hinipan ng hangin at tinangay sa ilog. Nakita ni
Inanna na Reyna ng Kalangitan ang puno at inuwi ito sa kanyang "banal na hardin" at itinanim at
inalagaan na umaasang mula dito ay makakagawa siya ng isang kama at trono. Nang ang puno
ay lumago, si Inanna ay napigilan sa paggamit ng puno dahil ang ahas ay tumira sa ugatng puno,
ang isang ibong Zû ay gumawa ng isang pugad sa tuktok ng puno at ang isang ki-sikil-lil-la-ke
na isinalin bilang Lilith ay gumawa ng bahay sa gitna ng puno. Pumasok si Gilgamesh sa hardin
ni Inanna at pinatay ang ahas ng kanyang palakol na sumindak sa ibon at ki-sikil-lil-la-ke.
Kinalag niGilgamesh ang mga ugat ng puno at pinutol ito ng kanyang mga kasama. Mula sa
sanga ng puno ay gumawa si Gilgamesh ng kama at trono para kay Inanna. Gumawa si
Inanna ng dalawang bagay mula sa puno, ang pukku mula sa mga ugat nito at mikku mula sa
korona at ibinigay niya ito ay kay Gilgamesh na hari ng Uruk. Isang araw, ang mga regalong ito
ay nahulog sa mundong ilalim at si Gilgamesh ay nabagabag na hindi niya ito makukuha mula
dito. Ang kasama ni Gilgamesh na si Enkidu ay sumagip sa mga ito ngunit napigilang makabalik
sa mundo ng mga nabubuhay. SiGilgamesh ay tumangis at mag-isang tumungo sa Ekur upang
magsumamo sa templo ni Enlil ngunit si Enlil ay hindi namagitan para sa kanya. Pagkatapos ay
tumungo siya sa Ur upang magsumamo kay Sin ngunit si Sin ay hindi rin namagitan para sa
kanya. Pagkatapos ay tumungo siya sa Eridu upang magsumamo kay Ea. Si Ea ay namagitan at
nagsumamo kay Nergal upang buksan ang mundo upang lumabas ang espirito ni Eridu mula sa
mundong ilalim. Si Nergal ay nakinig at binuksan ang mundo at ang espirito ni Enkidu ay nag-
ulat kay Gilgamesh kung ano ang karanasan ng kabilang buhay.

You might also like