You are on page 1of 6

“Bandilang Pilipinas hindi ka naman sumasagisag”

Ang wikang Filipino atin bang pinapahalagahan? Nabibigyan pansin pa ba


ito? magiging maayos pa ba ang paggamit ng wikang Filipino ng mga susunod na henerasyon?
ilan lamang ito sa mga katanungan na sumasagi sa aking isipan,sa tuwing ako’y nakakarinig ng
ibang taong bihasang-bihasa sa wikang Filipino,na kung saan ay humahantong pa,nanagiging
dayuhan ako sa sariling wika.
Ayon sa aking mga naririnig tila ba tayo ay bumabalik sa nakaraan kung
saan ang mga Pilipino ang lumalaban para sa Pilipinas ngunit ngayon ay mismong mga Pilipino
na ang kumakalaban sa sarili nilang bansa. Nakakalungkot isipin na pati ang wikang Filipino ay
balak na nilang tanggalin at palitan ng banyagang wika.
Bilang isang Pilipinong mag-aaral,nakakadismaya na ang dapat
tinantangkilik ay siya pang tatanggalin. Paano na lamang ang mga susunod pang henerasyon?
Hindi na nila malalaman at lalong magkukulang ang kaalaman nila para rito. Hindi na uunlad
ang wikang Pilipino sapagkat ihihnto na ito sa pagtuturo, kung ito ay pilit nilang tatanggalin
paano pa ito uunlad?
Unang sumagi sa aking isipan paano na lamang kung malaman nila Dr.Jose
Rizal, Manuel L.Quezon at marami pang iba, na ang bansang kanilang ipinaglaban mula sa
banyaga ay sa banyaga pa rin ngayon sumasamba .Magagawa pa rin ba nating maipreserba ang
kanilang pinaghirapan at ipinaglaban? magagawa pa rin ba nating bigayang importansya ang
sariling atin kahit ang panahon ngayon ay mabilis magbago.
Ang pagtanggol ng ating mga kababayan sa pagpapanatili ng Filipino sa
kurikulum ay isa lamang patunay na tayo ay mayroon pa ring respeto sa ating kultura at
pagmamahal sa kinagisnang wika na siyang naging parte at humulma ng ating
kasaysayan,kultera at pagka Pilipino.
A.Personal na Sanaysay

“Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng Pag-ibig”

Maraming salita tungkol sa pag-ibig at ginagamit natin ang salitang ito sa


iba’t ibang paraan,pero ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?kahit sino ay
maaring magbigay kahulugan dito.
Pag-ibig ay isang desisyon,desisyong magmahal at tanggapin ang isang
tao,anuman ang kanyang pagkukulang,hindi ito isang simpeng emosyon lamang ,ito ay isa ring
responsibilidad na kailangan panindigan
Marami sa mga tulad naming kabataan ang naghahanap ng pagmamahal.
Minsan sila ay umaasa at sa huli sila rin ang nasasaktan. Sabi nila na ang pagmamahal ay
nadadama mo kung ang kaligayahan ng isang tao ay nagiging kaligayahan mo na rin at kaya
mong gawin ang lahat para sa taong mahal mo.
Para sa akin ang tunay na pagmamahal na natanggap ko ay galing sa aking
mga magulang. Dahil sila ang mga di nagsasawang mahalin at tiisin ako sa kahit ano mang
sitwasyon. Sabi nga nila “Ilwanan ka man ng kainigan mo at talikuran ka mang ng mundo,di
magbabago ang pagmamahal sayo ng pamilya mo”
B.Pampantikang Sanaysay

“Kalayaang matagal nang hinahangad”

Yan ang sigawa ng ilang mamayan,mga mamayan na uhaw sa


kalayaan. Pero kaparat-dapat nga ba nating makamit ang kalayaan? kalayaan na hinahangad ng
ating bayan at kumilos ng walang sino mang nangingialam. Pero para sa akin karapat-dapat
nating makamit ito dahil tayo’y nilikha ng Diyos hindi ng mga tao.
Pero dapat nga ba natin ito na pahalagahan?Dahil ang kalayaan ay
maraming pawis at hirap na inilaan nila para rito. Maraming bayani ang inialay ang kanilang
buhay para makamtan at maramdaman nati ang salitang “kalayaan” hindi sila natatakot sa mga
dayuhang gahaman mapalaya lamang tayo at makita ang liwanag mula sa karimlan.
Kaya ay pahalagahan natin ang kalayaang matagal nating
hinahangad. Kalayaang tinatamasa natin dahil hindi ito pinagkait ng mga bayaning nagtanggol sa
ating bayan.
C.Panlipunang komentong sanaysay

“Korapsyon sa ating bansa”

Ang korapsyon sa ating bansa ay tila hindi humihinto at palala


pa ito nang palala.mapapansin naman nati na ang korapsyon ay likas na sa tao,lalo na kung ikaw
ay uhaw na uhaw sa mga luho o kaya sa magagandang bagay sa mundo. Sa aking palagay hindi
lang kasalanan ng opisyal na maging gahaman para makuha ang gustong posisyon sa
pamahalaan.May malaking kontribusyon din ang taong bayan
Napakaraming solusyon para sa korapsyon at karaniwang mga
nasa gobyerno lamang ang nakakagawa ng solusyon . Ngunit para sa akin masusulusyonan ito
kung tayong lahat ay hindi magiging sakim sa pera at pagtutuonan ito ng pansin mg pangulo at
ng matitinong nasa gobyerno
Naiintinidhan naman natin na masarap tumaggap ng pera pero
dapat nating tandaan na yung perang kinukuha mo ay galing sa dugo’t pawis ng iyo
samabayanan. Dahil mas masarap tumanggap ng pera kung galing ito sa iyong paghihirap.
“Ang kwento ng aking pagkabata”

Sa sobra kong pagpapasaway


muntik-muntika na akong matakwil ng aking inay
Ngunit masasabi kong ito ang pinakamasayang parte ng aking buhay
At hinding hindi ko ito makakalimutan kailanman

Mula sa pagtakas ko sa aming bahay


Nakakatanggap ako ng isang malupit na hagupit sa aking tatay,
isang matinding talak ng aking nanay
na gagatungan pa ng aking mabait na kapatid na halos araw araw kong kaaway

Naaala ko dati tuwing ako’y pinapatulog tuwing tanghali


kahit hindi pa ako nakakaramdam ng antok
ako’y hahanap ng tiyempo para ako’y makatakas at sa aking pag uwi
Isang malakas na palo naman ang bubungad sa akin

Habang malayang tumatakbo


malayang sumisigaw ,habang binabato ang lata
ang panahong kasama ko ang aking mumunting laruan
na noong tumanda na ay aking tinalikuran

Kahit matanda na ay aking pa rin babalikan


ang mumunting kasiyahang naidulot sa akin ng nakaraan
walang tatalo sa sayang naramdaman
at hindi pagsisishan lahat ng naranasan

Dahil dito ako’y naging matatag


bawat pagkakadapa ko’y matuto akong tumayo
Sa aking sariling mga paa
hindi na muling iiyak pa sa aking pagkakadapa

Isa ito sa bagay na minsan lang sating buhay


Isang beses lang mararanasan ngunt may dalang galang na ating maalala sa ating buhay
Ito’y hindi na maibabalik pa
kaya an gating magagawa na lamanbg ay alalahanin at magpatuloy sa ating buhay

You might also like