You are on page 1of 1

Grade 12 student nag- suicide sa eskuwelahan

CEBU CITY – Nasawi ang isang 17-anyos na estudyante sa Grade 12


makaraan siyang tumalon mula sa ikapitong palapag ng isang gusali sa
kanyang paaralan sa Barangay Kalubihan sa Cebu City, nitong Huwebes ng
hapon.
Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Jonah Villarin, taga-Bgy. Tisa,
Cebu City, dahil sa matinding sugat na tinamo ng kanyang ulo.

Nauna rito, tinangka ng dalagita na tumalon mula sa ikawalong palapag ng


kaparehong gusali sa Asian College of Technology, subalit napigilan siya ng
isang guro at dinala siya sa guidance counsellor, at kalaunan ay ipinatawag
ang kanyang mga magulang.
Napaulat na namumroblema sa kanyang pamilya si Villarin at isang linggo na
ang nakalipas nang lumayas ito mula sa sariling tahanan matapos umanong
mapagalitan ng kanyang mga magulang.
Ayon kay SPO1 Winston Ybañez, ng Cebu City Police Office-Homicide
Section, sinabi sa kanila ng ina ng estudyante na hindi ito ang unang beses
na naglayas si Jonah makaraang mapagalitan.
Nabatid na natakot umano ang dalagita na makita ang kanyang ina nang
ipatawag ito ng paaralan kaya nagsabi siyang magbabanyo, subalit tumalon
mula sa bukas na bintana sa ikapitong palapag ng gusali, bandang 4:00 ng
hapon nitong Huwebes.
Inihayag ni Asian College of Technology President Stephen Descallar na ang
eskuwelahan ay “shocked about the unfortunate incident”, at sinabing
kakaiba ang kinikilos ng dalagita nang araw na iyon.
Sinabi pa ni Descallar na inamin ni Jonah sa guidance counsellor na si Mr.
Marcus Agonia, Jr., na ang dalagita ay “physically, verbally and
psychologically abused by her parents at home”.
Sinabi pa umano ni Jonah kay Agonia: “Gikapoy na ‘ko sa akong kinabuhi,
kay puros lang pain (Sawa na ako sa buhay ko’ng puro pasakit).”
Ayon kay Descallar, inirekomenda na niya noon sa ina ni Jonah na ipasuri sa
clinical psychologist ang dalagita makaraang makumpirma na maraming
beses nang nagtangkang maglason ang estudyante.

You might also like