You are on page 1of 2

Gabriel C.

Hernandez Feb 9, 2019

12- Aristotle CORFIL 3

Abstrak

Resolution of the Psychological Association of the Philippines on Gender-Based Violence


and Violence Against Women (VAW)

Psychological Association of the Philippines

Ang mga kamakailang pangyayari ay nagdulot ng pansin sa publiko sa patuloy na suliranin ng


dehumanisasyon at karahasan na nakabatay sa kasarian laban sa mga kababaihan sa lipunan ng
Pilipinas. Kabilang sa mga ito ang dokumentadong pagbebenta ng isang ‘t-shirt framing rape’
bilang isang "snuggle with a struggle" sa isang malaking department store chain, ang staging ng
fashion show ng pangunahing retail brand na nagtatampok ng lalaking aktor na hinihila ang isang
babaeng modelo gamit ang tali ng hayop, at kamakailan lamang, ang marahas na pagkamatay ng
isang transgender na babae mula sa Olongapo City. Sa resolusyon na ito, hinihimok namin ang
posisyon ng aming pambansang propesyonal na samahan ng mga psychologist ng Pilipino,
psychometricians, sikolohikal na mananaliksik, at mga kaakibat na mga propesyonal sa kalusugan
ng isip sa pagpindot sa problema ng karahasan batay sa kasarian at ang mga kaugnay na pinsala sa
kalusugan ng kaisipan at kagalingan, lalo na para sa kababaihan.

Mga masusing salita: karahasan, kasarian

PAP,. (2014). Resolution of the Psychological Association of the Philippines on Gender-Based


Violence and Violence Against Women (VAW). Philippine Journal of Psychology, 47 (2), 153-
156.
Buod
Die Beautiful

Ang Die Beautiful ay isang pelikulang naglalahad ng kwento ng isang yumaong


transgender beauty queen. Si Patrick, lumaki sa pangalang Trisha Echevaritia ay isang transgender
na lalaking may pangarap na maging isang beauty queen. Sa kabila ng kanyang piniling kasarian
ay hindi ito nagustuhan ng kanyang ama kung kaya’t pinili nitong umalis ng bahay at nagsimulang
manuluyan sa bahay ng kanyang matalik na kaibigang si Barbs.

Naging masaya ang kanyang buhay kasama ng kanyang mga kaibigang bakla. Sari-sari ang
kanilang sinalihang patimpalak sa kahit anong lugar na mayroong Gay Contest. Sa mga panahong
siya ay nabubuhay ay nakatagpo rin siya ng ilang mga lalaking nagpatibok ng kanyang puso ngunit
siya ay iniwan din dahil sa nawalan siya ng kakayahan na bigyan ng pera ang mga lalaking ito.
Nawalan siya ng minamahal ngunit nakatagpo rin ng lalaking bagpatibok muli sa kanyang puso.
Siya ay naging desperado sa pagbubuntot at pagmamahal kaya naman ginagawa niya ang lahat
upang magustuhan. Isang araw ay inimbitahan siya sa isang inuman kung saan ito ay puno ng
kalalakihan, naging masaya ito. Hindi niya na namamalayan ang mga pangyayari dahil sa ito ay
lasing na. Isang lalaki ang nagpatuwad sa kanya at ginawa ang mga bagay na hindi kanais-nais.
Tila nasira kanyang pagkatao nang nalaman niyang siya ay ginahasa. Sa kabila ng iyon, tuloy pa
rin ang buhay at pagsali sa mga beauty contest.

Ang kaniyang pinakamataas na narating, na ipinalabas pa sa telebisyon, ay ang Binibining


Gay Pilipinas kung saan siya ay nanalo at nakilala ng bansa. Ngunit sa kabila ng lahat ng parangal
ay doon din siya nabawian ng buhay. Si Trisha ay mayroong iniindang sakit na Brain Aneurysm
at ang tanghalan ang nagsilbing huling hantungan para sa kanya. Ang kanyang libing ay
hinahawakan ng kanyang mga matatalik na baklang kaibigan sa Happy Endings Funeral Home, at
sa pitong araw na siya ay pinaglalamayan, araw araw siya ay nagiiba nang anyo at binibihisan para
magmukha ng mga artisa katulad na lamang nila Iza Calzado, Angelina Jolie, Miley Cyrus, at
Beyoncé.

You might also like