You are on page 1of 1

Bantay Salita

Sa bawat bagay na sinasabi ng tao ay may mga nabubuong mensahe na taglay ang kaniyang mga
hinanaing, opinyon, at iniisip na nais ipahiwatig sa kaniyang mga kinakausapan. Ito ang naging
pundasyon ng komunikasyon: ang siyang kumukonekta sa bawat tao para sa isang malayang diyalogo.
Subalit, ang pagiging malaya nito ang mismong nagbibigay ng oportunidad sa pag-aabuso nito. Nagiging
midyum ang diyalogo sa paghayag ng galit at pagkasuya sa mga partikular na tao o grupo na nakakasakit
sa kanila. Karaniwang isinasagawa ito ng mga personalidad na may kapangyarihan, kagaya ni Pangulong
Duterte nang tinawagan niyang “gago” at “lasenggo” ang mga Katoliko nang ipinagdiwang nila ng
dalawang araw ang Undas. Dahil sa epektong nadudulot nito sa mga tao, nakikilala ito sa katawagang
hate speech, ngunit, paano ba ito lumaganap at ano ang mga maaaring gawin para masolusyonan ito?

Ang lahat ng tao ay may dala-dalang opinyon na nais ipasakatotoo. Hindi maiiwasan ang mga
pagkakataong ang mga ideyang ito ay hindi tutugma at sasang-ayon sa isa’t isa. Dito pumapasok ang
hate speech na ginagamit ng iba para ipapababa ang pagtingin ng marami sa kanilang mga tinutukoy.
Hindi lang nito sinisira ang reputasyon ng mga naaapekto kundi pati na rin ang kaligtasan ng marami
mula sa diskriminasyon at iba pang uri ng masamang pananalita.

Sa lawak ng midyum na ginagamit ngayon para sa pagkita at pagpalit ng impormasyon, mahirap sugpuin
ang mga bagay kagaya nito. Ito lamang ay matatanggal sa pamamagitan ng pagiging isang responsableng
mambabasa na sumusuri at sumasaliksik sa mga diyalogong kaniyang nakikita at naririnig. Ang
responsibilidang ito ay hindi naman gawain ng isang indibidwal lamang lalo’t isa itong isyu na
nagdadamay sa kondisyon ng lahat. Sa iyo sumisimula ang operasyong ito na bubukas sa isang bagong
kabanta: bantay salita!

You might also like

  • Ap 2
    Ap 2
    Document5 pages
    Ap 2
    Jims Cudinyerah
    100% (2)
  • Ap 4
    Ap 4
    Document4 pages
    Ap 4
    Jims Cudinyerah
    No ratings yet
  • Ap 3
    Ap 3
    Document5 pages
    Ap 3
    Jims Cudinyerah
    100% (1)
  • Ap 1
    Ap 1
    Document6 pages
    Ap 1
    Jims Cudinyerah
    No ratings yet