You are on page 1of 2

Rebyu sa isang pelikiula

Kita kita:

Ang kita kita sa panulat at direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.


Ginampanan ng dalawang di matatawarang aktor at aktres na sina
Empoy Marquez bilang Tonyo at Alessandra de Rossi bilang Lea. Hindi
lamang ito isang karaniwang komedya at pampakilig sa manonood
ngunit kapupulutan din ito ng aral. Naantig ang aking puso sa takbo ng
kwento nina Lea at Tonyo kung saan nagkakilala sila sa Japan. Sa kabila
ng pagkawala ng paningin si Lea at pagkapariwara ni Tonyo, nakakita
sila ng bagong pag asa at pag ibig.

At iba pang rebyu ng isang aklat

Pagsalunga sa agos ng karaniwang pag-iral—ang mamuhay nang tila


hindi umiral ang nakalipas, nang walang isinasaalang-alang na
kasaysayan, personal man o panlipunan—ang buong giting na
sinusuong ng mga tula sa ikalawang aklat ni Mabi David, ang You Are
Here. Maselang gawain/pananagutan ang magbalik-tanaw sa nakaraan,
isang peligrosong aktong maihahalintulad sa pagtawid sa manipis na
lubid, dahil sinusukat nito ang hanggahang handa tayong tawirin pati na
ating katatagang harapin/mapangibabawan ang samutsaring lagim ng
kasaysayan—ang mga sandali ng pagkaligta, ang mga pagkakataon ng
pagkukulang, ang mga kaganapang nagpapamalas sa ating malupit na
kahinaan bilang tao at indibidwal—ang mga bagay na hindi na maaaring
balikan, wika nga ni Dickinson sa tulang pinagmulan ng epigrape ng
koleksyon, na sa maraming pagkakataon ay mas mainam ngang hindi na
balikan pa.

Sa mga tula ni Mabi, madarama ang naturang tensyon, ang


pagbubuhol/pagkakalag ng mga pag-aalangan/pagtitiyak (“secure the
rope at the right suspension/ for the illusion to work”) sa sinasabing
imperatibo na magmasid/suriin di lamang isa/dalawang beses ang etikal
na dilemma ng “pagtingin” sa kasaysayan—ang salimuot ng
“pagkakasangkot ng kontemporaryong indibidwal sa minanang
nakalipas”—ganitong bawat posibleng imaheng ibinabahagi sa atin ng
Kasaysayan ay laging nanganganib maglaho, gumuho, o, tulad sa
napakarami’t tipikal na kaso, maimortalisa sa anyo ng isang
rebulto/bantayog/monumento. Malaking posibilidad din na ang
inaakala nating Kasaysayan ay isa palang kasinungalingan. “Even the
dead will not be safe,” wika nga ni Walter Benjamin. Para kay Mabi,
malinaw na “The visible is a word for the limits to her sight” lalo’t
kinikilala niya ang kanyang posisyon bilang “secondary witness” (“She
takes a step back/ to where she can see only a part of the act”) (“She
steps further back, unwilling to be/ caught into disbelief because of
what can be seen”) sa mga naganap—saksi sa inilalahad ng saksi—na
ngayo’y inaarkibo sa kung anumang repositoryo ng may-
saysay/historikal.

You might also like