Professional Documents
Culture Documents
Jenica Puday
Jenica Puday
JENICA N. REBATO
I. Layunin
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan;
b. napapahalagahan ang konsepto ng teorya ng pangangailangan;
c. naisusulat ang mga bagay na pangangailangan at kagustuhan ng tao.
2. Paglista ng Lumiban
Sino ang mga lumiban sa klase sa araw Wala po.
na ito?
B. Panlinang na Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Pagganyak
Bago natin pormal na simulan ang ating
klase ay maglalaro muna tayo. Hahatiin ko
ang klase sa dalawang grupo. Ang bawat
miyembro ng bawat grupo ay dapat
makapagsulat ng mga bagay na nakaatas sa
kanila sa loob ng isang minuto. Ang unang
grupo ay magsusulat ng mga bagay na alam
niyong kailangan niyo at sa ikalawa naman
ay ang mga bagay na alam niyong
kagustuhan niyo. Tatayo isa-isa ang bawat
mag-aaral at magsusulat sa pisara. Ang
pinakamaraming maisusulat sa loob ng
isang minuto ang siyang grupong
tatanghaling panalo. Nakuha niyo ba ang Opo.
direksyon?
2. Paglalahad
Ang aralin na ating tatalakayin sa araw na
ito ay ukol sa mga pangangailangan at
kagustuhan ng isang tao. Tutukuyin rin natin Opo.
ang kahalagahan ng teorya ng
pangangailangan. Handa na ba kayo upang
ating alamin ang mga ito?
Magaling!
C. Paglinang sa Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Upang maintindihan natin at malaman
ang teorya ng pangangailangan ay hahatiin
ko kayo sa limang grupo. Ang bawat grupo
ay bibigyan ng isang parirala o
pangungusap na pag-uusapan ng grupo.
Magbibigay ng mga halimbawa ng mga
pangangailangang hinihingi at inyong
ipaliliwanag kung bakit ba natin kailangan
ang mga ito. Matapos ninyong mag-
brainstorm ay iuulat ng inyong napiling
lider ang inyong mga sagot.
Naintindhihan niyo ba? Opo.
Magaling!
D. Paglalahad
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ngayon bago natin talakayin ang
kabuuan ng lahat ng mga
pangangailangan, alamin muna natin kung
ano nga ba ang kahulugan ng salitang
Pangangailangan. Ano ba ang
Pangangailangan? Ang pangangailangan po ay isang
damdamin na umuudyok sa tao na
magkaroon ng bagay o karanasang
nararapat niyang makuha o maranasan
upang siya ay mabuhay at makaganap ng
isang tungkulin.
Tama.
Sa kabilang banda naman, ano nga ba
ang kagustuhan?
Ang kagustuhan po ay damdamin na
umuudyok sa tao na magkaroon ng
karagdagang mga bagay o karanasan na
magpapaganda o magpapasya sa kanya
na hindi naman nakaaapekto sa kanyang
kahusayan at pagiging produktibo.
Magaling. Titingnan natin kung talagang
alam niyo na ang pagkakaiba ng
pangangailangan at kagustuhan.
Halimbawa, may kompyuter ang graphic
artist. Pangangailangan ba ito o
Kagustuhan? Pangangailangan po.
Pangkaligtasan at Seguridad
Pisikal o Pisyolohikal
IV. Pagpapahalaga
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ngayon, sa dalawang magkaibang
bagay na ating tinalakay –
Pangangailangan at Kagustuhan, ano ang Ang nakikita ko pong mas mahalaga ay
mas mahalaga para sa inyo? ang pangangailangan, dahil po hindi tayo
mabubuhay ng wala ang mga ito
samantalang ang kagustuhan po ay
nagbibigay lamang ng
pansamantalang kasiyahan.
Magaling.
V. Paglalahat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ano ang kaibahan ng kagustuhan sa
pangangailangan?
Ang mga pangangailangan po ay ang
mga bagay na siyang bumubuhay sa atin
ito ay mga bagay na kinakailangan upang
maging produktibo, samantala ang
kagustuhan po ay mga bagay lamang na
ibig natin, nagbibigay ito ng panandaliang
Tama. Ano naman ang limang baitang sa kasiyahan.
herarkiya ng mga pangangailangan ni
Maslow? Isa-isahin mula sa pinakababang
baitang patungo sa pinakamataas.
VI. Pagtataya
A. Tukuyin ang mga salita. Ilagay ang titik “K” kung ito ay tumutukoy sa mga bagay na
Kagustuhan at “P” kung ito naman ay tumutukoy sa Pangangailangan. (Isang
puntos sa bawat bilang)
__1. Damit __6. PSP
__ 2. Touchscreen Cellphone __7. Edukasyon
__ 3. Professional Camera __8. Bahay
__ 4. Tubig __9. Aklat
__ 5. Flatscreen TV __10. Kotse
B. Essay. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. (5 puntos sa bawat bilang.)
1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan.
2. Iguhit ang Herarkiya ng Pangangailangan ayon kay Abraham Maslow at
ipaliwanag ang bawat baitang.
VII. Kasunduan
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng relasyon ng mga bagay na Pangangailangan
at Kagustuhan.
KALAKIP 1.1
Pangangailangang
Maibig,
Makisapi at
Makisalamuha
Ikaapat na Pangkat - Tree Diagram
Pangangailangang
mapahalagahan ng ibang tao
Pangangailanga
ng
maisakatuparan
ang sarili nating
kakayahan at
pagkatao