You are on page 1of 3

CAWAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Cawayan, Claveria, Masbate


3rd Quarterly Assessment in
Araling Panlipunan Grade 7

Pangalan:______________________________________________ Score:___________
Taon at Seksyon:___________________________ Petsa:___________
I. PAGPIPILI: Basahin ng mabuti ang bawat tanong o pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
______ 1. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang
ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles (a. passive resistance b. pagbabago ng pamahalaan
c. armadong pakikipaglaban d. pagtatayo ng partido pulitikal)
______ 2. Sa pagitan ng mga rutang pangkalakalan nagsimula ang ugnayan sa pagitan ng mga Asyano
at Europeong mangangalakal. Ilang rutang pangkalakalan ang ginamit? (a. 4 b. 3 c. 2 d. 1)
______ 3. Sa paggalugad at pagtuklas ng mga lupain,ano ang dalawang bansang nangunguna dito?
(a.Portugal at Germany b. France at Netherlands c. Portugal at Spain d. England at Amerika)
______ 4. Ang pinakamimithing lugar ng mga Kanluranin na pinagkukunan ng mgaekado. (a. Moluccas
b. Malaya c. Macao d. Formosa)
______5. Nang nakamit ng India ang kalayaan mula sa Britanya noong 1947, nahati ito sa dalawang estado,
ang India at Pakistan. Ano ang epekto nito sa katayuan ng bansa at mamamayan?
(a. nahati ang simpatya ng mga mamamayan sa dalawang estado b. nagsilikas ang karamihan ng
mga mamamayan sa ibang bansa c. nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno d. wala sa nabanggit)
______ 6. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga rehiyon ng Asya?
(a. naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang
ibangon ang kaunlaran ng bansa b. naging mapagbigay ang mga Asyano alang- alang sa
kapayapaan c. natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain d. natutong magtiis ang
mga Asyano alang- alang sa kapayapaan)
______7. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyon ng Asya?
(a.pag- unlad ng kalakalan b. pagkamulat sa kanluraning panimula c. pagkakaroon ng kaalyadong
bansa d. paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas)
______8. Dalawang anyo ng nasyonalismo ang ipinakita ng mga Hindu laban sa mga Ingles. Isa dito ay ang
rebolusyunaryong kilusan dahil gumamit ito ng marahas na pagkilos. Ang nakatawag pansin ay ang
pinamunuan ni Mohandas Gandhi dahil:
(a. mga bata ang kinakasangkapan niya sa paglaban sa British b. namahagi siya ng mga
produktong Hindu c. isinagawa niya ito kasama ang mga guro. d. gumamit ng tahimik na paraan tulad
ng di pagsunod sa mga kagustuhan ng British.
______9. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan.Nagbigay daan ito para ang
mga Asyano ay matutong: (a. pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin b. maging
mapagmahal sa kapwa c. makisalamuha sa mga mananakop d. maging laging handa sa panganib)
_____10. Ang Pilipinas ay nasa anong bahagi ng Asya?
a. Timog-Silangan c. Timog
b. Hilagang-Silangan d. Hilagang-Kanluran
II. PAGSUSURI: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag, iguhit ang kung ang pahayag ay tama at X
kung ang pahayag ay mali.
____11. Ang mga krusada ay isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang
mabawi ang banal na lugar ang Jerusalem sa Israel.
____12. Ang panahon ng ekplorasyon ay nag-iwan ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng lipunan at
kabihasnan ng mundo.
____13. Ang Portugal ay nakakuha ng maraming piling lugar sa Asya, mga daungan ang piniling sakupin nito
upang makontrol ang kalakalan.
____14. Ang mga imperyalistang bansa ay gumamit ng isang pamamaraan lamang upang makakuha ng
bagong lupain.
____15. Ang pakikipagkalakalan,pagpapalaganap ng bagong paniniwala at pilosopiya ay ilan lamang sa mga
pangunahing dahilan ng pananakop ng mga bansang Kanluranin sa Asya.
____16. Nagkaroon ng interes ang mga Kanluranin sa Kanlurang Asya nang madiskubre ang langis sa
Gitnang Silangan.
____17. Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay katulad ng nasyonalismong naipakita ng mga bansa sa
Timog Asya.
____18. Mahalaga ang pagkakaroon ng mga kilusang pangkababaihan sapagkat sila ang pangunahing
tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga kababaihan.
____19. Ang ideolohiyang pang-ekonomiya ay nakapokus sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng
pagpapatupad ng mga mamamayan.
____20. Negatibo ang epekto ng mga pagbabagong naidulot ng mga samahang kababaihan sa mga bansa
sa
Timog at Kanlurang Asya.
III. ANALOHIYA. Bilugan ang titik upang mabuo ang paghahambing.
21. Mohandas Gandhi: India :: Mohamed Ali Jinah: __________. (a. Iran b. China c. Pakistan d.Bhutan)
22. 1st World War: 1914 :: 2nd World War :___________. (a. 1920 b. 1927 c. 1940 d. 1939)
23. UN: United Nations ; NATO: ____________. (a. National Atlantic Treaty Organization c. Nigerian Atlantic
Traffic Office b. New Asia Treaty Organization d. Neo Atlantic Trade Organization)
24. Pilipinas: Republika ; Bhutan:________. (a. Monarkiya b. Komunista c. Parliamentary d. Aristokrasya)
25. Maldives: Republika ; Yemen: _______________. (a. Monarkiya b. Republika c. Komunista d. Federal)
26. Ahimsa: Hindi paggamit ng dahas o violence ; Suttee:_________. (a. Ang pagpapatiwakal ng mga
biyudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa b. Rebelyon c. Kasuotan d. Sayaw)
27. Imperyong Mogul: China ; Imperyong Persian:________________. (a. India b. Korea c. Thailand d.
China)
28. Marco Polo: Italyano ; Vasco da Gama:________________. (a. Hindu b. Portuguese c. Tsino d. Pilipino)
29. Kolonyalismo: colonus ; Imperyalismo: _____________. (a. Imperius b. Imperium c. Imperial d.
Impericium)
30. “The Travels of Marco Polo” : Marco Polo & Ruxlichello of Pixa ; “White Man’s Burden” : __________.
(a. Rudyard Kipling b. Machiavelli c. Jose Rizal d. Confucius)
IV. PAGKILALA. Punan ang patlang ng tamang sagot sa pamamagitan ng pagpili sa kahon.

Demokrasya Republika Pederal Totalitaryanismo Diktadurya


Teokrasya Komunismo Mandate System Protectorate Satyagraha
Astrolabe Nirvana Suttee Veda Compass

_________31. Instrumento sa paglalayag na ginagamit upang malaman ang latitud o layo ng barko.
_________32. Pagpapasailalim sa isang bansang naghahanda na maging isang malaya at nagsasariling
bansa sa patnubay ng isang bansang Europeo.
_________33. Pamahalaang pinamumunuan ng isang Diktador
_________34. Pamahalaan kung saan hawak ng mamamayan ang kapangyarihan.
_________35. Isang anyo ng demokrasya kung saan ang mamamayan ang pumipili ng kinatawan o
representative.
_________36. Hawak ng mga lokal na pamahalaan ang kapangyarihan na hindi maaaring pakialaman
ng pamahalaang nasyonal.
_________37. Ito ang sistemang politikal na hawak ng estado, o ng pamunuang namamahala nito ang
ganap na awtoridad.
_________38. Pamahalaan kung saan ang mga lider ng relihiyon ang namumuno bilang kinatawan ng
kanilang diyos.
_________39. Ito ang paglalabas ng katotohanan kasama ang pagdarasal, meditasyon at pag-aayuno.
_________40. Sa pamahalaang ito, iisang partidong awtoritaryan ang may kapangyarihan sa ekonomiya
ng bansa.
V. PAGLALARAWAN. Gumawa ng drawing na naglalarawan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Asya.
Pumili ng isa at ipaliwanag ang iyong ginuhit. Itala kung sinu-sino ang namuno dito, kung paano
napukaw ang nasyonalismo ng bansa, at kung anong pamamaraan ang kanilang ginamit upang
labanan ang mga mananakop.
a. Nasyonalismo sa India b. Nasyonalismo sa Pakistan
KEY TO CORRECTION G-7 3rd Grading Exam

I. II. III. IV.


1. A 11. 21. C 31. ASTROLABE
2. B 12. 22. D 32. MANDATE SYSTEM
3. C 13. X 23. B 33. DIKTADURYA
4. A
14. X 24. A 34. DEMPOKRASYA
5. D
15. 25. B 35. REPUBLIKA
6. A
16. 26. A 36. PEDERAL
7. D
17. 27. D 37. TOTALITARYANISMO
8. D
18. 28. B 38. TEOKRASYA
9. A
19. X 29. B 39. SATYAGRAHA
10. A
20. X 30. A 40. KOMUNISMO

V.

41-50 Drawing with essay. It’s


up to you.

You might also like