You are on page 1of 3

Kabanata 23 – Ang Piknik

Naglakad ng magkasama ang mga kababaihan samantalanag hiwalay ang mga kalalakihan,
dalawang Bangka ang sasakyan nila. Nagkaroon ng butas ang Bangka ng mga kalalakihan at
inilipat sila sa Bangka ng mga babae. Ang mga kalalakihan ay nangingisda ngunit sila ay inatake
ng buwaya, tinalo naman ito nila Ibarra at Elias.

Kabanata 24 – Sa Kagubatan

Nakapagmisa ng maaga si Padre Salvi at agad ay nag-almusal. Pagkatapos, nagpunta ito sa lugar
ng piknik, pinahinto nito ang karwahe upang pagmasdan ang binti at sakong ng mga
kababaihan. Nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi dahil sa
pagkawala ng anak ni Sisa, pinigilan naman sila ni Ibarra.

Kabanata 25 – Sa Tahanan ng Pilosopo

Pumunta si Ibarra sa tahanan ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo para sa ipapatayo
niyang paaralan.

Kabanata 26 – Ang Bisperas ng Pista

Pista na sa San Diego, tinatapos na rin ang paaralan na ipanapatayo ni Ibarra sa pamamatnubay
ni Nyor Juan.

Kabanata 27 - Sa Pagtatakipsilim

Si Maria ay namasyal kasama ang kaniyang mga kaibigan at si Ibarra. Sa liwasang bayan ay
sinalubong sila ng isang ketongin na pinandidirihan ng lahat. Si Maria ay naawa ditto kaya
ibinigay niya ang regalo na galling sa kaniyang ama.

Kabanata 28 – Sulatan

Ang mga naganap sa kapistahan sa San Diego ay nalathala sa Maynila. Sinulatan ni Maria Clara
si Ibarra dahil ilang araw na niya itong hindi nakikita at hiniling niyang siya ay dalawin ng binata
at imbitahan siya nito sa pagpapasinaya ng bahay-paaralan na kanyang ipinatayo.

Kabanata 29 – Ang Kapistahan

Hindi sang-ayon si Pilosopo Tasyo sa pista na ngaganap, aniya, paglulustay lamang ng salapi ang
nangyayari. Bandang alas otso ng umaga ay sinimulan na ang mahabang prusisyon. Sa tapat ng
bahay nila Kapitan Tiago natapog ang prusisyon.
Kabanata 30 – Sa Simbahan

Nagsimula ang misa ni Padre Damaso pagdating ng Alkalde Mayor, sinamantala niya ang
paglibak sa nagmisa kahapon na si Padre Manuel Martin. Siya daw ay higit na mahusay
magmisa kesa dito.

Kabanata 31 – Ang Sermon

Si Padre Damaso ay nagsimulang magsermon sa wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng


kanyang sermon ay tumatalakay sa kanyang papuri sa mga banal na santo ng simbahan. Kasama
sa kaniyang sermon ang panglilibak sa mga pari sa wikang kastila, tinuligsa niya rin si Ibarra.
Palihim na lumapit si Elias kay Ibarra at binalaan ito na wag lalapit sa bato dahil maaari niya
itong ikamatay.

Kabanata 32 – Ang Panghugos

Ang taong dilaw ay nagkaroon ng demonstrasyon kay Nyor Juan. Ipinakita niya kung paano
itataas at ibaba ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay. Pagkababa ni Ibarra upang
makiisa sa pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasabay nito ay pagkagiba ng
balangkas. Si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo ngunit ang taong dilaw ang
namatay.

Kabanata 33 – Malayang Kaisipan

Pinayuhan ni Elias si Ibarra dahil nagkalat ang kaniyang kaaway. Lihim palang sinusubaybayan ni
Elias ang taong dilaw at nalaman niyang prinisinta nito ang sarili kay Nyor Juan kahit maliit ang
sahod kapalit ng kaniyang mga nalalaman.

Kabanata 34 – Ang Pananghalian

Muntik ng masaksak ni Ibarra si Padre Damaso dahil siya ay nainis sa pangaasar ni Damaso
sakaniyang ama, ngunit bago pa niya masaksak ito ay humarang sakaniya si Maria Clara.

Kabanata 35 – Mga Usap-Usapan

Naging mainit na usapan sa buong bayan ng San Diego ang mga kaganapang nangyari sa
pananghalian. Binalaan ang mga tao na kung sino ang kumausap kay Ibarra ay paparusahan.

Kabanata 36 – Ang unang suliranin

Si Maria Clara ay nagkulong sakaniyang silid dahil labis ang pagkalungkot sa sinapit ni Ibarra,
bawal din siyang makipag usap sa binate. Inalo ni Kapitan Tiago ang dalaga at sinabing si Padre
Damaso ay may inilaan sa kaniyang binate na kamag-anak nito na manggagaling pa sa Europa,
tumanggi si Maria Clara kaya nagalit sakaniya si Kapitan Tiago.

Kabanata 37 – Ang Kapitan heneral

Binati ng Heneral si Ibarra at pinuri ang ginawang pagtatanggol nito sa ala-ala ng kanyang ama.
Ayon sa heneral ay kakausapin niya ang Arsobispo tungkol sa pagiging eskomulgado ng binata.

Kabanta 38 – Ang Prusisyon

 Jsjsnsnshejjwjwjwjsj prusisyon ay naganap ang pag-awit ni Maria Clara ng Ave Maria


kung saan lahat ay nabighani sa ganda ng kaniyang tinig.

Kabanata 39 – Si Donya Consolacion

Narinig ng donya ang pag-awit ni Sisa mula sa kulungan. Sa wikang kastila ay inutusan niya si
Sisa na umakyat ngunit hindi niya ito naintindihan, nagalit ang donya at ibinuhos kay Sisa ang
galit sa kaniyang asawa.

Kabanata 40 – Ang karapatan at lakas

Habang ang lahat ay nakatuon ang pansin sa dula ay lantaran naming nakatitig kay Maria Clara
si Padre Salvi. Dumating naman si Ibarra na kinainisan ng mga pari at dahil ditto ay umalis sila sa
kalagitnaan ng dula.

You might also like