You are on page 1of 1

Buhay bully

Traci Sarmiento

BULLY. Iyan yung mga taong nananakit ng iba. Iyan yung mga taong hindi natatakot
kung ano man ang mangyari sa kapwa nila. Sila yung mga taong walang pakialam… Wala
nga ba? O hindi lang natin alam ang iniisisip nila? Sa tingin nyo, tama bang husgahan natin
sila?

Lahat ng nangyayari at ginagawa ng tao ay may dahilan. Katulad na lang ng isang


bully. Karamihan sa kanila ay may sariling dahilan. May sariling kwento. May sariling rason
kung bakit sila nambubully ng ibang tao. Maaring nakaranas sila ng pang-aapi mula sa ibang
tao o sa mismong pamilya nila. Maaaring nararamdaman nilang mag-isa lang sila kaya sila
kumukuha ng atensyon. Maari ding may problema sila sa pamilya o kaya naman nahihili sila
sa isang tao dahil sa popularidad nito o kaya nama’y sa mga gamit nito. At maaari rin naming
mahilig lang talaga silang magpapansin.

May mga tao talagang mapagpanggap. Ang iba ay ginagawa upang linlangin ang
kapwa nila at ang iba naman ay para itago ang tunay na nararamdaman nila. Ganyan din ang
bully. Maaaring nang-aapi sila dahil nasisiyahan sila o dahil may mas malalim pa silang
dahilan. Mga dahilan na hindi nila ipinapaalam. Kaya’t ang mga ginagawa nilang pang-aapi
ay nagiging masama sa paningin ng marami. Sa paningin ng lahat. Pero sapat na ba ang mga
ginagawa nila upang husgahan natin sila? Sabi nga ng aking guro “Don’t judge a book by its
cover. Because you’re not a judge”. Nakakatawa ngunit naniniwala akong tama ang sinabi nya.
Hindi tayo mga hukom at wala tayong karapatang manghusga ng tao lalo na’t hindi natin
alam ang kwento sa likod ng bawat kilos nya. Eh ikaw, sa tingin mo ba tamanghusgahan natin
sila?

You might also like