You are on page 1of 13

Narrator: Nagsisimula ang kwento sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos mapasok

ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop
dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat,
nakatali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay
gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata. Umiiyak ang
binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal
magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat,
sapagkat ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring Linceo at ang kayamanan ni
Duke Briseo na ama ng nakagapos.

Florante: Walang hiyang Adolfong yan, sakim sa kayamanan at kapangyarihan, gusto ba


namang agawin ang trono ni Haring Linceo. Naghahari na ang kasamaan sa Albanya. Walang
hiya!! Panginoon bakit? bakit sa dinami - dami ng pwede niyang sakupin bakit pa ang aking
sinilangan, ang bayan kong minumutya. Ano bang ginawa ng Albanya sa kanya? Wala naman
diba?! Wala. Panginoon sana iligtas niyo sa kapahamakan ang mamamayan ng Albanya wag niyo
silang hayaang mapasailalim sa kasamaan ni Adolfo. Iligtas niyo po sila at sana tulungan niyo po
ang aking mga minamahal. Sana ibagsak niyo na ang langit at parusahan ang mga masasama.
Alam ko namang para sa ikabubuti ito ng nakararami kaya handa akong magdusa at sana aking
Laura maalala mo ako ....

Narrator: Sinasabi iyon ni Florante habang umiiyak. Dahil doon naalala niya ang kanyang
kasintahang si Laura. Naalala niya ang mga panahon kasa - kasama niya ito. Mga panahon ng
kanilang pag - iibigan at doon siya humugot ng mga lakas para muling umasa na may pag - asa pa
siyang mabuhay sa mundo ...

Florante: O aking Laurang mahal ...2

Narrator: Subalit biglang may kung anong bumabagabag sa kanyang isipan, ang selos dahil kung
maari baka sumaya na ito sa piniling ni Adolfo at nangangamba siya na baka mawala ang pag -
ibig ni Laura sa kanya at baka tuluyan na itong mawala sa piling niya. Sana'y maalalala siya ni
Laura sabi niya sa sarili niya. Pero naisip din niyang iniiyakan siya ni Laura.

Florante: Laura, Laura bakit, bakit mo ako pinagpalit kay Adolfo? Sana hindi totoo na hindi mo
na ako mahal at diyan sa piling ng iba ika'y sumasaya. Sana hindi pa huli ang lahat. Laura? Laura?
Ayoko sanang maghinala pero yun ang nararamdaman ko.

Narrator: Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay pinababaunan ni Laura ng luha at ng
bandang may letrang L at mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng binata
ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang aliwin ni
Laura.

Laura: O Florante dalhin mo itong bandang L at mahahalagang bato.1


Florante: Salamat aking Laura.

Laura: Walang anuman yun. Basta mag-ingat ka aking Florante sa labanan. Ipagdadasal ko ang
inyong pagpupunyagi at sana walang mangyaring masama sa inyo.

Narrator: Pagkagaling sa labanan

Laura: Florante ang dami mong galos at sugat. Halika huhugasan ko yan at gagamutin.

Florante: Salamat

Laura: Walang anuman basta, Ikaw.

Narrator: Ibig ng binatang nakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating pag-aalaala sa
kanya. Ngunit natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kaya't nasabi niyang
pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura.
Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa siya'y mapayukayok.

Florante: Salamat Adolfo sa pagpapahirap sa akin basta huwag mo lang agawin ang aking
mahal, ang aking sinisintang si Laura. Laura, Laura?

Narrator: Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay


masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang
naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin niya,
maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang napakalaki ng
kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama'y nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.

Aladin: Kung sinong lumapit sa mahal ko, lumayo kayo habang maaga pa at baka mapatay ko
kayo. Ba't pa ang aking ama sa dinami-dami ng pwede kong maging karibal bakit siya pa na aking
ama. Hahayaan ko na lang ang aking ama. Ipapaubaya ko na lang sa kanya ang aking mahal,
kahit ako pa ay masaktan, basta ang mahalaga Masaya ang aking ama.

Narrator: Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na buntong
hininga ng lalaking nakagapos. Noo'y ginugunita ng nakagapos ang amang mapagmahal na
ipinapatay ni Adolfo.

Adolfo: Papatayin kita.

Duke Briseo: O sige patayin mo na ako ng matapos na ang lahat.1

Adolfo: Eh di sige yan ang gusto mo at gusto ko rin kaya magpaalam ka na sa iyong anak na
mang-aagaw at sa iyong Albanya.

Narrator: Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama at walang
nakapangahas na ito'y ilibing. Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging kapakanan ng kaisa-
isang anak ang nasa isip ng ama.
Narrator: Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay di
nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang
umagaw sa babaeng kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero kaya't di siya
nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa
nakagapos na malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.

Florante: Kahit ako'y malibing, patuloy ko pa ring mamahalin ikaw Laura. Kahit malimutan mo
ako, mahal pa rin kita at hindi iyon magbabago, kahit kalian. Mamahalin kita habang-buhay.

Narrator: Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang
mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon,
nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod, sa ama,
kay Adolfo at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang
pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang pag-ibig ni Laura.
Dalawang leon: groar, roar, ggrrroar
Florante: O paalam na aking bayang sinilangan, paalam aking ama, paalam Adolfo dahil kahit
ika'y kaaway ko alam kong mabait ka at kahit ganyan ka umasta, alam kong may puso ka rin. At
higit sa lahat paalam aking mahal, aking sintang Laura. Paalam sa iyo.
Narrator: Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya't hinanap niya ang
pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag hanggang marating ang
kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap
ay nawalan ng malay.
Dalawang leon: grrroar, grroar, grroar...
Narrator: Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos
kinalagan nito at kinalong ang binata.
Aladin: (Pinagtataga ang mga leon at kinandong si Florante)
Narrator: Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap.
Florante: Laura, Laura aking mahal....
Narrator: Nagulat pa ito nang mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang
Moro. Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na di tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man
sila ng pananampalataya,
Florante: Lau- bakit andito ako sa kandungan mo?
Aladin: Ipapaliwanag ko sa iyo. Noong aakmang aatakihin ka na ng mga leon, hindi ko matiis
tulungan ka dahil nasa panganib ang buhay mo. Naawa ako at di ko kayang di tulungan ang aking
kapwa kahit ito pa ay ang aking kaaway, gaya ng nakautos ng langit ng mga kristiyano.
Narrator: Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay sa
laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero.
Florante: Sana hinayaan mo lang akong mamatay. Sana hindi mo na lang ako niligtas dahil gusto
ko nang mamatay kasi andami ko nang hirap na dinanas. Ayoko nang mabuhay pa. Ayoko na
talaga.
Aladin: Ano ba? Ikaw na nga ang iniligtas sa binggit ng kamatayan, ikaw pa ang may ganang
magalit. Dapat magpasalamat ka dahil buhay ka pa. Yang mga problema nay an, dapat hindi mo
yan tinatakbuhan dapat hinaharap yan.
Narrator: Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang
binata sa isang isang malapad at malinis na bato.

Aladin: O siya dito ka sa batong ito. Magpahinga ka na, tsaka ito, pagkain (aabutan ng pagkain)
para bumalik na ang lakas mo.

Florante:(Walang kibo)

Aladin: sige na, tanggapin mo na, iniisip ko lang kapakanan mo.

Florante:(tatanggapin)

Narrator: nakatulog na si florante habang magdamag siyang binabantayan ni aladin habang ulit
ulit na naghihimutok. Kinabukasan, nagising na siya.

Aladin: Maayos ka na ba? Mukhang nanumbalik na ang lakas mo. Mabuti naman
Florante: Salamat sa konsiderasyon moro.
Aladin: Matanong ka lang, ano ba ang dahilan ng paghihirap mo?
Florante: Ako'y si Florante, nag-iisang anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca sa Krotona. Sa
Albanya ako lumaki at nagkaisip. Ang aking ama ay tanungan o sanggunian ni Haring Linceo na
tumatayong panggalawang puno ng kaharian. Isang matapang na pinuno ang aking ama na si
Duke Briseo.
Narrator: Dati rati tinatawag si Florante na bulaklak kong bugtong ng kanyang ama noong
sanggol pa lamang siya.
Duke Briseo: O bulaklak kong bugtong....
Floresca: Ang aming anak. Sana ay lumaki ng matino ang ating anak.
Narrator: May ilang mahahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa'y
muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo.
Menalipo: Umalis kang buwitre ka.

Narrator: At napana niya ang buwitre. Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa
salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya'y siyam na taon na,
pinalilipas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa'y natuto na siyang mamana ng
mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan. Lumaki sa galak si Florante.
Ngunit ngayon niya naisip na di dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong ito'y
higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin at di makatatagal
sa hirap. Alam ito ni Duke Briseo. Kaya't tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob na
mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas upang doon mag-aral.
Prinsesa Floresca: Bakit kailangan pa niyang umalis?
Duke Briseo: Dahil mas maganda ang pagtuturo roon. Kung Hindi siya mag- aaral ano ang
kanyang magiging kinabukasan.
Prinsesa Floresca: Sino ang mag-aaruga sa kanya roon?
Duke Briseo: Aalagaan siya ng kanyang mga guro't kaibigan doon.

Duke Briseo: Anak, ipapadala kita sa Atenas upang doon mag-aral.

Florante: Opo ama.

Narrator: Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang
naging guro niya rito ay si Antenor.

Antenor: Florante, maligayang pagdating! Ako nga pala si Antenor at ako ang magiging guro mo
dito sa Atenas.
Florante: (malungkot na malungkot) Salamat po!
Antenor: O, bakit tila kay lungkot mo?
Florante: Ayaw ko po kasing umalis sa Albanya.
Antenor: Hayaan mo, lilipas din yan.

Narrator: Isa sa mga estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama na si
Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa
loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika.
Antenor: Binabati kita Florante! May talento ka sa pilosopiya, astrolohiya at matematika.
Florante: Salamat po!
Narrator: Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo. Napabalita ang
una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo.
Adolfo: Bakit siya na lagi ang pinupuri nila, diba dapat ako, dapat ako diba at hindi yang Florante
na yan. Mas magaling ako sa kanya at mas malakas, matalino. Hindi maaari ito, dapat ako lang,
dapat ako lang.
Narrator: Sa isang dulang ginampanan nina kapwa ni Florante, pinagtangkaan nitong patayin
ang huli. Isang hapon, tinipon ni Antenor ang mga estudyante.
Antenor: Magkakaroon ng pagsasadula ng trahedya ng dalawang Apo. Si Florante ang
mangunguna bilang Polinise at si Adolfo bilang Etyokles.

Narrator: Nang magsimula na ang dula-dulaan. Nanlisik ang mata ni Adolfo kay Florante.
Adolfo: (Handa nang paslangin si Florante) Ikaw ang umagaw ng kapurian ko, dapat kang
mamatay.
Menandro: (Sinaklolohan si Florante) Adolfo, itigil mo ang iyong kahibangan.

Narrator: Natapos ang pagdiriwang at di na nakita si Adolfo. Salamat at nailigtas siya ng


kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo. Naiwan sa Atenas si
Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw, tumanggap ng liham si Florante mula
sa ama.
Estudyante: Florante, may sulat na ipinabibigay sa iyo.

Narrator: Binuksan ni Florante ang sulat. Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina.
Sulat:
Mahal kong anak na Florante, ang bulaklak kong bugtong,
Nais kong iparating sa iyo ang masamang balita.
Ang iyong mahal na inang si Floresca ay patay na.
Nagmamahal ng lubos,

Ang iyong ama, Duke Briseo.


Florante:(malungkot) HINDI!!!!!Mahal na ina, bakit mo ako iniwan? Di man lang tayo nagkita sa
matagal na panahon. HINDI!! Hindi ka maaring mamatay! (walang patid ang pag-iyak)
Narrator: Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang
kalungkutan ang tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.
Antenor: Huwag ka nang umiyak pa, Florante. Sigurado akong hindi nagugustuhan nang ina
mong umiiyak ka. Kaya kung nasaan man siya ngayon alam kong Masaya na siya. Kaya dapat
huwag mong masyadong damdamin ang pagkamatay ng inyong ina. Hindi naman siya tuluyang
nawala sa piling mo. Lagi siyang nakabantay sa iyo kahit saan man ka pupunta. Babantayan ka
lagi niya.
Florante: Salamat po.
Antenor: Walang anuman yon.
Narrator: Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay Florante dumating
ang ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama ang sasakyang sumundo sa kanya.
Sulat:
Mahal kong Floranteng anak ko,
Kailangan mong pumunta sa Albanya ngayon. Kailangan ka ng kaharian.
Nagmamahal ng lubos,
Ang iyong ama, Duke Briseo

Antenor: Oh Florante, mag-ingat ka kay Adolfo dahil tiyak maghihiganti ito sa iyo. Huwag ka ring
magpapadala sa magiliw na pakikiharap. Dapat lagi kang maghanda sa ano mang mangyari at
huwag ka sanang magpapahalata.

Narrator: Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang magkaibigan ay


inihatid ng kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.
Antenor: Menandro, ika'y sumama kay Florante. Samahan mo siya sa pagbabalik niya sa
Albanya.
Menandro: Sige po.
Narrator: Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama, napaluha si
Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina.
Florante: Ama
Duke Briseo: Florante
Narrator: Noon dumating ang sugo ni Haring Linceo, dala ang sulat ng Hari ng Crotona na
humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalik ng Persiya.
Sugo ng hari: Florante kunin mo tong sulat.
Florante: Salamat.
Narrator: Binasa ni Florante ang sulat.
Sulat:
Mahal kong Florante,
Pwede mo bang tulungan ako. Nilusob ni Heneral Osmalik ng Persya ang Krotona kaya tulungan
mo sila. Ikaw ang pag-asa namin Florante.
Lubos na gumagalang,
Ang hari ng Albanya, Haring Linceo.

Narrator: Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa


balita'y kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang
magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na.

Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din ang
ama ni Florante nang ito'y hirangin ng hari na heneral ng hukbo.

Haring Linceo: Ika'y ihinihirang kong Heneral ng Hukbo.

Florante: Salamat po at pinagkatiwalaan niyo ako.


Narrator: Nasilayan ni Florante si Laura sa hardin ng palasyo.
Florante: Maari ko po bang malaman kung ano ang pangalan ng magandang binibining iyon?
Haring Linceo: Siya nga pala ang aking anak na si Laura. Maiwan muna kita at mag-uusap lang
kami ng iyong ama.

Narrator: Pumasok si Haring Linceo sa loob ng palasyo at nilapitan naman ni Florante si Laura.
Florante: Magandang umaga sa iyo prinsesa. Kanina pa kita napapansin.
Laura: Magandang umaga, Florante. Salamat sa papuri. Lagi kang
ikinukwento sa akin ng iyong ama.
Florante: Sana'y makilala pa kita ng lubusan.
Laura: Gayon din ako. Ngunit ilang araw na lang at aalis ka na rin.
Florante: Oo nga. Halika Laura, pumasok na tayo at magsisimula na ang piging.

Narrator: Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagang kaagaw ni Venus sa
kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping makapagtataksil. Sa harap ng kagandahan ni
Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging
marapat sa dalaga.
Florante: Laura ang ganda mo.
Laura: Hayyss Florante.
Florante: Ika'y tala sa langit, na kumikinang. Ikaw ay dumating sa panahon ng kalungkutan
Pinagwalang bahala ang iyong kagandahan
hindi ko alam kung ako'y babangon pa
hanggang ika'y dumating at aking makita .

Labis na pagtibok nitong aking puso


nang makapiling ka mundo ko'y nabuo
ipinadama mo ang tunay na pagsuyo
kaya sigla ng aking buhay ay di humihinto .

Pag-ibig na wagas alay ko sayo aking sinta,


hindi kayang pantayan anumang halaga
hindi mapapagod ang puso kong ibigin ka
kaya sayo lamang tumutungkol aking pagsinta

Sa akin ay sapat na ang iyong pagsinta


walang ibang iibigin hanggang may hininga
Pangako sa puso ko'y ikaw lamang sa tuwina
hanggang sa lubusang pumikit ang mga mata .+

Narrator: Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay di man
lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Pagkatapos ng tatlong gabing piging...

Haring Linceo: Magandang gabi sa iyo Florante. Dapat ka ng maghanda para bukas.
Florante: Maraming salamat po sa paalala. Magandang gabi rin po.

Narrator: Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante upang makidigma,
nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ng 'oo" ang dalaga ngunit
lumuha siya nang umalis si Florante patungong digmaan.

Florante: Laura, guto kong sabihin sa iyo na "Mahal kita, mahal na mahal kita, unang nakita pa
lang kita nabighani na ako sa iyong angking kagandahan. Mahal kita Laura, Mahal kita. Laura,
mahal mo ba ako?

Narrator: Kinabukasan...
Duke Briseo: Handa ka na ba? Malayo ang iyong lalakbayin.
Florante: Handa na po aking ama. Karangalan ko po ang maglingkod sa inyo, Haring Linceo.
Haring Linceo: Mabuti kung ganon. Mag-iingat ka.
Florante: Salamat po.
Laura: Mag-iingat ka Florante, ipangako mong babalik ka.
Florante: Pangako, Laura.
Laura: Paalam.
Narrator: Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng
pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos
mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang
kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang magharap.
Heneral Osmalik: Florante, Florante. Anong ginagawa mo dito?
Florante: Tinutulungan ang Krotona.
Heneral Osmalik: Ang bait mo naman tinulungan mo talaga.
Florante: Oo naman.
Heneral Osmalik: Simulan na natin ito para matapos na ang kahibangan na tinutulungan mo ang
Krotona. Sigurado akong mamamatay ka.
Florante: Sige lang.
Narrator: Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi
ng taong-bayan si Florante lalo nang malamang ito'y apo ng hari ng Krotona.
Taong bayan: Ahh Wooo Ang galing ng apo ng Krotona.
Narrator: Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang magkita ang maglolo.
Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang
lubos na ligaya sa mundo.
Hari ng Krotona: O apo ba't ka malungkot?
Florante: Naalala ko po kasi ang aking Ina.
Hari ng Krotona: Mahal na mahal mo talaga ang iyong Ina.
Florante: Opo.
Narrator: Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante
upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang
kinutuban si Florante. Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang
bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon
natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina Florante at
ginapi ang mga Moro. Naligtas ang babae na walang iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang
dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito'y sinampal pa. noon binigkas ni
Laura ang "sintang Florante."
Emir: Ayaw mo pala sa akin kaya itong bagay sa iyo.
Laura: Walang hiya ka.
Laura: Sintang Florante.
Narrator: May nakasalubong silang mga di-binyagan na may dalang isang babae.
Di-binyagan: Sino kayo at bakit kayo narito?
Florante: Kami'y mga taga-Albanya. Pakawalan niyo ang babaeng iyan!
*labanan*
Florante: Binibini, mawalang-galang na pero ngayon lang kita nakita rito. Maari ko bang
malaman ang iyong pangalan?
Laura: Ako ito, Florante. Si Laura.
Florante: Laura? Bakit ka nandito?
Laura: Gusto ko lang malaman ang iyong kalagayan.
Florante: Salamat sa pag-aabala. Kamusta ka na? Sana'y naging mabuti ka.
Laura: Mabuti naman ako, pero Florante, kailangan ko ng tulong mo. May bayang malapit dito
na pinagtataguan ng mga morong dumakip sa aking ama. Iligtas mo siya. Paano kung may
masamang mangyari sa kanya? Paano kung...
Florante: Shhhh. Ako na ang bahala. Ililigtas ko ang iyong ama sa abot ng aking makakaya.2
Narrator: Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang bilanggong
kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay Florante hindi lamang dahil sa papuring
tinanggap kundi dahil nakamit pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si
Adolfo na ipahamak si Florante.
Mga tao: Ang galing mo talaga Florante.
Mga tao: Oo nga.
Mga tao: At nabihag pa niya ang pag-ibig ni Laura.
Adolfo: Humanda ka Florante at sigurado akong hindi ka na nila ipupuri.
Narrator: Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni
Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin.
Heneral Miramolin: Wala kang laban sa akin magaling ako kaysa sa iyo.
Florante: Pero hindi na ngayon.
Heneral Miramolin: Sige maglabanan na lang tayo dito.
Florante: Sige simulan na natin ito.
Narrator: Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang dumating ang sulat ng
hari na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang hukbo kay Menandro.
Tao: Florante, ipinabibigay ni Haring Linceo.
Florante: Salamat.
Narrator: Binasa ni Florante ang sulat.
Sulat:
Mahal naming Florante,
Oh Florante, kailangan mo nang umuwi kinakailangan ka na naming ngayon din.
At hinabilin niya ang hukbo kay Menandro.
Lubos na gumagalang,
Haring Linceo
Florante: Menandro, kailangan ko nang umuwi ng Albanya. Pwede mo bang bantayan at alagaan
ang hukbo.
Menandro: Oo naman Florante.
Florante: Oh sige.
Narrator: Umuwi si Florante sa Albanya nang nag-iisa. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya
ng 30,000 sandatahan at noon di'y ibinilanggo. Pagdating niya ay pinaligiran siya ng mga kawal.
Florante: Anong ibig sabihin nito?!
Kawal2: Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan.
Narrator: Dinala si Florante sa palasyo at nakita si Adolfo.
Adolfo: Kamusta na Florante? Matagal na tayong Hindi nagkakausap. Kuwentuhan mo naman
ako.
Florante: Walang hiya ka!! Anong ginawa mo kay Laura?!!
Adolfo: Huminahon ka. Maayos ang kalagayan niya ngunit ikinalulungkot ko. Nagpaalam na ang
iyong amang si Duke Briseo.
Florante: Papatayin kita, papatayin kita!
Adolfo: Mga kawal, alisin niyo ang taong ito sa harapan ko...
Narrator: Noon niya nalamang ipinapatay ni Adolfo si Haring Linceo at ang kanyang amang si
Duke Briseo. Si Laura nama'y nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si
Florante. Pagkaraan, itinali siya sa gubat na kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro.
Florante: Pagkaraan, itinali ako sa gubat na kinakatagpuan mo. Oh ikaw naman magkwento.
Aladin: Ako si Aladin Ali-Adab. Ako'y anak ni Sultan Ali-Adab. Ako ay mula sa Persiya. Pakana ng
aking ama ang lahat kaya naagaw niya ang aking minamahal na si Flerida. Ipinakulong ako sa
bintang na iniwan ko ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng sultan. At nang mabawi ni
Florante, ikaw ang Albanya, ako ay hinatulang pugutan ng ulo. Pinatawad ako sa kondisyong
aalis sya sa Persiya noon din. Bagama't nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ko na mamatay
kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal ni Flerida.
Sultan Ali-Adab: Ikaw! Nagawa mo pang iwanan ang mga hukbo natin sa labanan sa albanya!
Anak pa naman kita! Walang hiya ka! Mga kawal, ikulong niyo itong taksil na ito! Pupugutan natin
siya ng ulo sa susunod na araw!

Aladin: Pero Ama! Anak mo ko! Kelan mo manlang ako mamahalin bilang isang anak!

Narrator: Sadyang malungkot ang storya ni Aladin, ngunit habang isinasalysay nila ang kwento
ng kanilang buhay. May mga nagaganap sa kabilang bahagi ng kagubatan.
Laura: Anong gagawin mo sakin?! Saan mo ko dadalhin?!
Adolfo: Sumama ka na lang!
Flerida: Itigil mo yan!
(pinana ni Flerida si Adolfo at napatay)
Aladin: (maririnig sila Flerida at Laurang nag-uusap ngunit Hindi nila alam na sila pala ito) Huh?!...
Nakarinig ka ba ng mga nag-uusap?
Florante: Oo, halika't hanapin natin kung saan ito nagmumula. (pinakinggan
nila ito)
Narrator: Narinig nila Aladin at Florante ang boses ng dalawang babaeng naguusap.
Flerida: Ayos ka lang binibini?
Laura: Oo maraming salamat sa iyo, bakit nga pala napadpad ka sa ganitong kagubatan? At bakit
ganyan ang iyong suot?
Flerida: Nanggaling ako sa Persiya dahil tumakas ako sa dapat na ikakasal saakin na hindi ko
naman mahal. Kaya ang tagal ko nang naglalakbay sa mga lugar upang makalimot at mahanap
ang mahal kong Aladin.
*Backstory*
Flerida: Maawa na kayo Sultan, patawarin niyo na ang anak niyo. Wala naman ho siyang
ginawang masama at nagmamahalan po kaming dalawa. Anak niyo parin siya Sultan, maawa na
po kayo…
Sultan Ali-Adab: Hindi ko siya mapapatawad! (Natahimik ng Konti) hmm. Maaring pwede ko
siyang palayain ngunit kailangan mong magpakasal sa akin. (Evil smile)
Flerida: (Malulungkot) Papayag po ako, palayain niyo muna siya.
*Next Scene*
Kawal1: Malaya ka na Aladin.
Aladin: Bakit nyo ko pinalalaya? Eh pupugutan na ang ulo ko bukas?
Kawal2: Pasalamat ka sa nobya mo, magpapakasal sa Sultan para makalaya ka.
Kawal1: Yan ang dahilan prinsipe, kaya ayan Malaya ka na.
Aladin: Ano?! Di maaari yan! (tatakbo palayo)
*End of Flashback* *Scene with Laura*
Flerida: Kaya ayun nga, ikakasal dapat ako sa Sultan ng Persiya ngunit tumakas ako, at eto
nagpalit ako ng damit, tapos lumayo sa kaharian na yun upang hindi matagpuan.
Narrator: Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon, di
masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.
Florante: O Laura aking mahal kay tagal nating Hindi nagkita!
Laura: Mahal ko!
Aladin: Flerida! Aking sinta!
Flerida: O Aladin...
Florante: Pano ka napadpad dito, Laura?
Laura: Hayaan mong ikwento ko ang mga nangyari sakin sa bingit ng kamatayan...
(malungkot at iiyak) Nang ikaw ay mawala, naging magulo na ang bayan. Madalas akong
pagtangkaan ni Adolfo... Higit pa dito, pinaslang niya ang aking amang hari at maging ang iyong
ama na si Duke Briseo. Napaniwala ako ni Adolfo na gugutumin ng hari ang taong-bayan kaya't
nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat
na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit ako pakasal sa kanya. Hindi
nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag ako ngunit humingi ng limang buwang palugit
upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa kasamaang-palad, nahulog ka Florante sa
pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa na akong magpakamatay nang dumating si Menandro na
siyang nakatanggap ng sulat ni ko para sayo Florante. Tumakas si Adolfo, tangay ako na
pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon.
Flerida: Ako'y nahabag kay Laura ng makita kong nilalapastangan siya ni Adolfo kaya kinuha ko
ang busog at palaso at pinana ko sa dibdib ang walag-awang hangal.
Florante: Sadyang kay lupit ng tadhana sa ating lahat. Ngunit ngayon ay masaya na tayong lahat
at magkakasama.
Narrator: Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang
hukbo. Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si Florante.
Menandro: Florante, buhay ka. Nagkita rin tayo sa wakas.
Leandrah: Binibining Prinsesa Laura buhay ka.
Laura: Oo buhay ako dahil kay Flerida.
Leandrah: Salamat Flerida, iniligtas mo ang aming binibini. Salamat talaga.
Flerida: Walang anuman iyon.
Leandrah: Binibini kailangan na nating umuwi.
Laura: Sandali lang hintayin muna natin sila.
Leandrah: Masusunod po.
Florante: Oo nga Masaya akong nakita kita.
Menandro: Ako rin. Tara umuwi na tayo sa Albanya.
Florante: Oh sige.
Narrator: Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa
Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at
Laura at sina Aladin at Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mamatay si Sultan
Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina
Florante at Laura.
Mga tao: Mabuhay ang bagong Kasal. Mabuhay ang bagong Reyna at hari. Mabuhay! Mabuhay!
Florante: Oh Kaibigan, anong problema?
Aladin: Florante, ako muna ay panandaliang magpapaalam sayo. May nagbalita kasi sa akin na
sumakabilang buhay na ang aking ama. Kailangan ko siyang puntahan. Sa kabila ng mga
kasalanan niya sakin, siya'y mananatiling ama ko pa rin. Ako ang papalit sa puwesto niya kaya't
matatagalan bago tayo magkita muli. Ipinapangako namin na kami ay babalik dito upang
kamustahin kayong mag-asawa. Paalam kaibigan!
Florante: Sige Kaibigan sa susunod muli.
At nabuhay sila ng payapa.

You might also like