You are on page 1of 2

“Seldang Walang Pintuan”

Heto ako, sa seldang walang pintuan

Sa seldang binabalot ng kadiliman

Puno ng kalungkutan

Nakakulong sa bawat panghuhusga ng lipunan

Nabuhay sa mga matang mapang api

Na nagsasabing wala kang silbi

Heto ako, sa seldang walang pintuan

Mga bulong na dumadagungdong

Mga sigaw na para bang nag aasaran

Mga tawanang ayokong mapakinggan

Heto ako, sa seldang walang pintuan

Bilanggo ng nakaraan

Hindi makatuloy sa kasalukuyan

Unti-unting pinapatay ng takot, lungkot, galit at poot

Heto ako, sa seldang walang pintuan

Sugatan, ngunit walang nakakaalam

Nasasaktan, ngunit kahit isa wala man lang nakakakita

Luhaan, ngunit ang bawat paghikbi ay hindi napapakinggan

Hindi naririnig kahit sumigaw pa

Sapagkat nasanay ka, na lagi akong nakangiti at masaya

Pero heto ako nakakulong, hindi makawala

Sa seldang walang pintuan

Gusto kong humakbang


Gusto kong tumakbo

Gusto kong makatakas sa lungkot na pinalilibutan ng rehas

Ngunit tila ba ito'y wala ng wakas

Heto ako, sa seldang walang pintuan

Gusto kong lumaban

Pero paano ako lalaban

Kung ako'y nakagapos sa tanikala ng matatabil na dila

Paano ako lalaban

Kung sarili kong isipan ang may gusto ng aking paglisan

Heto ako, sa seldang walang pintuan

Kaya pakiusap ko sayo

Iligtas mo ako

Yakapin mo ako pabalik sa masayang mundo.

Marie E. De Castro/BSAT-4C

20152836-C

09455861663

You might also like