You are on page 1of 1

“Ku’te”

"Ang isang sikreto, kapalit isang sikreto din". Isa ito sa mga nabanggit na linya sa
pelikulang Ku'te na pinakatumatak sa isip ko na ipinapakita ang pagiging patas sa
isang bagay. Dahil nga sa nasabi ito, dito narin nabunyag ang pinakangsikreto at
nakapagbigaylinaw sa daloy ng kwento. Isa ito sa mga nakapagpagpaganda sa
istorya.
Ipinakita sa kwento ang kalagayan ng isang bata na may Down Syndrome na si
Lenlen na hanggang sa kanyang paglaki ang kanyang kapatid na si Emong ang
nagsilbi niyang kuya at ate na tagapag-alaga at tagapagtanggol niya na tinawag
niyang "Ku'te". Para sa akin si Emong ang pinakamabuting kapatid sa lahat dahil
hindi basta-basta magalaga ng isang taong may down syndrome na walang
kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili. Sa bawat eksena ng kwento ay
palaging iniisip ni Emong ang ikabubuti ni Lenlen at ang hindi niya pagiging
makasarili at ang ginagawa niya para mapasaya niya si Lenlen. Dahil rin sa
tinutupad niya ang pangako niya sa kanilang magulang na hindi pababayaan ang
kanyang spesyal na kapatid. Ipinakita rin sa kwento ang hilig at kakayahan ni
lenlen sa pagguhit, pagmomodelo at pag-aartista. Talaga naman na may
kakayahan siya at magaling, ngunit sa mundong ginagalawan niya ay mas nakikita
sa kanya ang pagiging kakaiba at pagkawalang-silbi. Dumating din sa puntong
napagsamantalahan siya na hindi man lang napansin ni Emong. Nalaman din
nilang nabuntis si Lenlen. Masakit para kay Emong pero ginawa niya ang tama ng
malaman niya ang may kasalanan ay ang malapit niyang kaibigan. Nang nanganak
si Lenlen ay namatay din ito at ang nag-alaga sa anak ni Lenlen ay si Emong na
tinawag naman na "Ku'te'to".

Ipinaparating sa kwentong ito na ang isang taong may down syndrome ay pwede
rin na maging "asset" at hindi "liability" sa lipunan. Hindi dapat husgahan ang
katulad nila. Dapat nating bigyang-halaga ang katulad ni Lenlen at ang dapat
tularan ay si Emong na iniisip ang kapakanan ng kapatid niya. Lahat ng tao ay
may karapatan at tayo na normal at may kakayahan ay hindi lang dapat nating
tanggapin at mahalin ang isang taong may down syndrome, kinakailangan din na
protektahan natin sila sa mga taong mapagsamantala at mapang-abuso gaya ng sa
ipinakita sa kwento.

You might also like