You are on page 1of 2

BUWAN NG WIKA

SSG Documentation and Publication Committee

Noong ika-24 ng Agosto taong 2018, naki-isa ang


Globetek Senior High School and Technical Training
Institute sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may
temang “Wikang Filipino: Wika ng Saliksik.” Ang temang
ito ay naglalayong ipa-kilala ang Wikang Filipino bilang
isang epektibong gamit na makakapagpayaman at
maglilinang ng ating kaalaman at kaunlaran sa
pamamagitan ng pagsasaliksik.

Ang Wikang Filipino ang sumisimbolo


sa ating pagkakakilanlan, kayamanang
namana pa natin sa ating mga ninuno na
siyang sumasalamin at daan sa
pagkakabuklod nating mga Pilipino. Sa
pagdiriwang ito idinaos ang ibat’t-ibang
patimpalak tulad na lamang ng paggawa ng
sanaysay, “slogan”, pagguhit na naayon sa
tema, gayun din sa pag-awit, “spoken poetry” at “video presentation.” Ang
mga nasabing patimpalak ay ginanap ng buong araw.

Sa umaga ay sinimulan na ang pagdaraos ng mga patimpalak. Ang


mga mag-aaral ay nagtungo na sa kani-kanilang
napiling salihan, habang ang iba ay abala sa
pagbebenta ng kanilang mga produkto hango sa
rehiyon na itinalaga sa bawat grupo at
paghihikayat sa mga mamimili na bumili dito.
Matapos ang mga kaganapang ito, naganap ang
pinakahihintay na bahagi ng padiriwang, ang
“Lakan at Lakambini ng Globetek 2018.“ Ito ay
kinabibilangan ng walong kalahok kung saan ang bawat isa ay nagtagisan sa
iba’t ibang paraan ng kanilang paglakad habang suot ang ipinagmamalaking
kasuotan ng rehiyong kanilang
ipinapakilala. Dito rin ipinakita
ng ibang mag-aaral ang
kanilang itinatagong talento sa
parehong pag-awit at
pagsayaw. Sinundan naman ito
ng pakikipagtagisan ng talino
ng mga bawat kalahok sa
nasabing patimpalak.

Matapos ang lahat ng patimpalak, sinimulan na ang pagkilala sa mga


natatanging mag aaral na nakakamit
ng mga parangal sa kanilang
ipinamalas na angking galing at
talento. Gayundin, ang pagbibigay
parangal at pagkilala sa kauna-
unahang lakan at lakambini ng
Globetek 2018 na sina Charles Ramos at Olive Janet Pancho.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang
ito, ang lahat ay naging masaya sa
matagumpay na pagdaraos at sa
kani-kanilang natanggap na
karangalan. Ito ay nagpatunayan sa
angking galing at talino ng mga mag-
aaral ng Globetek Senior High School
sa iba’t-ibang larang na may
kinalaman sa Buwan ng Wika.

You might also like