You are on page 1of 2

CASE:

Ikaw FELIX YONGKOL y AQUINO, ay inaakusahan sa harap ng hukumang ito ng salang PAGPAPALSIPIKA ng
mga pampublikong dokumento sa ilalim ng Artikulo 172 kaugnay ng Artikulo 171 talata 1 at talata 2 ng
Rebisadong Kodigo Penal, na iyong isinagawa ayon sa sumusunod:

Na noong ika-20 ng Marso, dalawang libo labing dalawa, sa siyudad ng Calapan, Pilipinas, at nasasakupan
ng hurisdiksyon ng hukumang ito, ikaw, ang nasasakdal, habang kasabwat si Felix A. Yongkol, sa
intensyong manlinlang, ay noon at doon din sadya at labag sa batas na pinalsipika ang pirma ni JULIA
AQUINO YONGKOL, sa isang deed of absolute sale, isang pampublikong dokumento, na notaryado ni Atty.
Orlando G. Ronquillo, sa ilalim ng Doc. No. 199, Page No. 41, Book No. X Series of 2012, upang palabasin
na ang nasabing si JULIA AQUINO YONGKOL ay nakibahagi sa pagsasagawa ng isang Deed of Absolute
Sale na kung saan ay kinakailangan ang kanyang pirma upang maging ganap ang paglilipat ng pagaari sa
ilalim ng Original Certificate of Title No. RT14 o T-70757, sa pangalan nyo, na kung saan ay alam mo na
ang nagsasakdal ay hindi pumirma ni nakibahagi sa pagsasagawa ng nasabing dokumento. Para sa
kapinsalaan laban sa nagsasakdal na sina Policarpio A. Yongkol at Hermogenes A. Yongkol.

FELIX YONGKOL, Inaamin mo ba ang akusasyong ito?


Ikaw ANDY PANGANIBAN y PADILLA, ay inaakusahan sa harap ng hukumang ito ng salang TAHASANG
PAGLABAN SA TAONG MAY KAPANGYARIHAN, na iyong isinagawa ayon sa sumusunod:

Na noong gabi ng ika 31 ng Hulyo, 2018, sa Brgy. Sta. Isabel, Siyudad ng Calapan, Pilipinas, at
nasasakupan ng hurisdiksyon ng hukumang ito, ikaw, ang nasasakdal, habang nasa impluwensya ng alak,
ay noon at doon din sadya at labag sa batas na inatake, inasunto, at sinuntok si PO2 Eric Almedella
Granil, isang miyembro ng ating kapulisan, na kung saan ay isang taong may awtoridad, na noong oras na
iyon ay hindi lingid sa iyong kaalaman na ang nagsasakdal ay gumagampan sa kanyang tungkulin. Para sa
kapinsalaan laban sa nagsasakdal na si PO2 Eric Almedella Granil.

Ang salang nagpalala sa sakdal ang paulit ulit na pagsagawa ng parehong krimen. Ikaw ay nauna ng
napatunayang nagkasala ng parehong krimen sa Criminal Case No. 14549, sa Municipal Trial Court in
Cities noong ika 17 ng Hunyo, 2008.

ANDY PANGANIBAN, Inaamin mo ba ang akusasyong ito?


CASE
Ikaw MA. LOURDES OXALES y LUCERO ALIAS POTENCIANA REBOCAS y VERGARA ay inaakusahan sa harap
ng hukumang ito ng salang pagpalsipika ng pampublikong dokumento na inyong isinagawa ayon sa
sumusunod:

Na noong ika 5 ng Oktubre 2018, at kahit bago pa man sumapit ang nasabing petsa, sa siyudad ng
calapan, pilipinas, at nasasakupan ng hurisdiksyon ng hukumang ito, ikaw, ang nasasakdal, sa
pakikipagsabwatan sa isang tao na kung saan ang partisipasyon sa paggawa ng krimen ay patuloy pang
inaalam sa pamamagitan ng imbestigasyon, sa intensyong mameke at magpanggap, ay noon at doon din
sadya at labag sa batas na ginawa o nagpagawa ng Transfer Certificate of Title No. T-674444, upang
palabasin na ikaw ay nagaari ng isang parcela ng lupa sa Brgy. Calero, Calapan City at Rehistrado sa
Registry of Deeds ng Oriental Mindoro, gayong alam mo na hindi mo pagaari ang nasabing parsela ng
lupa at ang nasabing titulo ay peke. Para sa kapinsalaan laban sa nagsasakdal.

MA. LOURDES OXALES y LUCERO ALIAS POTENCIANA REBOCAS y VERGARA, inaamin mo ba ang
akusasyong ito?
CASE
Ikaw MA. LOURDES OXALES y LUCERO ALIAS POTENCIANA REBOCAS y VERGARA ay inaakusahan sa harap
ng hukumang ito ng salang PANLILINLANG sa Ilaim ang Ikalawang talata ng Artikulo 315 ng RPC na
inamyendahan ng Sec. 85 ng RA 10951 na iyong isinagawa ayon sa sumusunod:

Na noong umaga ng ika-13 ng Nobyembre 2018, at kahit bago pa ang nasabing petsa, sa Siyudad ng
Calapan, Pilipinas, at nasasakupan ng huridsdiksyon ng hukumang ito, ikaw, ang nasasakdal, sa
pakikipagsabwatan sa isang tao na kung saan ang partisipasyon sa paggawa ng krimen ay patuloy pang
inaalam sa pamamagitan ng imbestigasyon, ay nilinlang ang nagsasakdal na si Nedy Villa Ponsones, sa
pamamagitan ng pagpapakilala na ikaw ay si Potenciana Rebocas y Vergara, isang rehistradong may ari
ng isang parsela ng lupa, at sa iyong pagkumbinsi sa nagsasakdal na bilhin ang nasabing parsela ng lupa
sa halagang 420,000.00 sa pamamagitan ng pagpapakita ng pekeng titulo sa nagsasakdal, at sa kabila ng
nga iyong kaalaman na hindi mo naman talaga pagaari ang nasabing lupa ay iyo pa ring napaniwala ang
nagsasakdal at nagbigay sa iyo ng pera sa halagang 352,000.00. Para sa kapinsalaan laban sa
nagsasakdal.

MA. LOURDES OXALES y LUCERO ALIAS POTENCIANA REBOCAS y VERGARA, inaamin mo ba ang
akusasyong ito?

You might also like