You are on page 1of 1

KATAKA-TAKA

(Tagalog Balitaw)

Kataka-takang mahibang ang katulad ko sa iyo


Biro-biro ang simula ang wakas pala ay ano?
Paayaw- ayaw pa ako ngunit yan ay di totoo
Dahil sa iyo puso kong ito’y binihag mo.

Alaala ka maging gabi’t araw


Alipinin mo’y walang kailangan
Marinig ko lang sa labi mo hirang
Na ako’y iibigin lagi’t habang-buhay.

You might also like