You are on page 1of 1

Inay, itay, ate? Nasaan na ba kayo? Ako'y nagiisa't ako'y natatakot.

Muli'y naalala ko na
naman ang aking pamilya. Buong buhay kong tinatanong sa sarili "sino ang nga walang
hiyang sumira ng aking buhay?" Nuno ko'y napagkamalang sumunog ng bahay-kalakal.
Ama ko'y pinagtakwilan ng pamilya ng aking ina. Napunta sa punto na ako nalaman
mag-isa at kinailangan ko ng kukupkop saakin. Ngalan niya'y Pablo, Kapital Pablo. Sa
bahay niya ako nanirahan hangga't sa napadpad ako sa San Diego at namasukan
bilang isang bangkero

Ang ngalan ko nga pala'y Elias. Ang aking hanap buhay ay isang bangkero. Isang araw,
may hindi inaasahang pangyayari. Ang binatang nakasakay sa aking bangka ay
namimingwit at akala na isda ang nahuli; ngunit hindi pala. Nakahuli siya ng buwaya.
Tumalon nalang ako upang sagipin ito, hindi ko na inisip ang mga susunod na
mangyayari. Mabuti nalang at may isang binata na kusang sumagip sa akin. Taos puso
akong nagpapasalamat sa kaniyang ginawa. Ang ginoong iyon ay si Ibarra.

Makalipas ang ilang mga araw, si Ibarra ay itinuring ko nang malapit kong kaibigan.
Alam kong siya'y tunay at talagang napakabait. Pareho kami ng mithiin, ito ay ipaglaban
ang kalayaan nating mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Hindi ko inakala na iba ang
aming gustong paraan upabg makamit ito. Ayaw niyang lumaban gamit ang dahas.
Sinubukan kong intindihin ang kaniyang gusto ngunit hindi ko kaya. Hindi ko alam kung
bakit ayaw niya ang aking pamamaraan. Ibarra, hinihiling kong ako'y limutin mo na't
huwag kausapin. Gustong gusto ko talagang ipaglaban ang aking pinanghahawakan.
Kasalanan ng mga Kastila kung bakit hirap na hirap ako sa buhay. Sana'y balang araw
ay maunawaan ni Ibarra ang nangyari sa akin at sa aking mga nuno.

Narinig kong nagpaplano si Lucas at kaniyang mga kasamahan. Nagbabalak ang mga
ito na sirain ang pangalan ni Ibarra. Hindi maaaring hayaan ko lang ang aking kaibigan,
kailangan niyang malaman ito.

You might also like