You are on page 1of 2

1.

Mga Uri ng Tayutay


2. 2. Tayutay Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng
mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit
ang pagpapahayag.
3. 3. 1. Pagtutulad(Simile) Paghahambing sa dalawang magkaibang tao,
bagay, pangyayari atbp. Ginagamitan ng mga salitang tulad ng, katulad ng,
parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
4. 4. Halimbawa : a.Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos. b.Ang
tao ay gaya ng halamang nararapat diligin
5. 5. 2. Pagwawangis(Metaphor) Isang tuwirang paghahambing na hindi
ginagamitan ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo atbp.
6. 6. Halimbawa : a. Ang ina ni Joshua ay bituing tanglaw niya sa landas ng
buhay. b. Si Eugene ay isang ibong humanap ng kalayaan.
7. 7. 3. Pagtatao(Personification) Nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng
tao sa bagay na walang talino. Pandiwa ang ginagamit dito.
8. 8. Halimbawa : a. Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo. b. Ang buwan
ay nahiya at nagtago sa ulap.
9. 9. 4. Eksaherasyon(Hyperbole) Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang
katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.
10. 10. Halimbawa : a. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati. b.
Nabutas ang bambam ng tainga ni Popot dahil sa ingay.
11. 11. 5. Paguyam(Sarcasm) Ito ay mga pananalitang nangungutya sa tao o
bagay, tila kapuri-puring pangungusap ngunit sa tunay na kahulugan ay
may bahid na pag-uyam.
12. 12. Halimbawa : a. Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil mo
ng mga taghiyawat. b. Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi
matulog maghapon.
13. 13. 6. Paglilipat-wika Ito ay gumagamit ng pang-uri upang bigyang
paglalarawan ang bagay.
14. 14. Halimbawa : a. Ang matalinong pluma ni Rizal ang nagbigay sa atin ng
kalayaan. b. Ang kanilang mapagpatuloy na tahanan ay kumanlong ng mga
sugatan.
15. 15. 7. Paglilipat-saklaw(Synecdoche) Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang
bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.
16. 16. Halimbawa : a. Hiningi ni Carl ang kamay ng dalaga. b. Sampung kamay
ang nagtulung-tulong sa pag- aararo.
17. 17. 8. Pagtawag(Apostrophe) Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay
na para bang nakikipag- usap sa isang buhay na tao.
18. 18. Halimbawa : a. O, tukso layuan mo ako. b. Pag-asa, halika rito at ako’y
nalilito na sa mga problema.
19. 19. 9. Tanong Retorikal Isang pahayag na anyong patanong na hindi
naman nangangailangan ng sagot.
20. 20. Halimbawa : a. Hanggang kailan ba masusupil ang kasamaan na dulot
ng ipinababawal na gamot? b. Hahayaan ba nating malugmok sa kumunoy
ng kahirapan ang ating bayan?
21. 21. 10. Pagpapalit- tawag(Metonymy) Pansamantalang pagpapalit ng mga
pangalan ng bagay na magkaugnay. a. Dapat nating igalang ang putting
buhok. b. Si Haring Garen ang nagmana ng korona.
22. 22. 11. Pagdaramdam Nagsasaad ito ng pangkaraniwang damdamin.
23. 23. Halimbawa : a. Kailan lamang ay sumasayaw ka sa kaligayahan at
punong- puno ng buhay,ngayon ay isa ka nang malamig na bangkay at ni
bakas ng dati mong kasiglahan ay wala na akong makita.
24. 24. 12. Tambisan(Antithesis) Pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan
sa kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang mga salita.
25. 25. Halimbawa : Siya ay isang taong sala sa init,sala sa lamig ayaw ng
tahimik ayaw rin ng magulo,nayayamot sa mayaman at nayayamot din sa
mangmang,isang nakalilitong nilalang.
26. 26. 13. Paghihimig(Onomatopoeia) Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa
pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.
27. 27. Halimbawa : a. Dumagundong ang malakas na kulog na sinun dan ng
pagguhit ng matatalim na kidlat b. Kumalabog sa matigas na lupa ang
bumagsak na kargamento mula sa trak.
28. 28. 14. Pag-uulit(Alliteration) Ang uting ito ay gumagamit ng magkatulad
na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit
sa isang pangungusap.
29. 29. Halimbawa : a. Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis
na pagpapasyang nakalikha ng pagkabalisa sa pusong umiibig. b.
Lumingap si Romy sa kapaligiran, lumakad ng ilang hakbang, lumingon sa
pinanggalingan at nagdudumaling lumabas sa lumang gusaing mahabang
panahon ding naging bilangguan ng kanyang yayat na katawan.
30. 30. 15. Pagtanggi(Litotes) Gumagamit ang pagpapahayag ng salitang
“hindi” uapng maipahiwatig ang lalong makahulugang pagsangayon sa
sinasabi ng salitang sumusunod.
31. 31. Halimbawa : a. Hindi ko sinasabing tsismosa si Sandra ngunit
ipinamalita niya ang pagtatapat sa kanyang lihim ng matalik niyanng
kaibigan. b. Si Raul ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang
kasintahan.
32. 32. 16. Salantunay(Paradox) Pagpapahayag ng isang katotohanan sa
pamamagitan ng paggamit ng sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa
o dinig.
33. 33. Halimbawa : a.“Kapagka ang tao sapul na ay tamad” b. “Madaling
tahakin landas ng pag-unlad”
34. 34. 17. Pangitain(Vision imagery) Naglalarawan sa mga laman ng isip na
animo’y tunay na kaharap o nakikita sa nagsasalita.
35. 35. Halimbawa : a.“ Sa sinapupunan ng konde Adolfo b. “Aking natatanaw
si Laurang sinta ko”
36. 36. 18. Paghahalintulad(Analogy) Tambalan ng pagtutulad; ipinahahayag
ng paghahalitulad ng magkatulad ng isang kaugnayan.
37. 37. Halimbawa: a.“Ang tingin ng paruparo sa bulaklak b.“Damdamin ng
binata sa dalaga ang katulad”

You might also like