You are on page 1of 5

Pananaliksik ukol sa Epekto Ng

Maagang pagkawala ng Pagkabirhen

Isang pananaliksik na iniharap para kay

Mrs. Gracia Mae A. Andrade

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang

Filipino sa Ibat- ibang Disiplina

Nina:

Joshua T. Mabasa

Pebrero 2019
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Panahon ng adolescence stage hanggang sa early adulthood, ang

mga kabataan ay masydong umiiral ang emosyon at mas nagdodomina

ang pagiging sensitibo sa mga bagay-bagay. Ang maagang pagka-

exposed ng mga kabataan sa mga makabagong kagamitan ay nagdudlot

ng masamang epekto sa ibat ibang aspeto ng kanilang buhay. Tulad

na lamang ng mga panunuod ng mga pornograpiya, mga kumakalat na

video sa mga cellphones at kahit sa mga simpleng usapan ng mga

magbabarkada. Dahil dito naeengganyo ang isang tao na gawin o

subukan ang isang bagay na hindi pa niya nararanasan o bago sa

kaniyang paningin. At hindi niya alam ang kahahantungan nito,

lalung-lalo na sa mga kabataan. Ayon sa SWS Survey, anim sa sampung

kabataan edad 20 pababa ay maagang nakararanas ng premarital sex.

Tila, para sa kabataan ngayon, normal na lamang ang

pakikipagtalik, na para bang walang masamang maidudulot, o

mangyayari sa kanila. Walang pakialam kung anuman ang mawala. Hindi

na rin mahalaga kung gaano nila kakilala ang kanilang katalik.

Ngunit ano nga ba ang magiging epekto nito sa isang babae? Ito

ba’y mabuti o masama?


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormas

yon ukol sa mga epekto ng “maagang pagkawala ng pagkabirhen” sa

mga kabataan na may edad 16-19 sa Lungson ng Capiz. Ang mga

impormasyong makakalap ay gagamitin para makabuo ng mga

kongkretong impormasyon para maging aral na magmumulat sa mga mata

ng kabataan sa mga hindi magagandang resulta ng sobrang kapusukan

at pakikipagtalik. Ang mga nasabing epekto ng “maagang pagkawala

ng pagkabirhen ay hahatiin sa aspektong:

1. Pag-aaral

2. Kalagayang sosyal

3. Kinabukasan

4. Kalusugan

A n g p a n a n a l i k s i k n a i t o a y tumutukoy sa sanhi at bunga

ng maagang pagkawala ng pagkabirhen. Layunin din nitong sagutin

ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano mga salik na nagiging sanhi ng maagang pagkawala ng

pagiging birhen sa kabataan?

2. Anu-ano ang mga maaring bunga nito sa pag-aaral, sa pamilya,

sa pagkatao?

3. Ano ang magiging epekto nito sa kanilang kinabukasan?

4. Ano ang maging epekto nito sa kanilang kalusugan?


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Kinakailangan ang pananaliksik na ito upang makakalap ng

ibat-ibang impormasyon ukol sa maagang pagkawala ng pagkabirhen ng

mga kabataan. Bukod dito ay upang matulungan ang mga;

1. Mga kabataan na maging responsible sa maaaring mangyari sa

kanilang kanilang buhay.

2. Magulang upang gabayan ang kanilang mga anak sa tamang landas

ng buhay.

3. Mga researcher sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga

researcher ay makakalap ng impormasyon na makakatulong sa

kanila sa kung papaano makaiiwas sa mga hindi magagandang

epekto ng maagang pagkawala ng pagkabirhen. Makakatulongrin

ito sa pagsasakatuparan ng mga mananaliksik sa kanilang

panlipunang tungkulin na tumulong sa kapwa. Sa tulong ng mga

impormasyon ay maaaring makabuo ang mga mananaliksik ng

realisasyon o aral na maaari nilang ipamahagi sa iba.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormasyon

ukol sa mga epekto maagang pagkawala ng pagkabirhen sa mga

kababaihan. Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin upang

makabuo ng mga konkretong impormasyon para maging aral sa mga

kabataan na walang maidudulot na kabutihan ang maaagang

pakikipagtalik.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral ay gagawin sa Capiz na kung saan doon

naninirahan ang aming mapapagtanungan. Ang pananaliksik na ito ay

nakatuon sa paghahanap ng epekto ng "maagang pagkawala ng

pagkabirhen" sa mga kabataan gulang 16-19 na kung saan

deskriptibong pamamaraan ang gagamitin para makakuha ng mga

impormasyon.

You might also like