You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V – Bikol
Dibisyon ng Camarines Sur
Mataas na Paaralan ng Pararao
Pararao, Balatan Camarines Sur

PROJECT PROPOSAL
I- PAMAGAT : “Buwan ng Wikang Pambansa 2016”
II- TAGAPAMAHALA: G. Jeffrey P. Molina at Gng. Rowena A. Teodoro
III- PETSA: Agosto 1- 31, 2016
IV- MGA KALAHOK: Mga guro, mga estudyanteng kalahok, prinsipal, at ilang panauhin
V- PAGDARAUSAN: Mataas na Paaralan ng Pararao (silid-aklatan, ilang silid-aralan, entablado)
VI- KAHALAGAHAN NG PALATUNTUNAN:
Alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s 1997, ang pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa ay pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) hannggang sa mga
pribado at pampublikong paaralan sa buong Pilipinas.
Ang tema sa taong ito ay “Filipino: Wika ng Karunungan”. Nakapaloob rin dito ang apat na
lingguhang paksa batay sa ibinigay ng komisyon at ito ang mga sumusunod:
a. Filipino: Wika ng edukasyon at Kalinangan
b. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa
c. Pagsasalin, Susi ng Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at Karunungan
d. Ang Wikang Filipino ay Wika ng Saliksik
Ang mataas na Paaralan ng Pararao bilang isang pampublikong sekundarya ay nakikiisa sa taunang
pagdiriwang ng ating wikang pambansa sa pamamagitan ng mga kompetisyong pampanitikan, musika at
sayawan na sasalamin sa tunay na pusong Pilipino.
VII- MGA LAYUNIN:
a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;
b. Mahikayat ang lahat na makiisa sa mga programang nagpapataas ng kamalayang pangwika, musika,
sayaw at sibiko; at
c. Maganyak ang mamamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng
aktibong pakikilahok sa mga gawaing kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa.
VIII- PLANO NG MGA GAWAIN:
GAWAIN PETSA LUGAR MGA KAILANGAN MGA KALAHOK
Pagbubukas ng Agosto 1, 2016 Entablado ng Sound system Tagapamahala,
Pagdiriwang Paaralan Project proposal Mga guro,
estudyante,
prinsipal
MGA PANIMULANG PATIMPALAK

Pagsulat ng Agosto 8, 2016 Silid-aklatan Papel at panulat Mga kalahok sa


Sanaysay 2-3 pm bawat grado,
tagapamahala
Pagsulat ng tula Agosto 8, 2016 Silid-aklatan Papel at panulat Mga kalahok sa
3-4 pm bawat grado,
tagapamahala
Paggawa ng Agosto 9, 2016 Silid- aklatan Kartolina, panulat, Mga kalahok sa
Slogan 2-3 pm at pangkulay bawat grado,
tagapamahala
Poster Agosto 9, 2016 Silid- aklatan Kartolina, panulat, Mga kalahok sa
3-4 pm at pangkulay bawat grado,
tagapamahala
Quiz Bee Agosto 10, 2016 Silid-aralan (SHS) Illustration board, Mga kalahok sa
1 pm. tisa, at pambura bawat grado,
tagapamahala
MGA PANGUNAHING PATIMPALAK
Handang Agosto 12, 2016 entablado Sound system Mga kalahok sa
Talumpati umaga bawat grado,
tagapamahala,
mga hurado
Di-handang Agosto 12, 2016 entablado Sound system Mga kalahok sa
Talumpati umaga bawat grado,
tagapamahala,
mga hurado
Spoken Poetry Agosto 12, 2016 entablado Sound system Mga kalahok sa
umaga bawat grado,
tagapamahala,
mga hurado

Sabayang Agosto 12, 2016 entablado Sound system Mga kalahok sa


pagbigkas hapon bawat grado,
tagapamahala,
mga hurado

Vocal Solo Agosto 12, 2016 entablado Sound system Mga kalahok sa
(Babae at Lalaki) hapon bawat grado,
tagapamahala,
mga hurado

Vocal Duet Agosto 12, 2016 entablado Sound system Mga kalahok sa
hapon bawat grado,
tagapamahala,
mga hurado

Folk Dance Agosto 12, 2016 entablado Sound System Mga Kalahok sa
hapon bawat grado, mga
hurado, mga
tagapamahala
Broadcasting Agosto 12, 2016 entablado Sound System Mga Kalahok sa
hapon bawat grado, mga
hurado, mga
tagapamahala
Pamimigay ng mga Gantimpala sa mga Nagwaging mga Kalahok
IX- MGA USAPING PINANSIYAL:
Mga Bayarin
a. Dekorasyon sa Entablado-------------------------------Php.1000.00
b. Sound system-------------------------------------------Php. 1000.00
c. Sertipiko para sa mga Kalahok at nagwagi---------Php. 500.00
d. Print-outs (Piyesa)---------------------------------------Php. 500.00
e. Pananaliksik para sa mga piyesa (wifi)---------------php. 50.00
TOTAL----------------------------------------------------Php. 3050.00

Panggagalingan ng Badget
f. Limang Piso (Php. 5.00) bawat mag- aaral

X- BATAYAN SA PAGPILI NG MGA KALAHOK


a. Ang lahat ng kalahok ay lehitimong nag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Pararao at opisyal na
nakasulat sa talaan ng mga kalahok.
b. Ang talaan ng mga kalahok sa bawat patimpalak ay dapat na isumite isang araw bago ang
patimpalak.
c. Mahigpit na susundin ang batayan sa bawat patimpalak sa paghusga ng bawat kalahok.
d. Ang mga kalahok na bibigyan lamang ng gantimpala ay ang mga nakakuha ng una hanggang
pangatlong puwesto. Subalit, lahat ng kalahok ay bibigyan ng sertipiko ng pakikilahok.
e. Ang nararapat na kasuotan ay hinihingi sa bawat patimpalak.
f. Ang hatol ng mga hurado ay pinal at bawal ng baguhin.
g. Ang bawat kalahok ay inaasahang nasa pook-patimpalak limang minuto bago ang simula.
XI- BATAYAN NG PAGMAMARKA SA BAWAT PATIMPALAK:
MGA PANIMULANG GAWAIN
A. Pagsulat ng Sanaysay
a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng interesadong kalahok na nakasulat sa isinumiteng talaan.
b. Ang sanaysay ay inaasahang naglalaman ng 300-500 na salita.
c. Ang bawat kalahok ay inaasahang magdala ng sariling panulat at papel (long bondpaper).
d. Ang pamagat ay base sa tema ngayong taon.
Batayan ng Pagmamarka:
Nilalaman-----------------------------------------------------20%
Pagkakaayos ng Ideya-------------------------------------15%
Mekaniks------------------------------------------------------20%
Kaangkupan--------------------------------------------------20%
Emphasis------------------------------------------------------15%
Kalinisan-------------------------------------------------------10%
TOTAL-----------------------------------------------100%
B. Pagsulat ng Tula
a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng interesadong kalahok na nakasulat sa isinumiteng talaan.
b. Ang tula ay inaasahang hindi bababa sa limang saknong na binubuo ng apat na taludtod
c. Ang bawat kalahok ay inaasahang magdala ng sariling panulat at papel (long bondpaper).
d. Ang pamagat ay base sa tema ngayong taon.
Batayan ng Pagmamarka:
Kaangkupan ------------------------------------------20%
Nilalaman --------------------------------------------25%
Poetic structure -------------------------------------30%
Mekaniks ----------------------------------------------10%
Orihinalidad--------------------------------------------15%
TOTAL---------------------------------100%
C. Paggawa ng Slogan
a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng interesadong kalahok na nakasulat sa isinumiteng talaan.
b. Ang bawat kalahok ay inaasahang magdala ng sariling panulat, papel (1/2 kartolina), at
pangkulay.
c. Ito ay base sa tema ngayong taon.
Batayan ng Pagmamarka:
Nilalaman----------------------------------------------25%
Mekanikss---------------------------------------------20%
Kagandahang Biswal--------------------------------25%
Kaangkupan-------------------------------------------15%
Kalinisan-----------------------------------------------15%
TOTAL------------------------------100%

D. Poster

a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng interesadong kalahok na nakasulat sa isinumiteng talaan.


b. Ang bawat kalahok ay inaasahang magdala ng sariling kagamitan (kartolina, at pangkulay).
c. Ito ay nakabase sa tema ngayong taon.
Batayan ng Pagmamarka:
Nilalaman ………… 25%

Orihinalidad ………… 20%


Katangiang Biswal ………… 25%
Kaangkupan ………. 15%
Kalinisan ………... 15%
100%
E. Quiz Bee

a.
Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng grado.
b.
Ang bawat grado ay mayroong 5 kalahok.
c.
Inaasang magdala ng ¼ kartolina, tisa , at pambura ang bawat grado.
d.
Uulitin ng dalawang beses ang bawat katanungan.
e.
Ang bawat grupo ay kinakailangang maghintay ng hudyat ng tagapamahala bago ipakita
ang kanilang kasagutan.
f. Huwag ibaba ang kasagutan hanggang hindi pa ito nakikita ng tagapamahala.
g. Ang quiz bee ay hahatiin sa easy (5salita 1 pts kada isa), average (5salita 3 pts kada isa) at
difficult (5 salita 5 pts kada isa). Ang clincher (2 salita 2 pts kada isa ) ay ibibigay kung
magkaroon ng parehas na puntos.
h. Ang desisyon ay pinal at bawal baguhin
MGA PANGUNAHING GAWAIN
A. Handang Talumpati

a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng grado


b. Ang bawat grado ay inaasahang magkaroon ng isang kalahok.
c. The piyesa ay ibibigay kasama ng talaan ng mga kalahok at project proposal sa tagapayo.
d. Inaasahang babagay sa piyesa ang kasuotan ng kalahok
e. Batayan ng Pagmamarka:

Pagkakabisa -----------30%
Pagbigkas -----------25%
Kumpas, galaw ng katawan, expresyon -----------25%
Overall impact/Stage presence -----------20%
100%
B. Di-handang Talumpati

a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng grado


b. Ang bawat grado ay inaasahang magkaroon ng isang kalahok.
c. Ang paksa ay ibibigay limang minuto bago ang talumpati.
d. Ang kalahok ay bibigyan ng 3 minutong paghahanda at 5 minutong pagtalakay ng kanyang
paksa.
e. Ang kalahok ay inaasahang magsuot ng uniporme.
f. Batayan ng Pagmamarka:
Nilalaman, pagkakaayos ng Ideya ……………. 40%
Kumpas, galaw ng katawan, expresyon --------------------------20%
Bigkas ………………. 20%
Stage presence -------------------- 20%
100%
C. Spoken Poetry
a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng interesadong kalahok na nakasulat sa isinumiteng talaan.
b. Tagalog ang gagamiting lengguwahe
c. Ang paksa ng tula ay base sa tema ngayong taon.
Batayan ng Pagmamarka:
Kaangkupan ------------------------------------------20%
Nilalaman --------------------------------------------25%
Poetic structure -------------------------------------30%
Mekaniks ----------------------------------------------10%
Orihinalidad--------------------------------------------15%
TOTAL--------------------------------100%
D. Sabayang Pagbigkas
a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng grado.
b. Ang bawat kalahok ay kinakailangang magkaroon ng 25-30 kasapi.
c. Ang piyesa ay ibibigay kasabay ng talaan ng mga kalahok at project proposal.
Batayan ng Pagmamarka:
Pagkakabisa ……………. 20%
Kumpas, galaw ng katawan, at ekspresyon ---------20%
Audience Contact ……………. 10%
Bigkas ……………. 20%

Interpretasyon/Choreography …….……..--------- 30%


TOTAL--------------------------------100%
E. Vocal Solo (Babae at Lalaki)
a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng grado.
b. Ang bawat grado ay inaasahang magkaroon ng dalawang kalahok. Isang babae at isang lalaki sa
dalawang magkahiwalay na patimpalak.
c. Ang bawat kalahok ay inaasahang aawit ng dalawang piyesa. Ang una ay mula sa kanya at ang
pangalawa ay mula sa tagapamahala.
d. Ang piyesa ay ibibigay ng tagapamahala kasabay ng talaan ng mga kalahok at project proposal.
e. Ang kasuotan ay inaasahang batay sa piyesa.
Batayan ng Pagmamarka:
Kalidad ng Boses-------------------------30%
Pagkakabisa ng Piyesa------------------20%
Timing---------------------------------------20%
Over- all Audience Impact------ ------20%
Kasuotan-----------------------------------10%
TOTAL--------------------100%
F. Vocal Duet (Babae at Lalaki)
a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng grado.
b. Ang bawat grado ay inaasahang magkaroon ng dalawang kalahok., isang babae at isang lalaki.
c. Ang piyesa ay ibibigay ng tagapamahala kasabay ng talaan ng mga kalahok at project proposal.
d. Ang kasuotan ay inaasahang batay sa piyesa.
Batayan ng Pagmamarka:
Kalidad ng Boses-------------------------20%
Pagkakabisa ng Piyesa------------------20%
Timing---------------------------------------15%
Choreography-----------------------------15%
Over- all Audience Impact------ ------20%
Kasuotan-----------------------------------10%
TOTAL--------------------100%
G. Folk Dancing
a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng grado.
b. Ang bawat grado ay inaasahang magkaroon ng apat na pares, apat na babae at apat na lalaking
mananayaw.
c. Ang bawat grado ay hahayaang pumili ng sariling sayaw.
d. Ang kasuotan ay inaasahang batay sa piyesa.
Batayan ng Pagmamarka:
Gracefulness-------------------------------20%
Pagkakabisa ng Sayaw-------------------20%
Timing---------------------------------------15%
Choreography-----------------------------20%
Over- all Audience Impact------ ------15%
Kasoutan------------------------------------10%
TOTAL--------------------100%
H. TV Broadcasting
a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng grado.
b. Ang bawat grado ay binubuo ng 5-10 kasapi.
c. Ang balita ay dapat na napapanahon.
d. Ang mga kasuotan ay inaasahang batay sa partisipasyon ng bawat kalahok.
Batayan ng Pagmamarka:
Anchor/studio presentation ………….20%
Use of spot news, enterprise
Reporting, live coverage features
Weather, sports etc.. ………….30%
Journalistic content and balance ………….20%
Relevance to the audience ………….10%
Total impact/production …………. 20%
100%

000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
Inihanda ni:

JEFFREY P. MOLINA

ROWENA A. TEODORO
Mga Tagapamahala-Buwan ng Agosto

Pinagtibay ni:

ROMEO B. COLINA
Prinsipal I

You might also like