You are on page 1of 3

Lesson Plan

Almendras, Aaliyah Ashanti O. X – St. Jerome Marso 18, 2019

I. Layunin:
a.) Nalalaman ng mga mag – aaral ang planong rebolusyon ng isa sa pangunahing
tauhan ng nobela.
b.) Natutunan ng mga mag – aaral na ang paghihiganti ay masama sa pamamagitan
ng pagbibigay opinyon sa isang sikat na kasabihan.
c.) Nakapagbibigay ng pasulit sa mga mag – aaral tungkol sa paksang talakayan.

II. Paksang Aralin:


a.) Pamagat: Ang Huling Matuwid (Kabanata XXXIII)
b.) Kagamitan: Ikalawang Aklat ng Pluma X, PowerPoint Presentation, Sipi ng
Video, Bolpen, at Papel
c.) Sangunian: Ikalawang Aklat ng Pluma X, pahina 834 - 841

III. Pamamaraan:

a.) Pagganyak:
Tatawag ng ilang mag – aaral ang guro at tatanungin ang mga ito kung ano ang
kanilang opinyon tungkol sa paghihiganti. Pagkatapos nito magkakaroon ng
maikling pagbabahagi ang guro tungkol sa opinyon ng mga mag – aaral.

b.) Paghawan ng Balakid:


Unang Aktibidad
1. Magtatawag ng ilang mag – aaral ang guro at magbabalik tanaw sa nakarang
kabanata.
2. Pagkatapos, magbibigay ng paunang pasulit ang guro upang malaman kung gaano
kalalim ang bokabularyo ng mga mag – aaral.
3. Wawastuhin ito upang masigurong ito’y lubos na naintindihan ng mag – aaral.
Pagtambalin ang mga salita at ang mga kahulugan nito. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

1) __ Asero a.) Ilawan

2) __ Lalamlam b.) Naglubag ang Loob

3) __ Prasko c.) Patong; Korona

4) __ Putong d.) Matigas na bakal

5) __ Nabagbag e.) Hihina; Didilim

c.) Pagtatalakay:
Tatawag ng ilang mag – aaral ang guro at tatanungin ito kung anong naalala nito sa
mga nakaraang kabanata bago magsimula ang guro sa talakayan. Sa pagsisimula ng
talakayan, hihikayatin ng guro ang mag – aaral na makinig ang mga ito sa kanyang
diskusyon.

BUOD NG KUWENTO

Nang makalaya si Basilio sa bilibid, agad itong pumunta kay Simoun. Sa panahon
na iyon, si Simoun ay nakahanda ng umalis kasama ang Kapitan Heneral,
nakahanda na ang kanyang mga alahas at armas. Nagkulong si Simoun sa kanyang
silid at kanyang sinabihan ang mga katulong na tanging si Basilio lamang ang
pwedeng pumasok sa kanyang silid. Tulad ng inaasahan, dumating si Basilio ngunit
laking gulat ni Simoun na nag iba ang pisikal na anyo nito. Malaki ang ikinapayat
nito at mukhang problemado at dito isinaad ni Basilio na gusto nitong maghingi ng
tulong kay Simoun para makaganti sa mga taong pumatay sa kanyang ina at
kapatid. Ito’y ikinagalak na marinig ni Simoun sinabi nya na ang kagustuhan na
maging payapa at ayaw sa gulo ang nag tulak sa kanya na gawin ang ito dahil noon
pa man ang mga nasa itaas ay hindi nakikipag tulungan at nakikipag usap ng
masinsinan at patas kaya’t sa huli maraming nadadamay at namamatay.

Sinabi rin ni Simoun ang kanyang plano pang himagsikan, tumuloy sila sa kanyang
laboratoryo at ipinakita nito ang isang kakaibang ilawan. Ang ilawang ito ay may
kakaibang hugis at ito ay may lamang nitro-glycerina, isang sangkap sa paggagawa
ng dinamita. Isinaad ni Simoun na hindi lamang ito isang dinamita pagkat dala nito
ang luha at sakit na dinanas ng mga na api dahil sa paglaban nila sa dahas at lakas.
Plano nito na gamitin ito sa isang pag pipiging na siyang magiging hudyat ng isang
madugong rebolusyon, sinabi rin ni Simoun na si Basilio ang liligtas sa mga
inosente bago pa man sumabog ang dinamita.

d.) Ebalwasyon:
Ikalawang Aktibidad o Pasulit
Pamamaraan:
1. Magbibigay ng ilang minuto ang guro upang paghandaan ng mag – aaral
ang pasulit.
2. Pagkatapos ng nasabing minute, maghahanda ang mga mag – aaral ng isang
– kapa’t na papel.
3. Magbibigay ang guro ng pasulit.
4. Sa huli, wawastuhin ng guro ang papel ng mag – aaral.

Nilalaman ng Pasulit
1.) Sino ang tanging tao na pinayagan papasukin ni Simoun sa kayang pamamahay?
2.) Sino ang naging rason ni Basilio para pumayag sa balak na paghihimagsikan ni
Simoun?
3.) Anong bagay ang ginamit upang matago ang dinamitang ginawa ni Simoun?
4.) Ano ang pangalan ng kemikal na inilagay upang mabuo ang dinamita?
5.) Anong okasyon ang ginamit upang masimulan ang rebolusyon?
6.) – 10.) Naranasan mo bang gumawa ng isang plano o desisyon na labag sa iyong
kalooban alang – alang sa prinsipyo?

e.) Pagninilay:
Magbibigay ng isang sikat na kasabihan ang guro sa mag – aaral. Bilang
kasiguraduhan na mayroon naintindihan ang mag – aaral, sila’y magbibigay ng
sariling opinyon tungkol rito.

Ipaliwanag ang kasabihang, ‘Kapag binato ka ng bato, Batuhin mo ng tinapay’.

You might also like