You are on page 1of 1

Sean Leonard C. Salcedo Bb. Niezel M.

Buso
ABM-11 December 10, 2018

Negatibong Epekto ng Online Games sa Pag-Uugali ng Bata


Rason kung bakit ito ang napili ko ay sa kadahilanan ng pagkalulong ng karamihan sa kabataan ngayon ay
inuubos nila ang kanilang oras sa paglalaro ng Online Games. Upang mabawasan ito kailangan nila
magkaroon ng maayos na disiplina at kailangan din nilang matuto na balansehin ang kailangan at ang gusto
ng isang bata.
Sa paglalaro ng Onling Games ‘di maiiwasan ng isang bata ang maging matapobre na kung saan ay
nahahawa ang isang bata sa negatibong pag-uugali ng iba. Ang pagkawala ng respeto sa mga nakakatanda
ay isa din sa kadahilanan ng pagiging matapobre at isa din dito ang pagkahawa ng negatibong ugali at
inilalabas sa ibang tao.
Isa din sa negatibong pag-uugali ng bata ay ang pagiging sinungaling, mas iniisip ng isang bata ang kanyang
gusto kesa sa kanyang pangangailangan. Isa din dito ang mas napagtutuunan ng pansin ng isang bata ang
paglalaro ng computer kesa sa kanyang pangangailangan. At isa din ang pangloloko sa magulang upang
makakuha ng pera panlaro.
Ang pagiging magastusin ay isa din sa negatibong pag-uugali ng isang batang nalulong sa Online Games
dahil mas binibigyan pansin nila ang kanilang gusto para makapaglaro ng Online Games at ang pagkaubos
ng pera. Ang pagkawala ng kontrol sa sarili ay isa din sa sa negatibong pag-uugali ng bata dahil mas
ginugusto ng bata na makapaglaro at maging masaya kesa sa pagkakaroon ng isa sa mga kanyang
pangangailangan. Sa pagkawala ng kontrol may posibilidad na maubos ang iyong pera at hindi makakakain
ang isang bata dahil sa paglalaro.
Ang aking konklusyon para sa problemang ito ay kailangan limitahan ng mga magulang ang kanilang mga
anak sa paglalaro at kailangan din na limitahan ng mga kumpyuter shop ang mga batang pumapasok sa
paraang pagkakaroon ng age limit sa pagpapasok dito.

You might also like