You are on page 1of 1

Sina Nanay at Tatay ay silang gabay at ating patnubay sa ating mga buhay.

Ang anak matitiis ang mga


magulang ngunit ang mga magulang ay hindi matitiis ang mga anak. Wala ng mas sasarap sa
samahan ng pamilya kapag ito'y kompleto. Sa tahanan nagsisimula ang ating mga natutunan, kung
ano ang dapat at hindi dapat at ang mali at tama. Parte ang mga pangaral sa ating buhay at ito'y
nagsisilbi nating araw-araw na pamumuhay.

Mapalad kayong mga bata na may mga magulang na laging nagbibigay patnubay sa lahat ng inyong
mga gawain. Ang mga batang busog sa aral,kalinga at pagmamahal ng mga magulang ay, malayo sa
anumang kapahamakan.bigyan ninyo ng halaga ang bawat butil ng aral na sinasabi sa inyo sapagkat
ito ang mga bagay na kailanman ay hindi mababayaran o mabibili ng anumang halaga ng salapi.

MAMA at PAPA salamat sa pagmamahal at suporta sa akin. Salamat rin po sa paghihirap at


sakripisyop na ginawa niyo upang matulongan at matugunan ang akin mga pangangailangan.kayo po
ang nag bigay sa akin ng lahat-lahat kahit na kayo ay nahihirapan,at ito ay aking pinag
papasalamatan,ang aking tanging masasabi sa huli ay salamat,maraming-maraming salamat sa lahat-
lahat at labis ko kayong minamahal.

You might also like