Professional Documents
Culture Documents
Fil
Fil
Peros
Ni Alfonso O. Santiago
Ang pagsasalin ng wika ay sinasabing kasintanda na rin halos ng panitikan. Ang kinikilalang
unang tagasalin ay si Andronicus na siyang nagsalin ng Odyssey ni Homer sa anyong patula (240 B.C.)
Sinundan ito nina Naevius at Ennius, gayon din nina Cicero at Catulus. Sa pagdaraan ng maraming taon
ay dumami nang dumami ang mga tagasaling-wika na siyang nagdulot ng malaking pag-unlad ng mga
bansa sa Europa at Arabya. Nakilala ang lungsod ng Bagdad bilang isang paaralan ng pagsasalingwika sa
pamamagitan ng isang pangkat ng mga iskolar na nakaabot sa Bagdad at isinalin sa Arabiko ang mga
isinulat nina Aristotle, Plato, Galea, Hippocrates at iba pa. Pagkaraan ng tatlong siglo, Toledo naman ang
sumibol sa larangan ng pagsasalingwika. . Ang mga tanyag na tagapagsalin ay sina Adelard at Retines.
Ang sinasabing pinakataluktok na panahon ng pagsasalingwika ay ang panahon ng pagsasalin ng Bibliya.
Ang kinikilalang pinakamabuting salin ng Bibliya ay ang salin ni Martin Luther (1483-1646).
-Kahulugan
-Prinsipyo
-Proseso
Pagsasalin ng panulaan
Pagsasalin ng prosa