You are on page 1of 1

March 16, 2019

Mr. Juan Gonzales Jr. III


Coordinator of Student Activites
Holy Family Academy

Ginoong Juan Gonzales Jr. III,

Isang magandang pagbabati Ginoong Juan! Nais po naming iparating an gaming plano sa inyo
ukol sa Youth Development activity sa kalikasan. Magalang din naming hinihingi ang iyong pahintuloy sa
aming programa nagagawin. Sana po’y itong liham na’to ay makakarating sa’yo sa mabuting kalusugan.

Base sa aming mgadatos na na nakalap, sa pagtaas ng bilang ng populasyon, higit na tumaas din
ang dami ng nagkokonsumo ng pangangailangan sa pagkain at inumin. Dahil dito, dumarami na rin ang
mga basura na itinatapon ng mga mamamayan ngunit ito’y hindi itinatapon sa tamang paraan. Naiipon
ang mga kalat na kung saan nasisira ang ating kalikasan.

Isa pang dahilan kung bakit dumarami ang kalat sa kalikasan ay dahil kulang ang mga
mamamayan sa kaalaman tungkol sa mga epekto nito. Batay sa aming pananaliksik, isang epekto dito ay
polusyon sa tubig. Alam nating lahat na kinokonsumo ito ng mga hayop sa paligid natin, at ito’y
hahantong sa kamatayan nila. Kasama na din ang pagdag-dag ng mga masamang insekto tulad ng
dengue at lamok nang ito’y makakaapekto sa kapakanan ng mga mamamayan. Sa dahilang ito, tumataas
na rin ang rate ng dengue fever sa mga barangay. Hindi rin maganda tignan ang kalat na sumasakop ng
kapaligiran.

Ang solusyon na pinag-isipan ng aming grupo ay isang Community Service Program, na kung
saan papalawakin namin sa mga mamamayan ang iba’t-ibang epekto ng pagkakalat ng basura sa
kalikasan. Sa pamamagitan ng community service, sila’y magkakaroon ng masmalalim na pananaw sa
mga nangyayari sa kalikasan ngayon habang paunti-unting lumilinis ang kapaligiran.

Ang aming pamamaraan upang matupad ang aming programa ay ang pagdadaan sa pagpulong,
paghanap ng lugar, paglikom ng badyet, at ang paghihikayat ng mga club at organisasyon tulad YES-O,
Math Club, Speaker’s Guild, at Art’s Club upang makisama sa aming programa. Sisimulan na namin sa
Hunyo ang pagpplano sapagkat nais naming gawin ang programa nang maayos.

Pinili namin ang December 4-6,2019 ang petsa para sa programa dahil sa maraming rason. Ang
isa sa mga nangingibabaw na salik sa pagpipili ng petsa na ito ay ang panahon. Ang buwan na December
ay hindi masyadong tag-init. Isa din sa mga rason ay ang kalapitan ng Pasko sa petsa na iyon. Maaari
nating sabihing regalo natin ang community service sa barangay na napili.

Ang aming nangingibabaw na mga layunin ay matugunan ang paunti-unting paglinis ng


kalikasan at ang paghihikayat sa pagbabago ng mga asal para sa kalikasan. Konektado din ito sa
pagbubuo ng karakter sa youth tulad ng responsibilidad, disiplina, serbisyo, at karunungan. Sana po ay
maisaalang-alang mo ang aming plano para matupad ang mga ito.

Lubos na gumagalang,

Jeric Ronquillo
HFA Student from 9-Micah

You might also like