You are on page 1of 49

PAGBASA

• Ang pagbasa ay kompleks,


daynamikong proseso ng pagdadala
ng mensahe sa teksto at pagkuha ng
kahulugan mula sa teksto. Ito ay
integratibong proseso ng pagsasanib
ng apektibo, perseptwal at
kognatibong domeyn.
-Rubin at Bernhardt
• Ang pagbasa ay kasangkapan sa
pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa
iba’t ibang larangan ng pamumuhay.
Sa katunayan, 90% sa napag-aralan
ng tao ay mula sa kanyang
karanasan sa pagbasa.
- Baltazar(1977)
• Ang pagbasa ay isang "
psycholinguistic guessing game"
-Goodman
• Para sa lubusang pag-unawa sa
isang teksto, kailangan ang dating
kaalaman ng tagabasa ay maiugnay
niya sa kaniyang kakayahang bmuo
ng mga konsepto at kasanayan sa
pagpoproseso ng mga impormasyon.
-Coady
• Ang kakayahang pangkaisipan ay
ang panlahat na kakayahang
intelektwal ng isang tagabasa.
-Badayos
• Ang pagbasa ng anumang uri ng
katha ay nagkakabisa sa ating isip,
damdamin at kaasal
-(Belvez et al., 2004)
Mga Layunin ng Pagbasa
• Nagbabasa tayo upang maaliw.
• Tumuklas ng mga bagong kaalaman at maimbak ito sa ating
kaisipan.
• Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng
aral.
• Mapaglakbay ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap
nating marating.
• Mapag-aralan natin ang kultura ng ibang lahi at mabatid
Mga Hakbang sa Pagbasa

William S. Gray- ang tinaguriang Ama


ng Pagbasa, ay naglahad ng apat (4)
na hakbang sa pagbasa.
1. Pagkilala

Tumutukoy sa kakayahan ng
bumabasa na mabigkas ang mga
salitang tinutunghan at makilala ang
mga sagisag ng isipang nakalimbag.
2. Pag-unawa.

• Ang kakayahang bigyang kahulugan


at interpretasyon ang kaisipang
ipinapahayag ng mga simbolo ng mga
salitang nakalimbag.
3. Reaksyon

• Kakayahan ito ng mambabasa na maghatol o


magsabi kung may kawastuhan at kahusayan
ang pagkasulat ng teksto. Tumutukoy rin ito
sa pagpapahalaga at pagdama na iniuukol ng
mambabasa sa nilalaman ng kanyang binasang
teksto.
4. Asimilasyon at Integrasyon

• Kakayahan ito ng mambabasa na


isabuhay ang natutuhang kaisipan sa
binasa. Naiuugnay niya ang
kasalukuyang karanasan sa nakaraan na
tinalakay sa binasa.
Ano ba ang kahalagahan ng
Pagbabasa?
Mga Teorya sa Pagbasa
Teoryang Bottom- up
• Batay sa "Teoryang
stimulusresponse" ang sentro
ng pagbasa ay ang teksto na
kailangan munang maunawaan
ng mambabasa bago siya
makapagbigay ng kaukulang
reaksyon o interpretasyon.

Teoryang Top- Down
• ang mambabasa ay nagiging
isang aktibong partisipant
sa pagbasa dahil sa taglay
niyang "Stock Knowledge" o
mga nakaimbak na
kaalaman bunga ng kanyang
mga karanasan.
Teoryang Interaktiv

Learning is a two-way process. Hindi


monopolyo ng mga mambabasa ang
pag-unawa sa tekso.
Teoryang Iskema

• Tumutukoy sa teoryang ito sa


kalayaan ng mambabasa na magbigay
ng kahulugan sa teksto.
TATLONG SALIK NG PAGBASA
1.Uri ng Bokabularyo Talasalitaan (Kinds
of Voc.)
2. Balangkas at istilo ng Pagpapahayag
3. Nilalaman o Paksa ng Binabasa
(Content / Subject Matter)
IBA’T IBANG PATERN O URI NG PAGBASA

1. ISKANING
Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa
ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na
hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o
key word, pamagat at sub-titles.
2. ISKIMING
• Ito ay pagsaklaw o mabilisang
pagbasa upang makuha ang
pangkalahatang ideya o impresyon, o
kaya’y pagpili ng materyal na babasahin.
3. PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay
hindi kaagad sa aklat o chapter.
Sinusuri muna ang kabuuan at ang
estilo at register ng wika ng sumulat.
IBA’T IBANG BAHAGDAN ANG PRE-
VIEWING
• Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang nakasulat
ng italik.
• Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
• Pagbasa sa una at huling talata.
• Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
• Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito
ay binibigyan suri o basa.
• Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.
4. KASWAL
Pagbasa ng pansamantala o di-
palagian. Magaan ang pagbasa tulad
halimbawa habang may inaantay o
pampalipas ng oras.
5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ito’y pagbasang may layunin
malaman ang impormasyon tulad
halimbawa ng pagbasa sa pahayagan
kung may bagyo, sa hangarin
malaman kung may pasok o wala
6. MATIIM NA PAGBASA
• Nangangailangan ito ng maingat na
pagbasa na may layuning maunawaang
ganap ang binabasa para matugunan
ang pangangailangan tulad ng report,
riserts, at iba pa.
7. RE-READING O MULING PAGBASA
Paulit na binabasa kung ang
binabasa ay mahirap unawain bunga
ng mahirap na talasalitaan o
pagkakabuo ng pahayag.
8. PAGTATALA
Ito’y pagbasang may kasamang
pagtatala ng mga mahalagang
kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng
impormasyon.
5 Panukaan o Dimensyon sa
Pagbasa
1. Pag- unawang Literal
A. Kahulugan ( meaning )
1. Pagfocus ng atensyon sa mga ideya at impormasyong
maliwanag na sinabi ng babasahin
2. Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang
kahulugan ng salita o pagkuha ng kahulugan nito
ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
3. Pagsasalin ng kaisipan ng may-akda sa sariling
pagkaunawa ng bumabasa.
B. Mga Kasanayang Napapaloob
Mahanap o makilala ang mga impormasyon o ideyang
malinaw ng binasa.
a. Mga Detalye (Details)
Mahanap o makilala ang mga nilalaman kung kuwento.
b. Mga Pangunahing Kaisipan
Mahahanap o makilala nang malinaw ang mga sinasabi sa
loob ng psngungusap sa seleksyon.
c. Paghahambing o Pagtutulad
d. Sanhi at Bunga
e. Mga katangian ng tauhan
2. Paggunita ( Recalling )
-Masabi sa sariling pangungusap at
maipaliwanag na mabuti ang mga sinasabi sa
loob ng kuwento.
3. Pagbubuo ng Kaisipan
Pag- aanalisa , pagsasagawa pagbuo ng
kaisipan o impormasyong malinaw na isinasaad
ng kwento.
II. Interpretasyon
A. Kahulugan
1. Pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung
kuwento at mga taludtod kung tula.
2. Pagkuha ng malalim na kahulugan, bukod sa mga
nakuha ng literal na kahulugan
3. Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga
salita na hindi tuwirang sinasabi sa aklat.
4. Paglalahad ng tunay na kaisipan ng may-akda kasama
pati ang mga implikasyon at karagdagang kahulugan nito.
5. Pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ng may-akda.
6. Mabigyan ng kahulugan ang kaisipan ng may-akda.
7. Makikilala at mabigyan ng kahulugan ang mga
pamamaraan sa pagsulat at paggamit ng mga tayutay.
8. Pagbibigay ng kabuuan ng kuwento na hindi malinaw na
ipinapahayag ng may-akda.
9. Pagsasaayos sa panibagong balangkas ng kaisipan ng
may-akda, pinapalawak ang kaisipang ito at isinasama
sa mga ideyang nakuha ng bumabasa sa pagbabasa.
10 . Pagbibigay ng opinion at pala-palagay ayon sa mga
kaisipan at impormasyong malinaw na isinasaad ng akda.
11. pag-aanalisa at pagsasama- sama upang
magkaroon ng panibagong pananaw o mataas na
pamantayan ng pag-unawa upang bayaan ag bumabasa
na makapag-isip na nais na ipakahuluhan sa
mahalagang kaisipan ng may- akda.
B. Mga Kasanayang Napapaloob
1. Paghihinuha ( Inferring)
a. Pagpapatunay o pagtatanggol sa detalye

2. Mga pangunahinh kaisipan


Maibigay ang mga sumusunod na hindi
gaanong naipapahayag nang malinaw sa akda.
C. Pagkakasunod-sunod (Sequence)
1. Pagbibigay ng palagay kung anong mga
kilos o pangyayari ang maaring maganap sa
pagitan ng dalawang malinaw na ipinahahayag
na mga kilos o mga pangyayari.
2. Pagbibigay ng haka-haka sa kung anu-ano
ang maaaring susunod na mangyari kung ang
akda ay natapos nang hindi inaasahan, ngunit
itoy pinabayaang mangyari.
D. Paghahambing ( Comparison)
Mahulaan o mabigyan ng sariling palagay
o masabi ang pagkakaiba ng:
tauhan
panahon
mga pook
E. Pagkakaugnay ng Sanhi at Bunga
1. Pagahahaka sa mga motivo ng mga tauhan at kanilang mga
ikinikilos ayon sa takbo ng panahon at pook.
2. Pagbibigay ng palagay kung bakit isinasama ng may-akda sa
kanyang panulat ang:
- mga kaisipan
- mga gayong pananalita
- katauhan ng tauhan
- mga ikinikilos ng tauhan
F. Katangian ng Tauhan
Pagbibigay ng haka-haka tungkol sa ugali ng mga tauhan batay sa
malinaw na palatandaang ipinapahayag sa akda.

1. Pagkuha sa maaring kalabasan ng kuwento


Pagbasa sa unang bahagi ng akda at ibase sa pagbasang ito ang
palagay sa maaaring kahinatnan ng akda.
2. Pagbibigay kahulugan sa matatalinhagang salita.
Mahihinuha ang literal na kahulugan ng matatalinhagang
pananalitang ginagamit ng may-akda.
III. Mapanuring Pagbasa ( Critical
Reading)
A.Kahulugan
1. Pagbibigay- halaga sa katumpakan ng
pagbabasa
2. Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang
particular na suliranin
3. pagbibigay ng sariling pasya
4. Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa mga
kaisipang natutuhan o tungkol sa akdang binasa.

5. Paggawa ng tiyak na pagpapasya sa pamamagitan


ng paghahambing ng ipinahayag na mga kaisipan sa
loob ng akda.

6. Paghatol at pagbibigay- pansin sa katangian ng


materyal na ginamit.
B. Mga Kasanayang Napapaloob
1. Pagpapasya kung ito’y maaring tunay na pangyayari o
pantasya lamang batay sa karanasan ng bumabasa.
2. Pagpapasya kung ito’y katotohanan o opinyon lamang,
analisahin o tayahin.
3. Pagpapasya sa katampukan at kasapatan.
4. Pagpapasya sa kaangkupan
5. Pagpapasya sa pagpapahalagang moral
IV. APLIKASYON NG MGA KAISIPANG
NAKUHA SA PAGBASA
a. Kahulugan
1. Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa
sa karanasan ng bumabasa.
2. Maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili.
3. Pagpapahalaga sa ibang tao, pag-unawa sa daigdig na
kanyang tinatahan at ang mga bagay sa mundo na
nagpapakilos sa tao.
B. Kasanayang Napapaloob
1. Pag-uugnay ng nilalaman sa personal na
karansan.
2. Aplikasyon ng mga kaisipan sa binasa sa
kasalukuyang isyu at mga problema.
3. Pagbabalangkas ng mga prinsipyo o pamamaraan
sa pagkilos.
4. Pagsamahin ang mga kaisipang natutuhan sa
binasa sa kabuuan ng karanasan ng bumabasa.
V. PAGPAPAHALAGA
a.Kahulugan
1. Pagdama sa kagandahan mg ipinahihiwatig ng nilalaman ng
kuwento.
2. Pagbasa upang matugunan ang bisa ng sikolohiya ng
pamamaraan ng may-akda o ang masining na element nito.
3. Madama ang mga damdamin o kaisipang likha ng guni-guni.
4. Maipahayag ang mga damdamin ayon sa pamamaraan ng
may-akda.
B. Mga Kasanayang Napapaloob
Pagdama sa nilalaman ng seleksyon.
Masabi ang mga damdaming napapaloob sa seleksyo ayon sa:
a. interes
b. kagalakan
c. pagkainip h. Kalungkutan
d. pagkatakot
e. pagkayamot
f. Pagkagalit
g. pagkasuklam

You might also like