You are on page 1of 1

Tula

Buhay ko'y iyong binigyang kulay.

Sa aking paglalakbay,

Matalo man o magtagumpay

Andyan kang nakaagapay.

Sa aking pagkadapa,

Nakita ko sayong mukha ang pag-aalala

Aking napagtanto makita kang di masaya

Di ko pala kaya.

Sa pagpapasalamat ako'y di magsasawa.

Mga paalala,na musika sa aking tainga

Dadalhin ko ito hanggang sa aking pagtanda

Hanggang sa maabot ang mga tala.

Saan man ako maglakbay

Uuwi at uuwi pa rin ako sa iyong piling nanay

Pagmamahal ko sayo'y di ko ibabaon sa hukay

Dahil mahal na mahal kita higit pa sa lahat inay.

You might also like