You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 8

I. LAYUNIN
1. Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Mabatid ang uri at kaantasan ng Pang-uri.
b. Magamit ng tama ang mga pang-uri sa pakikipagtalastasan.
c. Mabigyan ng kahalagahan ang Pang-uri.
II. PAKSA: PANG-URI
 SANGGUNIAN
 Hiyas ng Lahi (panitikan,gramatika at retorika)8, 184-185
 KAGAMITAN
 Biswal o visual aids
 multimedia
III. PAMAMARAAN:
 MGA GAWAIN
 Dasal
 Pagbati
 Pagtatala ng liban
 Balik-Aral
A. PAGGANYAK
a. Magpapabasa ng mga pangungusap na may mga nakasalunguhit
na salita.
 Napakaganda ni Maam Berdan sa suot niya.
 Ang dami naman ng mga gulay na tanim mo.
 Ang kulay ng capus shirt ng mga mag-aaral ay abuhin.
 Mabaho ang pinuntahan naming palikuran.
 Napakabait niyang anak.
Ano ang iyong nababanaag sa mga salitang may salungguhit?
b. Papangkatin ang klase sa tatlong grupo at ang bawat grupo’y
may kaniya kaniyang Gawain.
 Unang pangkat ay gagawa ng skit na nagpapakita ng
naglalarawan.sa pangngalan o panghalip (3 minuto
lamang)
 Pangalawang pangkat ay gagawa ng isang senaryo o skit
na makikita sa palengke. (3 minuto lamang)
 Pangatlong pangkat ay ilarawan ang mundo sa
pamamagitan ng graphic organizer.

Gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng kabaliktaran
at ipaliwag.
Ano ang iyong napansin sa lahat na ginawa ng bawat
pangkat?
B. PAGTALAKAY SA PAKSA
 Pang-uri
 ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip.
Halimbawa:

Kulay-asul Hitsura-maganda

Bilang-anim Laki-mababa

Dami-dalawang kilo Hugis-tatsulok

 Uri ng Pang-uri
 Panglarawan
-nagpapakilala ng pangngalan o panghalip
-Ang tawag sa mga salitang naglalarawan ng katangian, kulay, lasa, anyo, hugis,
at laki ay pang-uring naglalarawan.
Halimbawa:
masipag, maganda pula ,kalbo, mabango, palakaibigan, mahiyain
 Pamilang
-nagpapakilala ng bilang,halaga o dami ng pangngalan.
Halimbawa:
Marami,mga,tatlo,kalahati,ika,pito,buo,pangalawa,sandaan
 Kaantasan ng pang-uri
 Lantay
-Naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Si Rodrigo Duterte ay matapang
 Pahambing
-Naghahambing sa dalawa oo higit pang pangngalan o panghalip.
-mas,lalo,pinaka,napaka,higit na,parehong,di gaanong magkasing,magsing at ubod
Magkasing kisig sina Piolo at Dingdong.
 Pasukdol
-katangiang nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
Halimbawa
Pinakamatangkad sa klase si Christopher.
C. PANGKATANG GAWAIN
PAMANTAYAN:
PAGKAMALIKHAIN 30%
PAGKAKAISA 20%
KAAYUSAN 20%
PRESENTASYON 30%
KABUUAN 100%
PANGKAT 1…Pumili ng dalawa o higit pang mga presidente sa ating
bansa at gamitin ang kaantasan ng pang-uri upang ilarawan ang mga ito.
PANGKAT 2…Paghambingin ang ina at ama pagdating sa usapin,
gumamit ng kabalintuang salita sa dalawa.
PANGKAT 3…Magkaroon ng debate tungkol sa kahit anung paksa at
gamitin ang iba’t ibang pang-uri
D. PAGLALAHAT
Sa ating mga tinalakay,ano magandang naidudulot nito sa ating
pakikipagtastasan sa araw araw? Nabibigyan ba ito ng halaga sa
simpleng pag-uusap lamang?
E. PAGTATAYA O PAGSUSULIT
-Tukuyin kung anong kaantasan ng pang-uri ang mga sumusunod, ito ba
ay lantay,pahambing at pasukdol.

1. Siya ay mabait na bata.


2. Ang Mt.Everest ay napakataas na bundok.
3. Mas matangos ang kaniyang ilong kaysa sa bunso niyang kapatid.
4. Higit na maputi si Ben kaysa kay Eric.
5. Hari ng kakisigan ang aking ama.
6. Mas mabango ang sampagita kaysa rosas.
7. Siya ay maganda ngunit pangit naman ang ugali.
8. Ubod ng lakas ang kalabaw.
9. Magkasing lakas ng pananampalataya sina pedro at simon.
10. Siya ang pinakamahusay sa klase.
F. TAKDANG ARALIN
Gumawa ng isang tula na patungkol sa iyong ina o ama, na may tatlong
saknong at gamitin ang kaantasan ng pang-uri.

You might also like