You are on page 1of 3

Ang kabihasnang mesopotamia

1. 1. Ang Kabihasnang Mesopotamia


2. 2. • Ang pag-usbong ng kabihasnan ay ang-ugat sa mga pag-unlad na
naganap sa Panahong Neolitiko. • Nabago ang pamumuhay ng mga tao. •
Mula sa pagiging nomad ay nagtatag ng permanenteng mga pamayanan. •
Nagsimula ring maging bihasa ang mga tao sa iba’t ibang larangan, sa
mga institusyonng pang-estado o pamamamahala, sa sistema ng
pagtatago ng mga talaan at dokumento at sa makabagong mga
teknolohiya.
3. 3. • Ang pagiging isang lungsod ay hindi nagtatapos sa pagkakaroon ng
malawak na teritoryo at malaking populasyon at pagiging sentro ng
kalakalan para sa mga magsasaka at mangangalakal. • Ang mga
kabihasnan ay karaniwang may sistema ng pamahalaan o estado na
namamahala rito. • Kaalinsabay nito ang pagkakaroon g relihiyon at
paghahating panlipunan (socila stratification).
4. 4. • Mesopotamia – nagmula sa wikang Griyego na mesos,ibig sabihin ay
“gitna” at potamos, ibig sabihin ay “ilog”. • Ang Mesopotamia ay nabuo sa
pagitan ng dalawang ilog, ang ilog Tigris at ilog Euprhates. • Ang
Mesopotamia ay matatagpuan sa Iraq. • Ang mga lupain ay mataba at
mayaman sapagkat dumanas ng taunang pagbaha. • Bahagi ng isang
rehiyon na tinatawag na Fertile Cresent
5. 5. PAMANA AT AMBAG NG SINAUNANG KABIHASANAN SA
MESOPOTAMIA
6. 6. Sumerian (5300-2334 BC) • Unang kabihasnang nabuo sa
Mesopotamia. • Unang nagtatag ng mga lungsod-estado na
pinamumunuan ng mga lugal o hari. • Ilan sa malalaking lungsod na
umusbong sa Sumer ay ang Uruk, Ur, Kish, Lagash, Umma at Nippur.
7. 7. Mga naging ambag ng Sumerian • Sistema ng pagsulat na tinatawag na
cuneiform, kung saan ang mga salita ay kinatawan ng mga simbolo o
hugis, kadalasan ay tatsulok. Ang karaniwang gamit na panulat ay stylus o
eskriba na gawa sa reed, isang uri ng halaman, at ang sulatan naman ay
tabla na gawa sa putik.
8. 8. • Mas mainam na sistema ng irigasyon at pagsasaka; gumamit ng
sinaunang uri ng araro ang Sumerian. • Paggamit ng potter’s wheel sa
pagawa ng tapayan. • Paggamit ng gulong bilang instrumento ng
transportasyon ng mga tao at kagamitan. • Code of Ur-Nammu – unang
saligang batas • Sexagesimal system – sa larangan ng matimatika.
9. 9. • Pagtatag ng mga paaralan upang ipakalat ang paraan ng pagsulat at
makapagtago ng mga talaan na pinamahalaan ng simbahan o templo. •
Pagtatayo ng mga templo bilang lugar- sambahan o ziggurat na nakalaan
lamang sa mga pari. Ang Sumerian ay naniniwala sa maraming Diyos
(politeismo) na tumutulong sa iba’t ibang aspekto ng kanilang buhay •
Unang sistema ng pagsukat ng timbang at distansya • Lunar kalendaryo
na may 12 buwan.
10. 10. Akkadian (2334-2193 BC) • Nagsimula bilang maliit na lungsod-
estado na malapit sa mga Sumerian. • Dahil sa kanilang galing sa
pakikidigma, nagapi nila ang mga Sumerian. • Itinuturing na unang
kabihasnang nakapagtatag ng isang imperyo at ito ay naisakatuparan sa
pamumuno ni Sargon I.
11. 11. Mga napagtagumpayang gawin • Nagpasimula ng isang uri ng
pamamaraan ng paghahatid ng sulat at mensahe • Paggamit ng selyo na
gawa sa putik para sa mga sulat • Pagpapangalan ng mga taon batay sa
pangalan ng haring namumuno.
12. 12. Babylonian (1792-1595 BC) • Nabuo ang kabihasnan ng mga
Babylonian mula sa mga labi na naiwan ng Imperyong Akkadian. • Itinatag
ni Sumuabum ang maliit na bayan ng Babylon hanggang sa ito ay lumaki
at naging isang imperyo sa pamumuno ni Hammurabi.
13. 13. Mga naging ambag ng Babylonian • Code of Hammurabi – isang
batas na may malupit na kaparusahan para sa mga krimen na nagawa ng
mga Babylonian. Isa rin itong gabay para magkaroon ng isang
organisadong lipunan. • pag-aaral sa larangan ng astronomiya at
matematika. • Epiko ni Gilgamesh – ang pinakamatandang akdang
pampanitikan na natuklasan sa kasaysayan ng daigdig. • Paggamit ng
mga sundial at water-clock.
14. 14. Hittite (1180-800 BC) • Naging tanyag sa pagmina ng mineral at
paggamit ng bakal bilang materyales sa paggawa ng mga armas at mga
gamit sa pangangaso. • Naimbag din nila sa kabihasnan ng daigdig ang
pagkakaroon ng talaan ng mga titulo ng lupa ng mga mamamayan nito.
15. 15. Assyrian (2500-608) • Kilalang imperyo na gumapi sa mga Hittite
at Babylonian. • Ang kanilang pinuno na si Ashurbanipal ay naging tanyag
dahil sa kaniyang pagtatatag ng kauna-unahang sistematikong aklatan sa
lungsod ng Ninevah.
16. 16. Chaldean-Neo-Babylonian (626-539 BC) • Humalili sa mga
Assyrian matapos nilang magrebelde sa pamumuno ni Nabopolassar. •
Naipatayo ang tanyag na Hanging Gardens of Babylon, isa sa mga
itinuturing na Seven Wonders of the Ancient World sa ilalim ng pamumuno
ni Nebuchadnezzar.
17. 17. Phoenician (1550-300 BC) • Kilala bilang magagaling sa
manlalayag mula sa rehiyong Levant (Lebanon) • Kabihasnan na lumikha
ng alpabeto na ponetika (phonetic), kung saan ang mga tunog ng mga
salita o titik ay may kaagapay na simbolo. • Gumamit ng ibang sistema ng
pagsulat o pictograph.
18. 18. Lydian (2000-546 BC) • Ay nagmula sa rehiyon ng Anatolia
(Turkey) na bahagi rin ng Fertile Crescent. • Tanyag sa paggamit ng mga
barya bilang uri ng salapi – kabayaran sa pakikipagkalakalan.
19. 19. Persian (550-330 BC) • Kasalukuyang matatagpuan sa Iran. •
Ang Imperyong Persian o Imperyong Achaemenid ay nagmula sa
pangalan ni Achaemenes,isa sa mga naunang pinuno ng lungsod-estado.
• Cyrus the Great – naging isang malaking imperyo na gumapi sa mga
Imperyong Assyrian at Chaldean at ilan pang bahagi ng Fertile Crescent.
20. 20. • Darius I – humalili kay Cyrus the Great. Lumawak pa lalo ang
impeyo hanggang sa ilang bahagi ng Europa at India. Mga naiambag ng
Kabihasnang Persian • Satrapy – pamamalakad pinamumunuan ng isang
satrap • Zoroatrianism – relihiyong nagmula sa mga Persian. Ito ay batay
sa mga pangaral at turo ni Zoroaster o Zarathustra. Relihiyong naniniwala
sa isang Diyos o monotheism • Ahura Mazda – kinikilalang Diyos ng
relihiyong ito.

You might also like