You are on page 1of 2

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Panimula

Bago ilahad ng mga mananaliksik ang pinakamahalagang datos at pag-aaral tungkol sa


Epekto ng mga Panunuod ng Korean Drama sa Pag-uugali at mga Pananamit ng piling Mag-aaral
sa Unang Taon ng Bachelor of Arts in English ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Taong
Panuruan 2011-2012, minabuti munang pag-aralan at kalapin ng mga mananaliksik ang
kasaysayan ng Korea nang una itong mapadpad sa bansang Pilipinas.

Ayon sa Wikipilipinas, 2007, unang dumating ang mga Koreano sa Pilipinas ng


ikalawang digmaang pandaigdig upang maghanap ng mas mabuting ikabubuhay nila.

Ayon sa Wikipedia, 2009, ang trend ng mga South Korean na mag-aral sa Pilipinas ay
nagsimula noong 1960’s. noon, ang South Korea ay isa pa lamang sa mga mahihirap na bansa at
ang Pilipinas naman ay pangalawa sa mauunlad na bansa sa Asya sumunod ang Japan.

Ayon kay Meinardus, 2005, isa sa mga iskolar, nagsimula ang operasyon ng mga
Koreanong kumpanya ditto sa Pilipinas noong 1980’s. sa dekada ring ito nagsimula ang
tinatawag na Korean wave. Ito ay ang pagtaas ng bilang ng mga turista at imigranteng Koreano
sa banda, maging ang ga popularidad ng mga Koreanong palabas at musika. Ito ang nagdulot ng
migrasyon sa Pilipinas ng mga Koreanong nagmamay-ari ng mga pagawaan at ang kanilang mga
tauhan. Noong 1990’s, nahigitan pa ng mga Koreano ang mga Hapon sa bilan ng mga bumibisita
sa Pilipinas.

Noong 2006, ayon kay Palatino, 2007 at Dela Cruz, 2007 (Wikipilipinas, 2007), ang mga
Koreano pa rin ang nangunguna sa biulang ng mga bumisita sa Pilipinas at pagdating na rin sa
kanilang mga foreign investments. Mahigit na 570,000 na mga Koreano ang bumisita sa Pilipinas
noong 2008 at nahigitan pa ang Amerika na may overseas na manggagawa at residente. Sa
ngayon, 42 flights mula South Korea ang dumarating sa Pilipinas kada lingo. Ang mga
paboritong destinasyon ng mga Koreano dito sa Pilipinas ay Maynila, Baguio, Cebu, Davao,
Dumaguete at Boracay.
Ayon naman kay Wilson, 2008, ang ilan sa mga Koreano ay pumupunta sa Pilipinas
upang magtayo ng negosyo. Marami nang makikitang Koreanong kainan, grocery stores, beauty
parlors, hotels, resorts, at bars. Ang mga ito ay makikita sa maraming bahagi ng Pilipinas, mula
Luzon hanggang Mindanao. Ang Pilipinas ay isa na rin sa mga pinakatanyag na lugar para sa
mga Koreanong magreretiro. Gusto nila ditto dahil mainit ang panahon buong taon at mura ang
mga golf courses at apartments.

You might also like