You are on page 1of 8

NASASAKDAL

Ni: Bb. Rocel D. Duaves

Mga Tauhan:

EDGARDO VILLARUEL- Nasasakdal

Mrs. VILLARUEL – Asawa ni Edgardo Villaruel

SAMUEL- Abogado ni Edgardo

ANGELIE- Tistigo

GEORGE –Kalabang Abogado

VARGAS- Judge

ALINA AT ANGELA - mga pinaslang

TAGPUAN 1: KORTE

SAMUEL: order in the court ! Ngayon ay nasa harap natin ang itinuturong nasasakdal sa pag

patay kay Alina Blasquez at Angela Suarez. Anong pangalan mo?

EDGARDO: Edgardo Villaruel po.

SAMUEL: Edad?

EDGARDO: 29 po

SAMUEL: Saan ka nakatira?

EDGARDO: Sa barangay Balintawak po.

SAMUEL: Nasaan ka noong Ika-23 ng Marso nang manyari ang pamamaslang sa dalawang

dalagita na si Alina Blasquez at Angela Suarez?

EDGARDO: Nasa bahay po.

1|Pahina
SAMUEL: Kaninong bahay at saan?

EDGARDO: Sa bahay po naming ng aking asawa, sa barangay Balintawak.

SAMUEL: Ano ang ginagawa mo ng mga panahong yun?

EDGARDO: Birthday po ng anak ko at nagdiriwang po kami ng aking asawa.

SAMUEL: Kung nasa bahay ka ng mga panahong maganap ang insidente at nagdiriwang ng

kaarawan ng iyong anak, pero bakit may nakapag sabi na hindi ka nila nakita sa bahay niyo sa

araw ng kaarawan ng anak mo.

SAMUEL: Your honor maaari na po bang hingin ang panig ng witness.(tumango ang Judge).

Angelie, maari mo bang sabihin sa amin ang iyong salaysay nang mapatunayan na ang pumaslang

ay ang nasasakdal?

GEORGE: Objection your honor, hindi pa po napapatunayan na ang nasasakdal ang siyang

pumaslang.

VARGAS: (Hammer). Pasalitain ang tistigo.

ANGELIE: Ako po si Angelie, kapitbahay ko po si Mr. and Mrs. Edgardo Villaruel. Naimbitahan po

ako sa bahay nila subalit buong araw ay hindi ko po nakita si Mr. Edgardo na naroon at nakipag

diwang sa kaarawan ng kanyang anak.

DENNIS: Your honor, paano po mapapatunayan na si Mr. Edgardo Villaruel ang pumaslang sa

dalawang dalagita. Hindi po sapat ang kanilang ebedensya.

GEORGE: Your honor, hindi pa po tapos magsalita ang aming tistigo. Bb. Angelie maari mo bang

isalaysay pa sa amin ang inyong nakita kinagabihan.

ANGELIE: (Nanginginig) Mga b-bandang alas-tres-y-medya po ng medaling araw, matapos ang

kaarawan ng anak ng aking kapitbahay na si Mr. and Mrs Villaruel lumabas po ako ng bahay para

pumunta sa trabaho nang masalubong ko po si Mr. Villaruel lulan ng kanyang s-sasakyan na

2|Pahina
maraming dugo sa katawan. Basag din po yung bintana ng kanyang sasakyan at may dugo. Maging

yung harap ng sasakyan po ay may yupi.

GEORGE: Maaari mo bang sabihin sa amin kung anong nangyari pagkatapos?

ANGELIE: Nang lumingon po sa akin si Mr. Villaruel ay dali-dali po akong nagtago. Maya-maya po

ay nakita ko si Mrs. Villaruel na nagmamadaling lumabas ng bahay at inakay ang kanyang mister.

GEORGE: Narinig mo ba ang kanilang usapan?

ANGELIE: Hindi po masyado kasi nasa distansya po ako. Ang tanging narinig ko lang po ay

tinanong ni Mrs. Villaruel kung ano ang nangyari sa kanyang asawa.

GEORGE: Maliban doon ay ano pa ang narinig mo o napansin mo.

ANGELIE: Wla napo akong ibang narinig, ang tanging napansin ko lang po ay may hinugot na baril

si Mrs. Villaruel sa likuran ng kanyang asawa.

GEORGE: Mayroon ka pa bang gustong idagdag?

ANGELIE: Wala na po.

GEORGE: Maraming salamat.

VARGAS: Ngayon ay ang panig naman ng nasasakdal ang mag-tatanong sa tistigo.

SAMUEL: Kung talagang saksi ka sa pangyayari, paano mo masasabi na si Mr. Villaruel talaga ang

pumaslang kina Alina Blasquez at Angela Suarez kung ang tanging nakita mo lamang ay ang pag-

uwi nang bahay ng nasasakdal at hindi ang aktuwal na pangyayari? (Nag ingay ang mga audience)

ANGELIE: (Hinid nagsalita)

SAMUEL: Ilang kilometro o metro ba ang layo mo mula sa kinaroroonan ng mag-asawa.

ANGELIE: Mga 15 metro po.

3|Pahina
SAMUEL: So, ibig sabihin medjo malayo na ang distansya mo, pero paano mo nasabi na narinig

mo parin ang kanilang usapan at sigurado ka rin bang malinaw na nakita mo ang detalyado ng

pangyayari tulad ng pag dukot ng barril ni Mrs. Villaruel at ang pag tago nito?

GEORGE: Objection your honor, huwag nyo pong lituhin ang tistigo.

ANGELIE: (Hindi parin nagsalita)

VARGAS: Ngayon ay pakinggan natin ang pahayag ni Mrs. Villaruel. Simulan ang paglilitis.

GEORGE: Mrs. Villaruel, nasaan ka noong ika 23 ng Marso 2019?

MRS. VILLARUEL:Noong ika ika-23 po ng Marso ay nasa bahay lang po ako at abala sa paghahanda

sa birthday party ng aming anak. Kaya po hindi napansin ng aming kapitbahay na si Mrs. Angelie

ang aking asawa ay dahil nagkulong lang po siya sa kanyang kwarto. Ang sabi niya kasi sa akin ay

masama ang kanyang pakiramdam at may sipon siya kaya ayaw niyang lumabas ng kwarto.

GEORGE: Kung gayon, bakit nakita ng ating tistigo na lulan si Mr. Villaruel ng kanyang sasakyan

at duguan?

MRS. VILLARUEL: Hindi po magagawa ng aking asawa na pumaslang sa katunayan ay wala po

siyang kahit na anong record na magpapatunay na siya ay masamang tao. Bandang alas singko

nang hapon ay nagpaalam po ang aking asawa na siya’y lalabas upang bumili ng gamot. Kaya

laking gulat ko nalang po nang Makita ko siyang duguan pag-uwi ng bahay. Wala po alamkung

ano ang nangyari.

GEORGE: So, wala kang alam kung bakit nagkaganoon ang iyong asawa? Hindi mo ba siya

tinanong kung ano ang nangyari? At bakit mo nalama na may baril sa likod ng asawa mo? At ikaw

pa mismo ang humugot nito mula sa kanyang likuran?

SAMUEL: Objection your Honor, please ask one question at a time.

GEORGE. Alright! So, paano mo maipapaliwanag ang pag kuha mo sa baril ng iyong asawa?

4|Pahina
MRS. VILLARUEL: Ang sabi po nya sa aking ay naaksidente raw po sya sa may intersection. Galit

na galit daw po yung driver nang nakabanggaan niya kaya lumabas ito at sinugod siya sa kanyang

kinaroroonan at siya’y tinutukan ng baril. May background po sa Martial Arts ang aking asawa

kung kaya’t naagaw po niya ang baril.

VARGAS: Dahil sa walang malinaw at matibay na ebedensiya ang nasasakdal ay pinapawalang

sala. (hammer)

AUDIENCE: (Sumigaw) Sinungaling ka!!! Dapat kang mabulok sa kulungan…….

5|Pahina
TAGPUAN 2 SA KWARTO (Balik-tanaw o flashback )

PAGSASALAYSAY: tatlong araw bago ang pagpapawalang sala ay masinsinang nag-usap ang mag

asawang Villaruel.

MRS. VILLARUEL: (umiiyak) Hon, ano ba talaga ang nangyari sayo kagabi ha, ba’t hindi mo

sinasabi sa akin? Tas may dala kapang baril? Saan galing yun? Hon. Magsalita ka!...

EDGARDO: Huminahon ka Hon. Wala akong ginawang masama.

MRS VILLARUEL: Anong walang masamang ginawa!? Bakit medaling-araw kana naka uwi at abkit

duguan ka at may cellphone pa ng babae sa likod ng sasakyan? At yung larawan sa wallpaper ng

phone kamukhang-kamukha noong dalagitang ibinalitang nawawala kagabi. Hon magsabi ka ng

totoo, ano ba talaga ang nangyari? (Humagolgol sa iyak)

EDGARDO: Kahit na anong mangyari hon, lagi nyong iisipin na mahal na mahal ko kayo ng aking

anak.

MRS VILLARUEL: Hon, hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang nangyari. Hindi ako

matatahimik.

EDGARDO: Naka sagasa ako.

MRS VILLARUEL: Ano?

EDGARDO: Nasagasaan ko ang dalaga.

MRS VILLARUEL: Naiwang naka tunganga.

EDGARDO: Sabik akong umuwi ng bahay kahapon para sa birthday ng anak natin pero sa sobrang

layo ng binyahe ko ay inabot na ako ng gabi at hindi ko narin nakayanang labanan ang antok.

Napa-idlip ako habang nagmamaneho at bigla akong nagising nang mapansin kong nakabundol

ako ng kung anong bagay. Akala ko, guni-guni ko lang ang lahat kaya nagpatuloy ako sa

pagmamaneho.

MRS VILLARUEL: Pagkatapos?

6|Pahina
EDGARDO: Hindi ako mapakali hon kaya binalikan ko yung lugar kung saan alam kong may

nasagasaan ako.

MRS VILLARUEL: Hindi ko parin maunawaan. Kung naka sagasa ka, ba’t may baril? At ba’t duguan

ka rin? .

EDGARDO Huminto ako sa lugar na yon at nagpa linga-linga. Wala akong maaninag buhat sa ilaw

na pinagmumulan ng aking sasakyan. Bumaba ako sa sasakyan at tiningnan ang buong kalsada

pero malinis ito. Pasakay na sana ako pabalik sa kotse ng biglang may narinig akong boses.

Tinulungan ko ang babaeng aking nasagasaan ngunit napagkamalan ako ng kasama niyang babae

na masamang tao. Baka inakala niya na sinadya kong sagasaan ang kaibigan niya.

MRS VILLARUEL: Ano na ang nangyari pagkatapos?

EDGARDO: Tumawag ako sa 211 ngunit hindi nasagot ang aking tawag. Pagkatapos nun ay

binuhat na namin ang dalaga papasok ng kotse, nagbabakasakali ako na maililigtas pa ang buhay

niya ngunit binawian narin siya ng buhay.

MRS VILLARUEL: At bakit namatay ang isa pang babae? May ginawa o kinalaman ka ba?

EDGARDO: Nang Makita niyang wala nang buhay ang kaibigan niya. Bigla siyang nag wala na para

bang wala na sa sarili. Pinapakalma ko siya pero lalo siyang nagwawala. Habang nagmamaneho

ako, napansin ko nalang na may sininghot siyang druga. Binawi ko yun sa kanya kaya nagkalat sa

paanan ko. Natakot narin ako at baka mapagkamalan akong mamamatay tao tapos makita pa

ang damit ko na may droga.

MRS VILLARUEL: Hindi ka mamamatay tao diba? Hindi mo naman diba sinasadya na masagasaan

ang dalaga.

EDGARDO: Oo, hindi ko yun sinadja pero may nagawa akong isang bagay na hindi ko dapat

ginawa hon..

MRS VILLARUEL: (Mukhang naghahanap ng paliwanag)

7|Pahina
EDGARDO: Napatay ko siya hon. Napatay ko siya. (Punong-puno ng takot at pagsisisi)

MRS VILLARUEL: Ano!? Bakit? B-bakit mo pinatay?

EDGARDO: Lalo siyang nagpanic nang mainom niya ang droga. Sinubukan ko siyang pakalmahin

pero lalo siyang nagwawala. Ang dami nang nangyari at ang bilis ng mga pangyayari. Tumakas

siya sa takot na papatayin ko siya kaya hinabol ko siya. Hindi ko siya kayang iwan sa gubat na

ganun ang kalagayan. Siya lang din ang makakapag patunay na hindi ko sinadyang patayin ang

kaibigan niya. Pero muntikan na niya akong mapatay hon. Hindi ko alam na may dala siyang baril

at tinamaan niya ako sa aking tagiliran. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko kaya inagaw ko

sa kanya ang baril at sinakal ko siya. Napatay ko siya Hon. Napatay ko siya….

MRS VILLARUEL: Wala kang kasalanan Hon, huwag kang mag-alala hindi ka makukulong.

8|Pahina

You might also like