You are on page 1of 6

1. How did you prepare for the CLE?

Lahat ng klase ng pagsusulit ay may kahalagahan sa ating buhay. Dito naa-


assess ang kaalaman ng isang estudyante at kung paano siya mag-isip bilang isang
indibidwal. Isang klase ng pagsusulit ay ang board exam [para sa atin na nag-aral at nag-
aaral ng BS Criminology, ay ang Board Licensure Examination for Criminologist]. Ang
bawat board exam ay hindi basta-basta. It needs a very intense preparation in order to
hurdle it. Board exams act as a stepping stone for our future, THEY ARE THE TRUE
TEST OF EXCELLENCE.
Hindi naging madali ang pagkakapasa ko sa board exam. Nagkaroon ako ng
anxiety during my review days due to some internal and external factors. Pero I thank HIM,
kasi, despite all obstacles, HE never missed a chance to help me in passing the board
exam.
I cannot tell the whole story kung saan ako kumuha ng motivations ko to pass the
board exam. Kasi, when we talk about motivation, we are not just talking about motivations
na nanggagaling sa ating mga love ones – family, friends, etc. We are also talking about
personal motivation – it means, mismong sa iyo nanggagaling ang motivation na iyon. At
nakukuha natin ito in our everyday lives.
So I prepared for four months [at least]. During my preparation, of course, there
were bad days din – I mean MOSTLY, bad days talaga. There were times na naa-out of
focus ako due to some distractions. Pero eventually, nage-gain ko naman ulit ‘yong
composure at focus ko. There were days din na nagkaroon ako ng doubt about sa
ginagawa ko – kung tinatahak ko ba ang tamang landas, kung ano ang patutunguhan ng
buhay ko if ever I fail, at kung ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kung hindi ako
makapasa sa board exam. Lahat ng iyon, naging part ng review days ko. Parang
DISASTER IN MY OWN SAFE HAVEN. So after months of preparation, kailangan ng
harapin ang BIGGEST QUIZ ng buhay – ang board exam. The 3-day exam was so
exhausting. Lahat na ng pressure, nadama ko sa tatlong araw na iyon. Kaya siguro hindi
na rin ako nakapagfocus sa ibang areas dahil ‘pressuredt as fuck’ talaga ako noon.
After all the anxious days of waiting, nandoon na nga, ang pinakaaasam-asam na
tagumpay - seeing my name in the list of passers…
Para naman sa mga susunod na magte-take ng board exam, ito ang mga PETMALUNG TIPS
ko:
1. ‘CARPE DIEM’
Ang board exam mga ‘tol ay hindi madali. Huwag kayong pakampante sa sinasabi nila na
‘’BASIC LANG ANG BOARD EXAM’’. Well, sila lang naman ang bumubuo sa limampung
porsyento ng ating populasyon as far as we are talking about being arrogant after taking the
board exam. Kung BASIC lang ang board exam, then how come na mayroon pa ring mga
failing examinees? So, as much as possible, CARPE DIEM - ALWAYS SEIZE THE DAY
habang nasa kolehiyo pa kayo. Walang dapat masayang na araw ng pag-aaral. Kasi iyon ang
magiging pundasyon ninyo to PASS the board exam.
2. ‘MAGPLANO PARA SIGURADO’
REACTIVE PEOPLE don’t deserve a spot in taking the board exam. WHY? Kasi being reactive
means wala kang plano sa iyong buhay. Hindi ito ONE-NIGHT STAND. Hindi applicable sa
board exam ang attitude na ‘COME WHAT MAY’. Panahon pa ng mga JEJEMON ‘yan.
3. ‘PRIORITISE’
May panahon para sa pag-aaral, may panahon para sa mga ibang bagay.
4. ‘CUT AWAY ALL DISTRACTIONS’
Parang konsepto rin ng pagpa-prioritise. Dito kasi, you can TEMPORARILY break contact sa
mga bagay na nakapagbibigay ng malaking distraction sa iyo [e.g. MOBILE LEGENDS,
DYOWA, FB, ETC.]
5. ‘REPETITION’
REPETITION is the mother of all learning. Totoo ‘yan. PROVEN AND TESTED. Isipin mo
‘yong bagay na magaling ka na ngayon. For example, basketball. Noong nagsimula ka,
MAGALING ka na ba agad? HINDI. Pero by repetition, by practice, you improve. Tandaan ha?
‘YOU ARE IMPROVING’ if you do it bit by bit and step by step. You have to start to be great.
6. ‘KEEP YOUR FAITH IN HIM’
No matter what you do, maski ano pa man ‘yan, ALWAYS ASK FOR HIS GUIDANCE.
Because HE is the source of our strength. WITHOUT HIM, hindi tayo mage-exist dito sa
mundo.
7. ‘DREAM. BELIEVE. SURVIVE’
Motto yan ng STARSTRUCK, diba? Well, applicable din ‘yan sa pagtake ng boards. DREAM
big. BELIEVE that you can do it. After SURVIVING or achieving that dream, you will be an
instant STARSTRUCK.

My former mentors/instructors/professors:
MGA LODI KO PO KAYO! Salamat mga lodi sa paghubog sa amin during our college days. Kayo po ang
tunay na dapat saluduhan ng mga estudyante at mga naging estudyante ng UNP – CCJE. DAKAYO TI
PUDNO KEN USUSTO A LODI!!! Hindi sapat ang ‘ISANG BAGSAK’ para mapasalamatan po namin kayo.

You might also like