You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of ZamboANGA Sibugay
GANGO NATIONAL HIGH SCHOOL
Gango, RT Lim, Zamboanga Sibugay

Baitang at Sekyon: 10- Ruby Oras: 11-12 pm Petsa: September 19, 2018
Pamantayang Pangnilalaman ( Content Standard)
Ang mga mag-aaral ay may pag-uunawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga local at pandaigdigang isung
pang-ekonomiya upang mapalunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang
kaunlaran.
Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-ekonomiyang nakakaapekto sa
kanilang pamumuhay.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Learning Competencies)
Nasusuri ang implikasyonng anyo ng globalisasyon sa lipunan.
I-Layunin: (Learning Objectives)
Cognitive: Matutukoy ng mga mag-aaral ang isa sa mga pinakamahalagang manipestasyon ng globalisasyon
at ang anyo ng Globalisasyon.
Psychomotor: Naipapaliwanag ang kaugnayan ng mga OFW sa Anyo ng Globalisasyon
Ekonomikal
Politikal
Teknolohikal at Sosyo-Kultural
Affective: Nabibigyan ng halaga ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng mga OFW sa bansang Pilipinas.
II- Nilalaman (Content)
1. OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
2. Globalisasyong Ekonomikal,Teknolohikal at Sosyolohikal,Politikal
III- Kagamitang Panturo
Laptop
Learners’ Manual
Curriculum Guide
Teachers’ Guide
Speaker,Projector
Bondpaper,Construction Paper
IV-Pamamaraan
A. Balik Aral s Nakaraang Aralin at/o pagsisiumula ng bagong aralin
Nakasanayang Gawain (Routinary Activities)

Panalangin Tatawagin ng guro ang prayer leader ng klase upang simulant ang
panalangin.
Panimulang Bati Matapos ang pananlangin,babatiin ng guro at ng mag-aaral ang
bawat isa.
Energizer Hihikayatin ang mga mag-aaral na sumayaw kasabay ng tugtog.

Pagtala ng Bilang ng Pumasok at Bago umupo ang mga mag-aaral,kinakailanangang malinis at


Lumiban sa Klase maayos ang paghahanay ng mga upuan.
Sa pagkakataong ito, e tsitsek ng guro ang attendance ng mga mag-
aaral. Kung sakaling may liban sa klase, tatanungin ng guro kung
ano ang dahilan ng pagliban at hahanapin ang Liham Pangliban

Pagbibigay ng Alituntunin Muling ipapaalala ng guro sa mga mag-aaral ang mga sumusunod
na alituntunin sa loob ng klase.
1. Iwasang makipag-usap sa iyong kaklase kung ito ay hindin
naayon sa paksang tatalakayin.
2. Kung may nais sabihin, itaas lamang ang isang
kamay(kaliwa o kanan) at hintaying pahintulutan kayo ng
guro.
3. Sa oras na marinig ang salitang “SILENT” ay hudyat na ito
na kayo ay maingay na at kinakailangang itigil ninyo kung
ano man ang sanhi ng pagiging maingay.
4. Ugaliin ang pag-susulat ng mga mahalagang pangyayari sa
inyong kwarderno sa Araling Panlipunan.

A.1 Balik-aral sa Nakaraang Aralin


Bago dumako sa bagong aralin, babalikang-aral muna ng klase ang mga natalakay na konsepto kahapon
tungkol sa Tugon sa mgs Suliraning Kaakibat ng Pagpasok ng mga MNC’s at TNC’S.
A.2 Pagganyak
Sa puntong ito,maghahanda ang guro ng multimedia upang ipaparinig ang isang musika o video na may
kinalaman sa mga OFW.
Hihikayatin ng guro ang mga mag-aaral na making at maobserbahan ang ipapakita na video.
Mga gabay na katanungan:
Ayon sa musika o video, ano ang ipinapahiwatig na mensahe nito?
Paano nakakatulong ang OFW sa konsepto ng GLobalisasyon?
Sino sa inyo ang may kamag-anak o kakilala na OFW?
B.Pagahahabi sa Layunin ng Aralin
Matapos ang unang gawain, ibabahagi ng guro sa buong klase ang mga inaasahang layunin para sa bagong
aralin.
Inaasahan din makamit ng mga mag-aaral ang mga layuning ito matapos ang talakayan.
C.Pag-uugnay ng Halimbawa
Ipapakita ng guro an gang isang graphic Venn Diagram kung saan ay makikita ng mga mag-aaral ang
konseptong tatalakayin sa araw na ito.
Anyo ng Globalisasyon : Ekonomikal,Politikal, Teknolohikal at Sosyo-Kultural
C.1 Pag-aalis ng Balakid
Bago dumako sa unang gawain,mag-aalis muna ng balakid ang klase.
Gamit ang Powerpoint Presentation,ipapaliwanag ng guro ang kahulugan ng mga larangan na nasa Venn
Diagram
GLOBALISASYONG EKONOMIKO- uri ng globalisasyon kung saan makikita ang progreso ng kalakalan
ng mga produkto at serbisyo ng bawat bansa mula sa iba't ibang panig ng daigdig.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL- uri ng globalisasyon kung saan matutukoy
pagunlad ng mga lumang kagamitan at paraan ng pamumuhay mula noon hanggang ngayon.
GLOBALISASYONG POLITIKAL- uri ng globalisasyon kung saan makikita kung paano
naiimpluwensyahan ng mga politikong tao at grupo ang kabuuan ng bansa at relasyon ng bansa sa
iba't ibang panig ng daigdig.

D. Pagtalakay ng Konsepto at Kasanayan #1


Para sa susunod na gawain,ang mga mag-aaral ay pupunta sa kanilang pangkat at ang bawat pangkat ay
bibigyan ng envelop. Saloob ng envelope makikita ang mga kagamitan na gagamitin para sa gawain at ang
kanilang task card.
TASK CARD
Panuto: Basahin ang artikulo sa na nasa loob ng envelope.
Matapos basahin ay pupunan ng mga mag-aaral ang graphic organizer na nasa ibaba.
Maari ninyong ibabahagi sa pamamagitan ng mga sumusunod.
a. Kanta
b. Pantomime
c. News Reporting
d. Role Playing
e. Sabayang Pagbigkas
f. Jazz Chant
g. Jingle
Mayroon lamang kayong sampung minuto upang tapusin ang gawain.
Matapos ang sampung minute, ilalahad ng bawat pangkat ang kanilang inihandang presentasyon.
Ang may pinakamataas na puntos ay 20.
MGA BATAYAN PUNTOS
5 3 2
Naibigay ng buong husay May kakaunting Maraming kakulangan sa
ang hinihinging takdang kakulangan ang nilalaman na ipinapakita
Nilalaman
paksa sa pangkatang nilalaman na ipinakita sa sa pangkatang gawain sa
gawain. pangkatang gawain. klase.
Buong husay at
Naiulat at Hindi gaanong
malikhaing naiulat at
naipaliwanang ang naipapaliwanag ang
Presentasyon naipaliwanag ang
pangkatang gawain sa pangkatang gawain sa
pangkatang gawain sa
klase klase.
klase
Naipapamalas ng halos Naipapamalas ang
Naipamamalas ng buong
lahat ng miyembro ang pagkakaisa ng ilang
miyembro ang
Kooperasyon pagkakaisa sa paggaawa miyembro sa paggawa
pagkakaisa sa paggawa
ng pangkatang gawain ng pangkalahatang
ng pangkatang gawain
sa klase. gawain.
Natapos ang pangkatang
Natapos ang gawain
gawain ng buong husay Hindi natapos ang
Takdang Oras ngunit lumampas sa
sa loob ng itinakdang pangkatang gawain.
takdang oras.
oras.

E. Pagtatalakay sa Konsepto at Kasanayan #2


Matapos ang paglalahad na ginawa, mas palalalimin ng guro ang mga konseptong ibinahagi ng bawat
pangkat sa pamamagitan ng mga larawan.
F. Paglalapat Ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay
Sa pamamagitan ng isang tanong na inihanda ng guro, isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang ideya ukol sa
katanungan:
Katanungan: Ano ang naging kontribusyon ng mga OFW sa iyong buhay?

G. Paglalahat ng Aralin
Sa puntong ito,magbibigay ng katanungan ang guro.
Mga Katanungan:
Ano ang papel na ginagampanan ng mga OFW sa mga Pilipino at sa Pilipinas bilang kabuuan/
Anu-ano ang anyo ng Globalisasyon?
Paano nakakatulong ang mga ito sa mga Pilipino?
H. Pagtataya ng Aralin
Magbigay ng maikling pagsusulit mula sa konseptong natalakay.
Panuto: Ibigigay ang tamang kasagutan sa mga sumusunod na tanong.
Bilang 1-3 Anu-ano ang mga anyo ng Globalisasyon?
Bilang 4 Ano ang pakahulugan ng OFW
5. Ambassadors
6. Facebook
7. Indiana’
8. E-Mail
9. Texting
10. K-Pop Culture

I. Karagdagang Gawain para sa Takdang-aralin at Remediation


Magtala ng mga Halimbawa ng mga Produkto o Serbsiyo na naayon sa anyo ng Globalisasyon.

V- Mga Tala

VI- Pagninilay
Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba-pang gawain para sa remediation:

Nakatulong ba nag remediation? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin

Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nag lubos? Paano ito nakatulong?

Anong suliranin ang aking naranasan at nasolusyonan sa tulong ng king punong-guro at superbisor?

Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapawa ko guro?

Inihanda ni:

LUZVIMINDA M. DAPPIE
Guro sa AP-10

You might also like