You are on page 1of 3

Iniakyat na sa ikatlong alarma ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Block 5, Brgy.

Damayang Lagi, Quezon City nitong Miyerkules ng hapon.

Patay sa saksak ang isang pedicab driver sa Navotas City matapos siyang pagtulungan ng mag-amang padyak
driver din. Ang ugat daw ng gulo, agawan sa pila. BABALA: MASELAN ANG VIDEO

Nahuli sa Tandubas, Tawi-Tawi noong March 18 ang isang giant grouper o malaking lapu-lapu.
Ayon kay YouScooper Lerieal Joe na kamag-anak ng mangingisdang nakahuli rito, umabot umano ang bigat ng
isda sa halos 250 kilos. Ibinenta raw nila ito sa palengke matapos mahuli.

Hulicam sa CCTV ang kawatang ito na nagnakaw sa tindahan kung saan nagta-trabaho si YouScooper Angie
Perez. Nangyari ito noong gabi ng March 13 sa isang tindahan malapit sa Gil Puyat LRT station.
Ayon kay Angie, natangay ng lalaki ang mahigit P7,000 sa wallet ng kanyang kasama. Paalala ni Angie, ingatan at
itabi nang maayos ang mga gamit, at kung maaari ay huwag nang magdala ng malaking halaga.

Maaaring hindi pa matapos ang kalbaryo ng ilang lugar dahil sa posibleng panibagong banta ng water supply
shortage matapos tumama sa critical ang water level ng La Mesa Dam at posible pang pagbaba nito sa darating na
tag-init.

Anim na drug suspects, kabilang ang isang menor de edad, ang naaresto sa magkahiwalay na drug buy-bust
operation sa Quezon City kung saan dalawa sa kanila ang magtatapos pa naman ngayong Marso.

Isang 16-anyos na dalagita ang ginahasa umano ng anim na lalaki na kanyang nakainuman sa Tondo, Maynila.

Tampok sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) ang nakakaantig na kuwento ng isang
ama na matiyagang naglalako ng banana cake, makalikom lang ng pondo para sa pagpapagamot ng anak na may
sakit sa atay.
Sa mga Kapuso abroad, tumutok o mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV
International para sa iba pang mga balita.

Arestado ang tatlo sa anim na lalaking nang-gang rape umano sa 16-anyos na dalagita sa Tondo, Maynila. Tila may
hinalo raw sa alak na pinainom sa biktima para agad itong mawalan ng malay. Narito ang unang balita ni Vonne
Aquino.

Hindi na matutupad ang pinangarap na magandang buhay ng isang OFW sa Australia matapos masawi. Ang
pamilyang naulila, masama ang kutob sa sanhi ng pagkamatay lalo't may mga ipinahiwatig daw kamakailan ang
OFW.
Sa mga Kapuso abroad, tumutok o mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International
para sa iba pang mga balita.

Sinabing mamamalengke lang sana ang mag-ina nang at papatawid na sa kalsada nang masagasaan ng ambulansiya, ayon sa
imbestigasyon ng pulisya.

Kuha sa drone video ni YouScooper Erik Gutierrez ang isang butanding sa Sisiman Bay, Bataan noong hapon ng
March 15.
Ayon kay Erik, nasa prenuptial shoot daw sila ng isang kliyente nang namataan nila ang butanding na
nagtatampisaw malapit sa pampang. Halos 30 minutes daw itong nanatili roon bago lumangoy papalayo.

Hinangaan ng netizens ang isang Pinay na nagligtas sa isang dayuhang turista na muntik nang malunod sa Boracay.

Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang isang lalaking nagtangka umanong gumahasa sa isang 13-anyos
na babae sa Orion, Bataan. Ang suspek, nakagat muna ng aso ng biktima bago tuluyang nakatakas.

Wala na ngang permit, nag-aalok pa umano ng extra service ang isang massage at spa clinic sa Laguna.
Sa mga Kapuso abroad, tumutok o mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV
International para sa iba pang mga balita.

Malubhang nasugatan ang isang mag-ina matapos silang mahagip ng ambulansiyang maghahatid umano ng
pasyente sa ospital sa Sta. Barbara, Pangasinan.

Naperwisyo ang mahigit 600 pasahero ng MRT matapos magka-aberya. Nagliyab ang ilalim ng isang bagon ng tren kaya
tumigil ang operasyon kagabi. Kasunod ng aberya, hahabaan pa ang magiging maintenance ng MRT sa darating na Mahal na
Araw.
Sa mga Kapuso abroad, tumutok o mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International para sa
iba pang mga balita.
Kalbaryo ang dinaranas ngayon ng mag-asawang sina Liza at Ronjing. Matapos kasi silang mapaghinalaang nagbebenta ng
ilegal na droga, nadamay na rin pati ang dalawa nilang menor de edad na anak.

Nadakip ang isang high value target na lalaki matapos siyang mahulihan ng mahigit P3 milyong halaga ng shabu sa Cebu City,
na isinilid pa niya sa condom at ibinalot sa dahon ng laurel.

"Hiram na Anak" star Yasmien Kurdi is set to graduate with a degree in Political Science from Arellano University! She shared
the great news in her Instagram account with her graduation picture she captioned "Little girls with dreams become women with
vision. #Filipina".
Congratulations, Kapuso!

Dalawang menor de edad ang na-huli cam na nagnanakaw ng mga gamit sa isang truck sa Marcos road sa
Maynila. Sa viral video na kuha ni YouScooper Reena Castro noong isang linggo, makikitang nakahinto ang mga
sasakyan dahil sa traffic.Kita ang dalawang menor de edad na lalaki na may kinukuha sa ilalim ng truck. Bumusina
naman ang mga motorista para tawagin ang pansin ng mga sakay ng truck. Wala na rin daw nagawa si Reena dahil
may hawak na patalim ang isa sa mga kawatan.
Inaresto ng NBI ang may-ari ng isang Chinese drugstore matapos makita doon ang mga ibinebentang stock ng
dried seahorse at bird's nest.

"I don't agree with what you did … you took a wrong decision, a wrong direction, but I want to believe in you. That you have
great potential in your heart," Farhid Ahmed, 59, said in an interview.

Dalawang tindahan sa Binondo, Maynila ang sinalakay ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta ng mga exotic na
hayop at halaman na nanganganib nang maubos.

Arestado ang dalawang college student na nagtutulak umano ng party drugs sa kapwa nila estudyante sa
pamamagitan ng courier service. Tinutukan 'yan ni Oscar Oida sa 24 Oras.

Pinagdurusahan din ng marine animals ang problema sa bansa sa mga basurang plastic. Isa na dito ang cuvier's
beaked whale na nakitaan ng 40 kg na plastic sa tiyan. Tinutukan 'yan ni Mark Salazar sa 24 Oras.

Kamakailang naibalita ang isang balyenang namatay na may 40 kilo ng plastic sa kanyang tiyan. Saan ba
nanggaling ang problema ng Pilipinas sa plastic waste at paano ito masosolusyunan? Narito ang isang Cover
Stories special ng GMA News Online tungkol dito.

Nababahala na ang ilang marine biologist sa kabi-kabilang pagkamatay ng marine animals dahil sa nakaing plastic.
Sa Compostela Valley, 40 kilo ng iba't ibang uri ng plastic ang nakita sa tiyan ng isang balyena. May report si Mark
Salazar sa State of the Nation with Jessica Soho.

Ang dating may sakit sa cancer na si Albien Emmanuel Gacias, doktor na ngayon! Buhay na patotoo siya na sa
pag-abot ng mga pangarap, hindi hadlang ang anumang hirap. Iyan ang #GoodNews ni Ivan Mayrina sa 24 Oras.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang lubhang delikado sa banta ng climate change kaya dapat paghandaang maigi
ang pagtaas pa ng ating pangangailangan sa tubig. Ayon kasi sa isang pag-aaral, hindi malayong maranasan din
ang problema sa tubig sa iba pang pangunahing siyudad sa bansa. Narito ang special report ni Jun Veneracion
sa 24 Oras.

Nahuli na ang suspek sa pagkitil sa buhay ng isang 75 taong gulang na lola. Pinatay niya at ng kanyang
kinakasama ang matanda dahil lang naningil ito ng utang na halos isang taon na nilang hindi pa
nababayaran. #Imbestigador

Dalawa ang patay habang isang bata ang sugatan sa pagsabog sa isang ilegal umanong pagawaan ng improvised
blasting caps sa Sto. Tomas, Batangas. Mula sa Sto. Tomas, Batangas, nakatutok si Chino Gaston sa 24 Oras.

Bakit nga ba naisipan ng 100-taong-gulang na si Lolo Pablito at 78-anyos na si Lola Dalisay, na magpakasal pa,
kahit subok naman na ang tibay ng kanilang pagmamahalan na inabot na ng 50 taon?

Bahagyang bumagal ang Bagyong #ChedengPH pero patuloy itong magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng
Mindanao. Maging #IMReady!

Kulong ang isang pulis sa Malolos, Bulacan na bumaril umano sa isang babae. Ang ugat ng krimen, tsismis na
pinag-awayan daw ng biktima at ng ka-live in ng suspek. Narito ang report ni Lala Roque.

A crab gets trapped inside a plastic cup floating near the surface in Caban Cove, Batangas.
Noel Guevara posted this photo while he was diving around Maricaban Island on assignment for Greenpeace for
their campaign.
In an underwater exploration conducted by Greenpeace, single-use plastic sachets were found between, beneath,
and on corals, and the seabed.
Guevara said that Filipinos who are consuming and discarding nearly 60 billion sachets each year, the solution lies with
everyone, not only to dispose of waste properly but more im
Photographer Noel Guevara took photos of plastic debris found on the waters of Verde Island, the center of global
marine biodiversity.
He posted these photos while on assignment for Greenpeace Philippines and Greenpeace International to call out
companies and compel them to stop producing and break free from plastic to save people from plastic addiction.
Guevara said that they were able to photograph and film tens of plastic debris. He also added that plastic takes
hundreds of years to disintegrate, and even then it just breaks down into microplastics and is eaten by fish, which are in turn
eaten by humans.
Majority of the plastic debris collected were sachets of shampoo, toothpaste, coffee tetra packs, noodles packaging, and plastic
bottles.
Photo courtesy: YouScooper Noel Guevara
Kung nag-iisa, tila wala namang espesyal sa isdang sardinas. Pero kapag nagbuklod ang mga ito, isang
nakamamanghang pangyayari na tinatawag na Sardine Run ang nakikita sa mga dagat ng Moalboal sa Cebu.

Maraming Pilipino ang nakararanas ng matinding kirot at sakit dulot ng iba't ibang klase ng karamdaman tulad ng
cancer. Pero iilan lang ang nakakukuha ng gamot para maibsan ang sakit, dahil bukod sa sobrang mahal ay
mahirap din mabili dahil regulated. Hanggang kailan nga ba nila kailangang magtiis?

You might also like