You are on page 1of 9

ood additives at preservatives sa pagkaing de-lata

By Dr. Luis Gatmaitan M.D (Pang-Masa) - April 29, 2016 - 10:00am

NAPAKARAMING kemikal na idinadagdag sa ating mga kinakain sa araw-araw. Hindi natin ito nare-realize
sapagkat nakahalo nga ito. Kung kakain tayo ng mga pagkaing de-lata, hindi natin naiisip na kaya hindi
nabubulok ang pagkaing laman nito ay sapagkat maraming preservatives na taglay ito. Pansinin na ang
kay tagal ng expiry date na nakalagay sa plastic o latang sisidlan, patunay na maraming kemikal ang
nakahalo upang mapanatiling sariwa ito sa paglipas ng panahon.

Wala talagang tatalo sa pagkain ng sariwang gulay, prutas, karne, itlog, o manok. Pero sadyang hindi
natin naiiwasan na makakain tayo ng mga pagkaing may preservatives. Lamang, dapat ay bawasan natin
ang pagkain ng mga ito, kung posible.

Ang mga artificial sweetener na saccharin at cyclamates ay may kaugnayan sa pagkakaron ng kanser sa
pantog. Ang tannic acid na matatagpuan sa alak at prutas ay puwedeng magbigay-daan sa kanser sa atay.
Ang aflatoxin, na matatagpuan sa maantang mani, gatas, at mais, ay nauugnay din sa kanser sa atay,
sikmura, at bato. Pati nga ang artificial sweetener na aspartame (na nakikita sa mga inuming cola na may
label na “light” o “zero”) ay nauugnay din sa pagkakaroon ng kanser.

Ang pagkain ng mga dairy products at karne na maaaring kontaminado ng steroids at antibiotiko ay
nagtataas din sa panganib ng pagkakaroon ng kanser. Ang mga ganitong food additives, kung papansinin,
ay nagtataas sa panganib na magkaroon tayo ng kanser.

Heto ang ilang food additives na dapat iwasan o bawasan:

• Aspartame: Chemical sweetener na nakikita sa Equal at NutraSweet

• Saccharin: Artificial sweetener na ginagamit sa Sweet ‘n Low.

• Monosodium Glutamate (MSG): Nagpapasarap o nagbibigay ng dagdag na flavour sa pagkain.


• Butylated Hydroxyanisole (BHA) at Butylated Hydroxytoluene (BHT): Inihahalo para hindi umanta ang
mantika o matatabang pagkain

• Nitrites: Preservative na inilalagay sa mga karneng iimbakin para hindi ito mabulok o magbago ang lasa
gaya ng corned beef, tocino, longganisa, at iba pang de-lata

• Sulfur Dioxide, Sodium Bisulfite, Sulfites: Ginagamit para mapanatiling sariwa ang dried fruits at dried
shrimps.

• Yellow Dye No. 6: Ginagamit sa kendi at softdrinks bilang pampakulay

• Citrus Red Dye No. 2: Ginagamit na pangkulay sa balat ng orange

Go to the profile of Alyssa Sadorra

Alyssa Sadorra

Nov 11, 2018

Epekto sa katawan ng mga pagkaing na-proseso tulad ng de-lata, instant noodles, at iba pa

Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging mahilig kumain, kaya naman palagi tayong kumakain na
parang walang kabusugan. Sa kadahilanang ito hindi natin masyadong napapahalagahan kung ano ba ang
masustansya at nakakasama para ating katawan, ang mahalaga sa atin ngayon ay ito ay masarap at
nakakamit ang satispaksyon ng kabusugan. Sa panahon ngayon wala ng oras ang mga tao upang
maghanda ng masustansyang pagkain, sapagkat natatabunan ito ng mga gawain na nagdudulot upang
mas tangkilikin ang mga prosesong pagkain o tinatawag na instant food.
Ano nga ba ang mga na-prosesong pagkain? Ito ang mga pagkain na karaniwan nating makikita sa mga
de-lata na kaunting init lamang ay maaari nang kainin. Ang mga ito ay nakakatulong sa atin ngayon dahil
na rin sa labis na kawalan ng oras upang makapagprepara ng mga masustansya at nakabubuti para sa
ating pangangatawan. Ngunit ito rin ay mayroong masamang epektosa ating katawan.

Mga masasamang epekto sa madalas na pagkain ng mga na-prosesong pagkain:

1. Problema sa bato

Ang mga na-prosesong pagkain ay may mataas na lebel ng sodium, phosporus, at iba't ibang artipisyal
na pampalasa. Ang madalas na pagkonsumo ng mga sangkap na ito ay maaaring makasama sa ating
kalusugan, partikular na sa ating bato. Maaring magdulot ng pamumuo ng bato (kidney stones) na
maaaring magdulot sa pagbara ng daluyan ng ihi.

2. Altapresyon

Nakakaapekto sa presyon ng dugo ang mataas na lebel ng sodium. Sa sobrang pagkonsumo nito
tumataas ang presyon ng dugo at nakararanas ng altapresyon o high blood pressure. Kung ito'y
mapapabayaan, mahahantong ito sa stroke o atake sa puso.

3. Malnutrisyon

Sa araw-araw na pagkonsumo ng mga na-prosesong pagkain hindi na nito natatapatan ang wastong
pangangailangan ng ating katawan pagdating sa mga sustansya na ating kailangan. Sa kadahilanang
limitado lamang ang mga bitamina, mineral at iba pang mahahalagang sustansya, malnutrisyon ang
kahihinatnan ng mga indibidwal na umaasa lamang sa mga ganitong uri ng pagkain.

Hindi tama na araw araw tayong nag-uulam ng de-lata. isa sa panganib nito sa ating kalusugan ay ang
kemikal na bisphenol A. ang bisphenol A ay ang nilalagay sa lining ng de-lata at ito ang nagsisilbing
pangprotekta upang di mapunta ang metal at aluminum sa pagkain. Maari itong makaapekto sa ating
hormone. Mas delikado ang pagkain ng de-lata para sa mga nagbubuntis, maaari nitong maapektuhan
ang reproductive system ng sanggol. Ang mga tao ngayon ay mas nahuhumaling kapag mas mapula ang
karne ngunit laging tandaan na mas mapula ang karne mas maraming preservatives ang nakalagay. Hindi
naman masama ang pagkain ng mga nakade-latang pagkain ngunit kung ito'y aaraw- arawin dito na
nagsisimula ang problema, ang bunga nito ay chronic poisoning na nangangahulugang dahan-dahang
paglason sa iyong katawan, sa pagkain ng mga ganitong klaseng pagkain ay nagdudulot na magkaroon ng
kanser at maapektuhan ang lahat ng parte ng katawan. Maaari din itong magdulot ng hypertension at
obesity. Payo pa ng mga eksperto tignan mabuti ang label ng isang produkto, kung marami itong sangkap
na kemikal mas delikado sa ating kalusugan, hinay-hinay rin sa pagkonsumo ng mapupulang produkto
gaano man ito kasarap iba na ang nag iingat kaysa magsisi sa huli pagdating ng matinding karamdaman.

Ang pagkain ay napakaimportante sa buhay ng isang tao pati na rin sa ating kalusugan. Ang wastong
pagkain ay isang malaking bagay para sa ating kalusugan. Mahalaga ang pagkain ng mga
masusustansyang pagkain, hindi na importante kung ito'y inangkat galing sa ibang bansa at kung ito'y
mamahalin ang mahalaga ay masustansya ito para sa ating kalusugan. Makatutulong ang pagkain ng mga
luntiang dahong gulay, sarieang prutas at pag-inom ng gatas at tubig at pag-eehersisyo para maiwasan
ang pagkakasakit.

Ayon sa pag aaral ng mga researcher sa Bayer at Harvard University sa Amerika, mas mataas ang
posiblidad na makaranas ng stroke at dapuan ng sakit sa puso ang mga taong madalas kumain ng instant
noodles.

Taglay ng instant noodles ang isang uri ng preservative na hinahalo sa maraming uri ng pagkainparaito ay
magtagal.

Lumabas sa pag aaral na ang sangkap na preservative na inihahalo sa instant noodles ay walang
benepisyo sa kalusugan at hindi rin kayang tunawin ng katawan.

Ito ay magiging sanhi ng paghina ng metabolismo na maaari namang humantong sa pagkakaron ng sakit
sa puso, stroke at iba pang sakit.

Ulat ni: Anabelle Surara

Mga Paboritong Pagkain

Martes, Pebrero 10, 2015

Katakam-takam ngunit masama sa kalusugan...


Ano ang madalas mong kainin?Mahilig ka ba sa mga maaalat na pagkain na nagtataglay ng mataas
na gramo ng Monosodium Glutamate (MSG)?Sa mga inuming may taglay na alcohol katulad ng
softdrinks? O di kaya nama’y sa mga street foods ?Alam mo ba kung anu-ano ang epekto nito sa ating
kalusugan?

Likas na sa atin lalo na sa ating mga Pilipino ang pagiging mahilig kumain, takot raw kasi tayong
magutom. Kaya naman maya’t maya tayong kumakain na parang walang kabusugan.

At dahil sa ugali nating ito minsan hindi na natin naiisip kung ano ba ang dapat nating kainin, kung
masustansya ba ito o makasasama sa ating kalusugan, ang mahalaga ay masarap ito at tayo’y nabusog. Di
nga ba’t nagkalat ang mga nagtitinda ng street foods sa kahit saan? Alam mo bang pwede kang
magkasakit ng Hepatitis sa pagkahilig sa inihaw lalo na sa masarap at paborito ng lahat na isaw? Alam
mo rin bang may posibilidad na magkaroon ka ng cancer sa pagkain ng inihaw? Ayon sa pagaaral, ang
pagkain sa sunog na parte ng inihaw na pagkain ay pwedeng maging dahilan ng cancer, dahil hindi ito
natutunaw at naiiwan lang sa ating katawan. Pwede ka ring makakuha ng iba’t ibang mikrobyo sa
pagkain ng mga pagkain sa lansangan dahil sa polusyon sa paligid. Ang pagkakaroon ng diarrhea o
pagsusuka ay ilan lamang sa mga sakit na maaari mong makuha kung di ka magiingat.

Ang pagkahilig naman sa mga inuming may alcohol katulad ng softdrinks, ay maaaring magresulta sa
diabetes dahil ang isang bote nito ay mayroong 10 kutsaritang asukal.Gayundin ang pagkakaroon ng
Urinary Track Infection o UTI na karaniwan ng sakit ng mga tao ngayon. Bihira na lang siguro ang wala ng
sakit na ito dahil magamot man ang nasabing sakit, babalik at babalik rin ito sa oras na uminom kang
muli ng inuming makakatrigger dito upang muling maging aktibo. Bilang estudyante, nasasaksihan ko sa
araw-araw na pagpasok sa paaralan ang pagkahilig ng marami sa softdrinks. Ito kasi ang karaniwang
pamatid uhaw na makikita sa kahit saang tindahan. Bakit nga ba marami ang nahihilig sa ganitong
inumin? Una, masarap. Pangalawa, nakakapresko, dahil lagi itong available na ice cold. At ang pangatlo,
MURA! Totoo! mura ang softdrinks. Kadalasan ang isang bote ng inuming ito ay nagkakahalaga ng pito
hanggang sampung piso, 8oz. Ngunit ang tubig? Yung pinakamaliit na bote kadalasan ay halagang
sampung piso! Kaya naman mas madalas itong bilhin ng mga estudyante. Aanhin mo nga naman ang
tubig kung may mas murang pamatid uhaw na masarap at may kulay?
Instant noodles, chichirya, burgers, pizza, french fries o mas kilala sa tawag na junk foods. At mula sa
pangalan nito ay literal ang ibig sabihin nito na hindi masustansya . Pero aminin man natin o hindi lahat
tayo hilig ang mga pagkaing ganito. Masarap kasi, at ito narin ang karaniwang makikita nating pagkain sa
ating paligid. Sa umaga pa lang puno na ng betsin ang ating mga kinakain. Halimbawa na lamang ang
instan noodles. Alam mo ba na ang pagkaing ito ay umaabot ng ilang oras bago matunaw sa ating
katawan?

Na maaaring magdulot ng metabolic syndrome dahil napupuwersa ang ating digestive system na tunawin
ito. Ayon sa pagaral ng US Recommended Dietary Allowance (RDA) ang ang isang tao ay dapat
kumukonsumo ng 2,400mg lamang ng sodium sa isang araw, ngunit nakita rin sa nasabing pagaaral na
ang isang pakete ng instant noodles ay may taglay na 830mg na napakataas para sa isang pagkain
lamang. Ang pagkain nito ay pwedeng magresulta sa sobrang konsumo ng sodium lalo pa at karaniwang
sangkap rin sa iba pa nating pagkain ang sodium. Napakasama sa kalusugan hindi ba? Pwede itong
magdulot ng type 2 diabetes, problema sa digestive system, posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso,
sakit sa bato at atay, pwede rin itong makaapekto sa pagiisip at ang pinakamatinding epekto?mataas na
posibilidad ng pagkakaroon ng cancer. Gayundin ang masamang pwedeng maging epekto ng madalas na
pagkain ng mga junk foods.Marami ang nahihilig dito sapagkat mabilis itong makapagpataas ng enerhiya
ng katawan. Ngunit hindi nila napapansin na kung gaano kabilis ang pagtaas nito ay ganoon rin kabilis
bumaba na nagreresulta sa muli nilang paghahanap ng makakaing junk foods. Ang karaniwang sintomas
nito ay pagiging matamlay o di kaya'y sobrang taba. Madalas ang mga taong mahilig sa ganito ay walang
ganang kumain ng kanin, naninilaw, nahihirapang magfocus at iritable.kaya makabubuti ang pagiwas at
paglimita sa pagkaing ito.

Alam nating masarap kumain. Ngunit lagi sana rin nating isipin kung ano ang pwedeng idulot ng ating
kinakain sa ating kalusugan. Hindi masamang tumikim ng mga pagkaing uso, ngunit sana isipin natin na
lahat ng sobra ay masama. Palagi sana nating isipin ang ating kalusugan upang magkaroon tayo ng
malusog at masayang buhay. J J J

Michelle Lincallo sa 3:06 AM


Ibahagi

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Home

Tingnan ang bersyon ng web

Tungkol sa Akin

Michelle Lincallo

Tingnan ang aking kumpletong profile

Pinapagana ng Blogger.

pananaliksik naman ng > 9treet 8oods in ADDA, Ghana? =ow 9a8e are;heyF@ pinunto nina Patien$e
Mensah, :orothy Yeboah-Manu, Kwaku Ewusu-:arko,at Anthony Ablordey %())(* na, Maraming sakit ang
maaring makuha sa madalas napagtangkilik sa pagkaing kalye. Ang mga sakit ayon sa mga pananaliksik,
ay :iarrhea,=epatitis, =epatitis A at =epatitis 2 at ;yphoid #e'er. Ang mga ito ay nakukuha sapamamagitan
ng pagtangkilik ng mga pagkain na kung saan dinapuan na ng bakterya. Ang diarrhea ay nakukuha naman
sa hindi malinis na inumin. Ang hepatitis ay isangsakit na kung saaan tinatamaan ang atay, at nakukuha
sa paghahalo-halo ng mganakakalasong bakterya at bayrus. Ayon kanina Muinde Ek at 7. Kuria %())1* sa
pananaliksik na >=ygieni$ and9anitary Pra$ti$es o8 6endors o8 the 9treet@, ;atlumpu<t limang
bahagdan %15* ng mgabendor ay nasa taong dalawapu %()* hanggang dalawampu<t lima %(1*.
Animunnapungbahagdan %)5* ng mga bendor ay lalake at apatnapung bahagdan %)5* naman
angbabae. 9a kanilang pananaliksik animnapu<t dalawang bahagdan %(5* ng mga bendor ay pag-aaral
lamang sa Primarya ang natapos. Gayun din sa kanila animnapu<t isangbahagdan %+5* ng mga bendor
ay natutunan ang pagluluto ng kanilang tinda sapamamagitan lamang ng pagmamasid, tatlumpu<t apat
na bahagdan %5* ay minanasa kanilang mga magulang at limang bahagdan %15* ay sa pagsusubok-
subok. 4to aynangangahulugan na mataas ang porsyento ng mga bendor ang hindi alam kung anoang
tamang pagluluto at ang malinis na paraan ng paggawa nito. Ang :iarrhea naman, ayon sa 3orld =ealth
ErganiBation ay isang sakit na kungsaan nauubos ang tubig na nasa ating katawan, ito ay dahil sa
bakterya na nakuha samga maruruming pagkain. Ang =epatitis ay isang sakit sa atay kung saan inaatake
ngmga bakterya ang mga mahahalagang parte sa katawan ng tao tulad ng atay, lapay atbato. Ang
=epatitis A ay isang sakit sa atay na hindi naman ganoon kalala, ngunit maariparin itong ikamatay,
nakukuha ito sa maruming tubig at maruming pagkain. Ang
=epatitis 2 naman ay sakit mataas ang tsansa na mamatay, dahil inaatake ng =epatitis2 bayrus ang atay
na nagreresulta sa >Dhroni$ !i'er :isease at Dhroni$ 4n8e$tion@. AngDhroni$ !i'er :isease ay sakit sa atay
kung saan unti-unting nawawalan ng sustansyaang atay na nagreresulta sa pagliit nito at pag tumagal
pagkamatay nito. Ang ;yphoid#e'er ay sakit kung saan nagsimula sa 9almonella ang salmonella ay
nakukuha rin samga maruruming pagkain at tubig. Nakuha mula sa %www.who.int.en*Nasasaad naman
sa 4mplementing ules and egulations o8 Dhapter 444 #ood7stablishments o8 the Dod on 9anitation
o8 the Philippines %+//1* 9eksyon 444 D nadapat lahat ng karne ay kinukuha sa tamang katayan, at
nakalisensya sa pamahalaan. Ang mga lamang dagat ay nagmumula sa malinis na dagat, hindi sa
nakontamina ngmga basura. Ang mga bendor ay dapat nasa tamang kaayusan. Nagsusuot ng
tamangdamit at malinis ang mga kamay. Nararapat ding ang buhok ay nakatali, o naka >hair net@, ang
mga kuko dapat ay natriman. =abang nasa trabaho iwasan ang pagbahing atpaninigarilyo kasi maaring
makontamina ang pagkain. :apat ang pinaglulutuan aymalinis, dapat ang pinaglulutuan ay nasa isang
saradong lugar at nasa tamangtemperatura. Ang mga nalutong pagkain ay dapat takpan at ilayo sa lugar
na maaringmahanginan o maarawan. Ang pinaglulutuan dapat ay malayo sa mga kanal, oanumang lugar
na may basura o basurahan. =igit sa lahat dapat ang pagkaing nilulutoay bago at hindi bulok, ganun din
sa inumin, dapat ito ay hindi kontaminado at nasalangmabuti. Ayon sa Urban #ood and 7mployment
in :e'eloping Dountries %+//0* ang mganagtitinda ay kadalasang hindi nakapagtapos ng pag-aaral at
hindi nasanay sapaghahanda ng pagkain. Madalas nagtratrabaho din sila na hindi man lang iniisip
angkalinisan at kaligtasan ng mga mamimili. Kaya, ayon sa mga pananaliksik, nagpapakita

Kalusugan.ph

BUKSAN ANG MENU

MASASAMANG EPEKTO NG PAGKAIN NG INSTANT FOOD

Sa panahon ngayon na ang mga tao ay abala at walang sapat na oras upang makapaghanda pa pagkain
na kakainin, usong-uso ang mga instant food. Konting init lang o konting buhos ng mainit na tubig, at
ilang minuto lang ng paghihintay, agad na mayroon nang pagkain. Sa kasamaang palad, ang mga
pagkaing “instant” ay kadalasang kulang sa nutrisyon na kinakailangan ng tao sa araw-araw, bukod pa sa
taglay nitong mga sangkap na maaaring makasama rin sa kalusugan. Kaya naman, kung mapaparami ang
pagkonsumo sa ganitong uri ng pagkain, hindi malayong magkaroon ng problema sa kalusugan.

IMG_9449

ANO ANG MASASAMANG EPEKTO NG MADALAS NA PAGKAIN NG INSTANT FOOD?

Problema sa bato (kidney)


Ang mga instant food ay kadalasang may mataas na lebel ng sodium, phosphorus, at mga artipisyal na
pampalasa. Ang pagkonsumo sa mga sangkap na ito, kung mapaparami, ay maaaring makasama sa
kalusugan, partikular sa mga bato. Maaari itong magdulot ng pamumuo ng bato (kidney stones) sa mga
bato at magdulot ng pagbabara sa daluyan ng ihi.

Altapresyon

Ang mineral na sodium na mataas din sa mga instand food ay nakaaapekto sa presyon ng dugo. Kung ang
lebel nito sa katawan ay tataas nang husto mula sa sobrang pagkonsumo ng mga instant food, malamang
ay tumaas ang presyon ng dugo at maranasan ang kondisyon ng altapresyon o high blood pressure. Ang
kondisyong ito ay hindi biro sapagkat kung mapapabayaan, maaari itong humantong sa stroke o atake sa
puso.

Malnutrisyon

Dahil pa rin sa dalas ng pagkain ng mga instant food, posible na hindi matapatan ang pang-araw-araw na
pangangailangan ng katawan sa iba’t ibang mahahalagang sustansya. Ito’y sapagkat limitado ang mga
bitamina, mineral at iba pang mahahalagang sustansya na matatagpuan sa mga pagkaing instant.
Malnutrisyon ang maaaring kahinatnan ng mga indibidwal na aasa nang husto sa mga ganitong uri ng
pagkain.

Mga Bagong Artikulo

HIV/AIDS sa Pilipinas: 9,264 na kaso naitala noong 2016

Temperatura sa Maynila, umabot ng 34.7 C! Narito ang mga health tips ngayong tag-init

DOH, naghahanda na laban sa Zika virus

Mga kaalaman tungkol sa Zika virus

Mga sakit at kondisyon na konektado sa pananakit ng sikmura

© 2014-2015 GIDEON LASCO MD AT KALUSUGAN.PH

You might also like