You are on page 1of 6

“El Filibusterismo: Sa Pagiging Tanglaw ng Bayan”

Suring-basa sa akdang “El Filibusterismo”

ni: Jose Rizal

Ipinasa ni: Angela Piguing | X-Lawrence


Buod

Labintatlong taon na ang nakalipas mula ng mamatay si Elias at si Sisa. Pasahero


sa bapor ng Tabo ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani at si Basilio. Si Basilio ay
dumating sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si
Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra.
Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; upang maitago ang
ganitong lihim, tinangka patayin ni Simoun si Basilio. Noong ito ay hindi naituloy
ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa
Pamahalaang Kastila, na kung saan tumanggi si Basilio dahil gusto niyang matapos
ang kanyang pag-aaral. Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños,
ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa kanya upang
magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di
napagtibay sapagkat napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga
prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa
anupamang pamalakad ng nasabing akademya Pagkaraan ng dalawang buwang
pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo
kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong
pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang
lampara na may hugis-granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang
ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Sa isang dako
naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat
upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun. Mag-iikapito pa
lámang umalis sa bahay upang di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si
Basilio ay sisinod sana ngunit namalas niyang dumating si Isagani, ang naging
katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas ngunit di siya
pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana
subalit hindi rin napatinag ang binatang ito. "Nanlalamlam ang lampara," ang
pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari
Irene, ang mitsa." Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito
sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang
paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybáyin
ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang
mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag pahúli nang buháy. Ipinagtapat
niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya dito ang malungkot na
kasaysayan ng kanyang búhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa
Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at
pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at
makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na
mangungumpisal ay namatay si Simoun. Sa nais na maiwaksi ang napakalaking
kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa
pagtatanim ng mga buktot na gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan
ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

I. Panimula

A. Uri ng Panitikan

Ang El Filibusterismo ay isang nobela na orihinal na isinulat sa wikang Kastila at


unang nailimbag noong 1891 sa F. Meyer van Loo Press ni Ghent.

B. Pagkilala sa May-Akda

Si Gat José Protacio Rizal Mercado y Realonda, mas kilala sa katawagang Jose Rizal,
ay isang illustradong Pilipino na nakipaglaban para sa bayan gamit ang kanyang talino
at talento sa pagsusulat. Siya ay ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo 1861 at namatay
noong ika-30 ng Disyembre 1896. Naging kabilang siya sa “La Liga Filipina” at “La
Solidaridad” na gumagamit ng panulat at papel upang magising ang mga Pilipino
laban sa mga mananakop na Kastila.

C. Layunin ng akda

Ang layon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang ito ay upang magising ang diwa ng mga
Pilipino sa paglaban sa ating mga karapatan sa bayan.

II. Pagsusuring Nilalaman

A. Tema o Paksa ng Akda

Ang tema ng akda ay patungkol sa patriotismo. Ngunit sa bandang huli, ang


magiging kalaban pala ng sarili ay siya ring pagmamahal sa bayan, na siyang
nagpapalutang ng isang isyu sa lipunan. Sa pagiging makasarili ay naudlot ang
rebolusyong inaasahan ni Simoun.

B. Mga Tauhan sa Akda


Ang mga tauhan sa El Filibusterismo ay maaaring likha ng isip, ngunit ang mga ito
ay nakabase sa mga kalagayan ng mga Indio at ng mga Espanyol sa panahon ng ika-19
na siglo. Sila ay dinisenyo sa gawing paraan upang makapukaw ito sa isipan ng mga
Pilipino dahil ang mga buhay nila ay tila naihahalintulad sa sitwasyon ng mga Pilipino
ngayon.

Si Simoun ay ang mayamang mag-aalahas na nagsusuot ng salamin de tinta. Siya ay


ang balatkayo ni Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin upang maipaghiganti ang mga
masasalimuot na pangyayari na kanyang naranasan at upang mailigtas si Maria Clara
sa kumbento.

Si Isagani naman ay isang manunulat at makata, mula sa Ateneo de Municipal na


dating katipan ni Paulita Gomez na isang magandang binibini. Siya din ay pamangkin
ni Padre Florentino, at amain naman ang tingin niya sa pari. Siya ay isa sa mga
naghangad na magkaroon ng akademya para sa wikang Kastila sa bansang Pilipinas.
Siya ay nangako na bayan ang kaniyang uunahin ngunit sa bandang huli'y sinabotahe
niya ang balak ni Simoun na pasabugin ang bahay ni Kapitan Tiago kung saan
nagtipun-tipon ang mga prayle at iba pang Kastila, noong si Paulita ay ikinasal kay
Juanito Pelaez na isang mestizo at isa sa mga mag-aaral na nabanggit sa akda.

Si Kabesang (Telesforo) Tales ay naghahangad ng karapatan upang kanyang


makuha ang pag-aaring lupang sinasakahan na inagaw ng mga prayle sa kaniya. Hindi
siya nagnanais ng gulo, ngunit ang totoo ay di dapat magkaroon ng lupang pagmamay-
ari ang mga prayle kung kaya't siya'y makikitang lumalaban sa kanyang karapatan
bilang isang magsasaka na Indio. Si Tandang Selo ay ang ama ni Kabesang Tales.

Si Basilio ay unang nakita sa Noli me Tangere bilang isang kampanero, na


nagtungong Maynila upang makapagaral kapalit ang pagiging alila niya kay Kapitan
Tiago na may mga agam-agam, kasama na ang pagtitiis sa gutom. Sa El Filibusterismo
siya ay naging ganap na doktor at naging kasintahan ni Juli na naging alila naman ni
Hermana Penchang. Dahil hindi niya ipagpapalit ang sarili para lamang sa kalayaan ni
Kabesang Tales ay tumalon siya sa bintana matapos na makausap si Padre Camorra na
isang pari na mukhang isang artilyero, na prayle ng Tiani, San Diego dahil sa himok ni
Hermana Bali. Si Padre Irene naman ay isang pari na kung saan ang mga motibo niya
ay nagtatalo. Siya ay madalas bumisita kay Kapitan Tiago at inaabisuhan naman niya
ang Kapitan Heneral.

Si Placido Penitente ay isang matalinong mag-aaral na nagmula sa Batangas at nag-


aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, upang maging abogado. Tulad nina Basilio at
Isagani, sila ay kabilang sa grupo ng mga mag-aaral na nasa isang asosasyon, kasama ni
Macaraig na isang Indio na nagmula sa isang mayamang angkan, nag-aaral din upang
maging abogado. Siya ay aktibong nakikipaglaban sa pagtatag ng Akademya ng
Wikang Kastila.

Si Ben Zayb ay isang manunulat at mamamahayag na ang pangalan ay isang


anagram sa “Ibañez”. Siya ay kolumnista ng “El Grito de la Integridad”. Si Quiroga
naman ay isang Intsik na mangangalakal na nagnanais na magkaroon ng konsulado
ang Pilipinas.

C. Tagpuan

Ang El Filibusterismo ay isinulat sa ika-19 na siglo sa bansang Pilipinas, at ang mga


pangyayari ay nagaganap sa Maynila.

D. Balangkas ng mga Pangyayari

Banayad ang takbo ng mga kuwento, na minsan ay bumabalik sa mga pangyayari sa


Noli Me Tangere. Ang El Filibusterismo ay nagtataglay ng alinsunod sa oras na takbo,
kaya madali ito sundan.

E. Kulturang Masasalamin sa Akda

Nakikita ang sitwasyon ng Pilipinas sa panahon ni Rizal na tila ganoon din ang
pangyayari ngayon. Madaling makaugnay ng tunay na buhay sa akda, kaya naman
lumilitaw dito ang pagmamahal sa bayan at ang mga pangyayari na maaaring
magtulak din upang makipaglaban. Para sa isang ordinaryong Pilipino, ang
natunghayang akda ay madaming maipapayo kung ang nagbabassa nito ay pinag-
iisipang mabuti ang mga pangyayari at ang mga koneksyon ng mga ito sa bawat isa.
May mga malalalim na salita na kapag hinanap ang kahulugan ay mas mauunawaan
ang hitsura ng pangyayari.

III. Pagsusuring Pangkaisipan

Bisa sa Isip

Ang El Filibusterismo ay nakauudyok sa atin na mag-isip, sapagkat ang nobelang ito ay sadyang
ginawa upang intindihin ang mga nakatagong kahulugan na nakaaambag sa diwa ng kuwento.

Bisa sa Damdamin
Nakaramdam ako ng panibagong pag-asa at pagkalungkot sa nasapit ng mga tauhang Indio sa
nobela. Bagaman may kakayahan na silang magsimula ng rebolusyon ay may traydor na si
Isagani na piniling unahin ang sarili bago ang kapakanan ng bansa.

Bisa sa Asal

Maaaring makapagbago ang akda dahil mabibigyan tayo nito ng impluwensiya upang maging
makabayan. Ipinakikita dito na sa kabila ng mga di-magagandang karanasan natin, marami pa
tayong maaaring ga

You might also like