You are on page 1of 1

Kataas-taasang Panginoon,

Kami po ay malugod na
nagpapasalamat sa lahat ng biyaya na inyong
ipinagkaloob. Nagpapasalamat din po kami sa
aming mga pamilya na siyang aming sandigan
sa hirap at ginhawa. Nawa’y gabayan niyo po
lahat ng pamilyang Pilipino, upang
pagmamahalan, pagkakaisa at pagkakaunawaan ay mamayani.
Sana po ay patibayin mo po kami upang maging matatag sa lahat
ng pagsubok. Patnubayan mo po lahat ng tao upang pagmamahalan
ay mamayani.

Ito po ay aming hinihiling sa ngalan ng Panginoon Amen.

You might also like