You are on page 1of 2

Kung ano ang akala nating tapos na, ay siyang simula pa lamang.

Anim na taon na ang nakalilipas ng ating simulan ang ating unang tapak sa
paaralang ito. Anim na taon na ang lumipas mula nang matuto tayong bumasa at
sumulat. At talaga namang napakabilis ng panahon, dahil ngayong araw na ito, ika-
2 ng Abril 2018, heto tayong lahat, sama-sama nagagalak dahil sa araw ng ating
pagtatapos.

Sa ating pinagpipitaganang panauhing pandangal, ___________, sa aming


tagasuri sa Araling ___________, sa aming ina ng distrito, BB. Josephine
Marciano, sa lahat ng aming mga nagging ina sa paaralang ito sa pangunguna ng
aming pang-ulong guro, Gng. Arlene L. Lumagui, mga masisipag na barangay
officials, ang katuwang ng aming paaralan, ang PTA, mga minamahal naming mga
magulang, mga kapwa ko magsisipagtapos, at sa lahat ng mga naririto, isang
mapagpalang hapon.

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang aking nararamdaman sa araw na ito.


Masaya ako dahil tatanggapin ko na ang sertipiko na aking pinagsikapang makamit
sa loob ng anim na taon na pagsusunog ng kilay. Ngunit nalulungkot din ako
sapagkat iiwan ko na ang Paaralang Elementarya ng Lipata a aking naging
pangalawang tahanan sa loob ng mahaba-haba ding panahon.

Sa ating tema ngayon na “Mag-aaral ng K-12, handa sa hamon ng buhay”,


nangangahulugan lamang na ang bawat isa sa atin ay amgin handa sa anumang
pagsubok na darating o ating masasalubong habang tinatahak natin ang tuwid na
daan patungo sa ating magandang bukas, Sinasabi rin nito na bilang isang
kabataang milenyo ay dapat maging mas handa at sapat an gating kaalaman, kung
saan lagi tayong alerto sa mga unos na maaari nating matisod habang papunta tayo
sa ika-21 siglo.

Ano nga ba ang sinasabing 21st century? Kaya na nga ba natin itong harapin?
Kaya na ba nating makipagsabayan at makapamuhay ng maayos kapag dumating
na ang sinabing panahon? Marahil ang iba sa inyo ay tulad din ng iniisip ko na
mgging handa lang tayo sa hamon ng buhay pagdating ng 21st century kung tayo ay
magsusunog ng kilay sa ating pag-aaral. Diba sa aralin natin sa Matematika, “if
there is a problem, there is always a solution.” Ipakita natin na ang mga mag-aaral
ng K-12 ay matatag tulad ng isang puno ng molave na kayang harapin at sagupain
kahit ang pinakamalakas na amihan pa ang dumating.

At ngayong araw na ito, sa ngalan ng lahat ng magsisipagtapos, naririto ako


sa inyong harapan upang ipaabot ang aming taos pusong pasasalamat sa lahat ng
taong naging bahagi ng aming tagumpay.

Sa ating ulong guro, Gng. Arlene Lumagui, na laging nandiyan upang


sumuporta at tumulong sa lahat n gating mga pangangailangan.
Sa ating mga guro (isa-isahin ang guro), kayo po ang naging pangalawa
naming magulang. Bawat pintig ng aming karunungan, bawat biyayang tatamasain
naming ay isa kayo sa nagdulot ng karunungang ito. Maraming salamat po dahil
inihanda at ginabayan ninyo kami upang matutunan kung paano naming haharapin
ang bawat hamon ng buhay.

Kay ina at kay ama, na nagsilbing inspirasyon ko upang magsipag at


pagpursige sa aking pag-aaral. Ina,ama, kaytamis pong sambitin ng mga pangalan
ninyo, Alam n’yo po kung bakit? Dahil mula umaga hanggang hapon ay sinisinop
ninyuo ang aking buhay. Si Ama, na hindi alintana ang 40 dipang lalim ng
karagatan makamtan lang ang aking mithiin at matustusan lang ang aking pag-
aaral. Opo, mahirap lang po kami pero hindi ko po, ito ikinahihiya dahil alam ko
na kapag natupad ko na an gaming pangarap ay giginhawa din kami. Ama, ina ang
karangalan pong ito ay para sa inyo. Maraming salamat po sa paggabay, mahal ko
po kayo.

Sa aking mga kamag-aral na kapwa ko magsisipagtapos, aalis na tayo sa


iisang bubong. Ngunit alam kong hindi dito nagtatapos ang ating masayang
pagkakaibigan. Hinding hindi ko malilimutan ang ating mga tawanan, kulitan,
kiligan na minsan pay nauuwi sa asaran, na mas nagpapatibay sa ating samahan. At
sa paglisan natin sa kandungan ng ating paaralan, sana’y dalhin natin an gating
mga ilawang sinindihan ng paaralang ito upang mayroon tayong gabay patungo sa
mas matayog pang pakikibaka sa buhay.

At higit sa lahat, sa ating Amang lumikha, ang Siyang simula at wakas ng


lahat. Ang lahat po ng pagpupuri at pagpapasalamat ay ibinabalik naming sa iyong
mga kamay.

Muli, isang pagbati sa lahat ng magsisipagtapos. Congratulations graduates


of Batch 2018, We made it!

You might also like