You are on page 1of 1

Pangungulila sa Iyo

ni Eunice Joyce Helera

Kung ako'y tatanungin mo,


kung ano ang unang pumapasok sa aking
isipan tuwing ika'y naiisip.

Napakababaw ng salitang "I miss you"


ngunit kung ito'y isasalin sa ibang wika,
ang daming maaring salin,
ang nakakapagpatunay ng nararamdaman.
hindi mawari kung ika'y hindi makita,
kung hindi kita maintindihan.
kung ang araw ang may nalalaktawan,
kung ika'y hindi matagpuan.

Pag ang damdamin ay hindi na maunawaan,


pag ang puso ko'y hindi nakakaabot sa iyo.
maari rin ako'y lumihis sa pansamantala,
o kaya't ikaw ang makapansin ng pagkawala.

Pero alam ko sa aking sarili,


sa lahat ng ito, ang pangungulila ko sa iyo,
ang pagkabalisa ko sa tuwing lumilipas ang oras,
ang mangamba sa kinabukasan,
ito siguro ang nagpapalala ng pananabik,
upang makita't makapiling ka uli.

You might also like