You are on page 1of 1

Joel G. Molino Jr.

BSCA-IV
Life and Works of Rizal

Ang Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon

Ang unang bahagi makikita ang obserbasyon ni Rizal sa pananakop ng mga kastila sa
pilipinas. Ipinakita niya ang nagging epekto nito sa mamamayan at sa mga pinunong Pilipino.
Ipinakita ang hindi pantay na pagtrato sa mga Pilipino simula ng mamuno ang mga kastila. At
umaasa na magigising at mamumulat ang mga Pilipino sa katotohanan at kasamaan ng mga
dayuhan.

Ang ikalawang bahagi makikita rin sa dito ang pagtingin at pagsusuri ni Rizal sa mga
ginagawa ng mga kastila. Ipinaliwanag ditto kung paano ang pamamahala ng mga kastila sa
pilipinas simula noong una hanggang sa kasalukuyang panahon nito. Makikita ditto ang kalagayan
ng Pilipino. Masasabing tinangnan din ni Rizal ang magagandang ginawa ng mga kastila pati na
rin ang kasamaan nito.

Ang ikatlong bahagi, tulad ng pangunahing layuning political ng la solidaridad, ang


nagpapakita ng iba’t ibang pananaw ni Rizal sa repormang radikal at political kung mananatiling
kolonya ng espanya ang pilipinas. Makikita ang pagiging repormish ni Rizal sa bahaging ito ng
sanaysay. Inihain niya ang iba’t ibang pagbabago na nais ng mamamayang baguhin at iparating sa
pamahalaan ng espanya. Nagbigay din siya ng mga kadahilanan kung bakit nais nilang magkaroon
ng mga ganitong reporma sa pilipinas.

Ang pang apat na bahagi, sinabi rin dito na may isang panibagong dayuhan at pamamahala
ang magpapatuloy na iniwan ng mga espanyol. Ang inglatera ay may sapat nang kolonya sa
silangan at hindi nya isasakripisyo ang kanyang imperyo sa india para lamang makuah ang
pilipinas. Hindi isusubo sa panagnib na ikalat ang kanyang mga hukbo sapagkat kapag nagkaroon
ng digmaan ay maaari pang maging dahilan ng kanyang pagbagsak.inilahad din din ni Rizal ang
mga pananaw niya sa darating pang mga panahon. Ang ilan ditto ay masasabing nagkatotoo at
natupad. Makikita ang mahusay na pag-analisa ni Rizal sa mga nangyayari sa bansa. Masasabi
natin na sadyang makabayan si Rizal. Hinahangad niya ang pagkakaroon ng kalayaan at
pagkakapantay-pantay ng Pilipino sa mga kastila.

You might also like