You are on page 1of 2

Talambuhay

Oktubre 6 1997 ang kapanakan na lumaki sa manila naranasan ang lumaki ng


hiwalay sa nanay at lumaki ng walang nakagisnan na ama nagging simple at mahirap
ang paglaki sa hindi mo ginusto na buhay, bunso sa magkakapatid at may dalawang
kapatid at may isang bunso na lalaki ngunit hindi tuna na kapatid. Naging masaya ang
buhay sa manila narasan ang pagiging isang buhay bata sa labas halos mangitim at
pawisan sa tuwing mag lalaro sa labas ng bahay. Noong nag kaEdad na lumipat sa cavite
at nagsimula mamuhay bilang isang dalaga, ditto Nakita ang iba’t ibang uri at kilos at
ugali ng mga tao noon nakatungtong ng elementarya sa Silang,Cavite ditto mas
naramdaman ang isang pagiging estudyante na nagsisimula palang tahakin ang pagiging
isang dalaga, dumating sa punto ng buhay na nagging mahirap ang pagsisimula sa
totoong karanasan sa buhay, lumaki ng walang tatay at ina naman na sobra ang
dedikasyon sa pagtratrabaho kaya’t ang atensyon na ninanais ay hindi mahanap sa
mismong pamilya kaya’t sa mga kaibigan nahanap ang kasiyahan at sobrang
pagmamahal, lumaki ng halos kaibigan ang lapitan at sumbungan. Dumaan sa matinding
pagsubok ang buhay pagiging isang dalaga nakaranas ng matinding kalungkutan at hindi
maipaliwanag ang nararamdaman kaya’t ninais na lamang na idaan ang nararamdaman
sa pagiging isang palakwento at palatawa na tao kahit minsan hindi maibigay ang
sobrang kasiyahan sa pagpapatawa kaya’t pineke ang mga ngiti at tawa sa mga tao na
nakakasama at nakakausap, mahirap ang sitwasyon sa isang pamilya na hindi kumpleto
nandon ang matinding kalungkutan at pag iisa. Hindi nagging madali ang buhay noon sa
elementerya dahil sa panunukso ng mga kapwa estudyante ngunit kailangan maging
malakas at matatag para sa sarili dahil sino paba ang magtatanggol kundi ang sarili
lamang kaya’t nang nakatungtong na ng haiskul (highschool) dito na mas napalawak ang
kaisipan sa buhay mas naipakita at nailabas ang tunay na nararamdaman mas
nagustuhan ang buhay sa pagiging ganap na dalaga minsan naging mahirap ang
sitwasyon dahil sa may mga patimpalak sa eskwelahan ngunit wala ang suporta ng mga
ninanais na Makita sa araw ng pagsali sa mga patimpalak at organisasyon mas ditto
naramdaman ang pagiging mag isa sa hamon ng buhay ngunit hindi naging hadlang ang
mga pagsubok sa buhay mas naging malakas at matatag ang loob. Nang nakapag
kolehiyo na mas ditto narasan ang toong buhay ng estudyante at bilang anak, sa edad
na 18 na taon ditto mas naipamalas ang kakayahan na gumawa ng mga Gawain ng isang
dalaga, dumaan sa mga resposibilidad lumaki man sa hindi kumpleto na pamilya nagawa
padin ang pagiging isang anak sa kanyang ina at kapatid at kuya at ate, hindi man sapat
ang atensyon na nabibigay ng kanyang pamliya dahil sa may kanya kanyang pamilya na
hindi parin ito naging balakid sa pagbibgay ng resposibilidad bilang isang anak at kapatid,
dumaan ang mga taon nanirahan sa Dasmarinas at rito dumami ang mga kaibigan at mas
lumawak ang pagiisip na naayon sa edad. Hanggang ngayon mag isa padin sa pagtutuloy
ng buhay dahil sa kanyang nanay na hindi na halos magkasabay ng oas dahil sa busy sa
trabaho at sa school hindi na nagkakausap kahit nasa iisang bahay hindi parin magawa
ang pakikipag komunikasyon sa isa’t isa. Hindi masaya ang makaramdam na ikaw ay
mag isa sa buhay kahit na may mga pamilya ka at kapatid dahil iba padin ang atensyon
mga tao na mahal ka at doon ka nabibilang naging mahirap ngunit nagtuloy sa buhay
kahit hindi ganoon kadali ang buhay mas naipakita ang pagiging isang matatag at positibo
na tao sa harap ng mga tao, Ako si Esther Mhay Bautista nabuhay man sa mga
pagkakamali noon ngunit sa simula ulit ng aking buhay kakayanin ko ang hamon ng nasa
realidad na buhay ng tao. Ang buhay ko man ay hindi perpekto Ngunit naging isang
inspirasyon ito sa akin buhay para mas tumatag pa ang loob para sa buhay na meron
ako at sa haharapin ko na mga desisyon sa buhay. Ang pagpapatawa ng mga tao ay
isang malaking saya ito para sa akin dahil sa nakikita ko ang kasiyahan ng mga tao kahit
na sa kabila ng mga ngiti ay luha hindi naging dahilan upang hind imaging masaya. Ang
buhay ko man ay naging magulo sa iba pero para sa akin ang buhay ko na ito ay
magsisilbing inspirasyon para sa aking sarili sa mga darating pa na taon sa buhay ko.
Hindi hadlang ang pagiging isang mahina para hindi mo marating ang ginhawa at
kasiyahan sa buhay, Marami ang sumuko sa buhay pero kung para sa pangarap ko ito
aking itutuloy ang mga to, sa buhay ko nagsimula ako sa isang maliit na at simplng buhay
bata at lumaki ng may natutunan mula sa aking pagkabata.

Bautista, Esther Mhay A.

OFA11

You might also like