You are on page 1of 11

Final

Requirement

Sa

FL 101

Isinumite ni: Roa Prince Yuosuf B.


B.S Psychology
03/09/2016

Isinumite kay: Prof. Maria Calica


Liham–Pangkaibigan
Liham-Pagbati

Barangay Mayapa
Calamba, Laguna
Pebrero 15, 2015

Mahal kong Cecillia,

Walong taon na ang nakalipas simula noong nakapagtapos tayo mula sa ating unibersidad,
Batid natin na tayo ay mga pawang propesyonal na sa kanya-kanyang larangan ngunit aking
isinasamo kung ako pa kaya’y naalala mo? Kinakamusta ka nga pala ni tita Mercy, salamat daw sa
ipinadala mong liham.

Sana hindi maging dahilan ang tagal ng pagsulat ko sayo ang pagkakaudlot ng ating
pagkakaibigan na tunay. Nandito pa rin kami, ang iyong pangalawang pamilya, dumadalangin sa
Poong Maykapal na nawa’y lagi ka niyang pagkalooban ng mabuting kalusugan at kaligtasan.

Nagmamahal,
Prince
Liham-Paanyaya

Barangay Mayapa
Calamba, Laguna
Enero 17, 2015

Mahal kong Catalina,

Nais sana kitang anyayahan sa araw ng pagbibinyag ng aking anak sa katapusan ng Enero
taong kasalukuyan. Ito ay gaganapin sa Katedral ng Manila sa ganap na ika- 9:00 ng umaga.

Gusto ko na dumalo ka sa binyagan na ito dahil is aka sa mga matalik kong kaibigan simula
pa lang ng ating kabataan at mahalaga din ito sa akin dahil binyag ito ng aking panganay na anak.
Mas magagalak kame ni Rubina kung dadalo kasama ang iyong buong pamilya.

Ang iyong matalik na kaibigan,


Prince
Liham-Pasasalamat

Don Bosco College


Calamba,Laguna
Mayo 6, 2016

Mahal kong Steffa,

Pagbati ng kapayapaan!

Sa ngalan ng salesyanong samahan ng aming iskwelahan kami ay taos pusong nagpapasalama t


sa iyo sa napakalaking tulong na donasyon na iyong naiambag para sa bokasyon ng mga batang
gusting magpari sa aming seminaryo. Kahit gaano man kalaki ang perang iyong naiambag ay
sadyang magiging tulong at daan sa banal na paglalakbay aming simbahan.

Nawa’y di ka magsawang magbigay muli ng tulong sa aming seminaryo.

Ang iyong kaibigan,


Prince
Liham-Pakikiramay

71 Camille St.
Calamba, Laguna
Hulyo 25, 2016

Kabigang Anna,

Ang buong pamilya ko ay taos pusong nakikiramay sa pinagdadaanan mo ngayon. Nabalitaan


naming na ang iyong lolo ay pumanaw na dahil sa sakit na Cancer. Batid ko na napakahalaga ng
tao ng iyong lolo sapagkat siya ang nagpaaral, nagaruga at nagpalaki sayo simula noong pumanaw
ang iyong mga tunay na magulang. Naalala ko pa noong inakala ng lolo mo na tayo’y
magkasintahan? Labis an gating saya sapagkat naloko natin siya dahil tayo’y sadyang tunay lang
na magkaibigan, walang labis na kaartihan. Anna, kung pwede lang ibalik ang oras na nawala
kasama ang pinakamamahal mo na lolo ay gagawin ko. Subalit hindi naman ako Diyos upang
gawin yun. Kaya ang magagawa nalang muna naming ngayon ay magdasal sa kaliwanagan ng
iyong isip at diwa at kasama din ang iyong lubos na kasiguraduhan sa buhay.Huwag mong
kalimutan na nandito lang kami sa tabi mo, nakahandang tumulong sa iyo sa kahit anumang oras.

Ang iyong tunay na kaibigan,


Prince
LIHAM
PANGANGALAKAL
Liham Patnugot

Calamba, Laguna
Enero 9, 2016

Dean
San Sebastian-Recoletos Manila
Claro M. Recto Ave., Manila

Sa kinauukulan:

Magandang araw!

Ako po ay isang magaaral mula San Sebastian College-Recoletos Canlubang, na gumagawa ng


isang pagaaral at pananaliksik ukol sa saligang batas ng Pilipinas. Humihingi ako ng pahintulot
kung maari ko sanang hingiin ang inyong panayam tungkol sa mga bagay na bumubuo ng kaligira n
ng batas ng Pilipinas. Naniniwala po ako na ang lahat ng impormasyon na maibibigay ninyo ay
magiging malaking tulong sa aking pananaliksik bagkus ay makakadagdag pa sa aking
intelehenteng pamumuhay.

Lubos po ako na umaasa na pauunlakan ninyo ang aking kahilingan.

Gumagalang,
Prince Roa Rpm
Liham Subskripsyon

Setyembre 27, 2016

Cignal TV
Makati City,Philippines
(02)698-9087

Sa kinauukulan:

Nakalakip sa liham na ito ang halagang SAMPUNG LIBONG PISO (Php 10000.00) para sa
dalawampung buwang subskripsyon ng Cignal TV mabisa ngayong ika-1 ng Oktubre. Kung maari
lamang ay ibigay sa akin ang buwanan kopya sa tamang oras.

Maraming Salamat,

Atty. Prince B. Roa Rpm


Roanian Law Firms CEO
Liham-Aplikasyon

Conchita Carpio-Morales
Tanodbayan ng Pilipinas
Ombudsman Building
Agham Road, North Triangle Diliman, Quezon City 1101

Sa kinauukulan:

Ito po ay bilang pagpapahayag ko ng interest na maging kawani ng iyong opisina bilang isang
Executive Chief Assistant sa inyong departamento. Batid ko po na tinataglay ko po ang hinaha nap
ng iyong opisina para sa nabanggit na posisyon.

Kalakip ko nito ang aking Curriculum Vitae. Umaasa po ako na bibigyan ninyo ng atensyon ang
liham kong ito.

Nagpapasalamat,
Atty. Prince Yuosuf B. Roa Rpm
Liham-Paanyaya

Disyembre 21, 2016

Mahal naming mamimili:

Magandang Araw!

Ang layunin ng sulat na ito ay maimbitahan ka sa aming Store Extravaganza Sale sadarating na
Sabado, ika-23 ng Disyembre 2016 sa Roanian Store Surplus.

Ang lahat ng aming stock, kabilang ang orihinal na sapatoss, bags at antigong palamuti ay
mayroong 50-90% diskuwento. Bukas ang mga pinto ng aming store sa 09:00 ng umaga.

Mayroon ding libreng pagkain katulad ng kape at keyk. Inaasahan naming ang iyong pagdalo sa
Roanian Store Surplus. Mangyari po lamang dalhin ang imbitasyong ito at ibigay sa tauhan sa
pintuan ng Boutique.

Matapat na sumasainyo,

Prince Yuosuf B. Roa DBA


Executive Store Owner

You might also like