Ang Aklan ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Kanlurang
Visayas. Kalibo ang kabisera nito. Matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng pulo ng Panay ang lalawigan. Ang hangganan nito ay umaabot sa mga lalawigan ng Antiquesa kanluran at Capiz sa timog-silangan. Matatagpuan sa hilaga nito ang Dagat Sibuyan at ang lalawigan ng Romblon.