You are on page 1of 2

“Pagpapalit ng asignaturang Filipino sa korean na lengwahe sa kolehiyo”

I.I Panimula

Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.” Isa
ito sa mga pinakasikat na linya ng ating bayani na si Jose Rizal. Ang pagtatangkilik ng
iba’t-ibang kultura, tradisyon at wika ay maaari itong magdulot ng kasamaan o
kabutihan ng isang bansa. Tulad rito, ang pagkalimot ng bansang kinagisnan dahil ito
ay sobrang nahuhumaling sa ibang kultura na nagugustuhan.
Ang wikang pambansa ay ang wika ng pagkakakilanlan ng isang bansa. Ito ang
wika ng pulitika, kultural at ng mga lipunan. Sa pangkalahatan, ito ay nililinang upang
maging wika ng pambansang pagkakaisa at tungkulin nitong magsilbing
pagkakakilanlan ng mga mamamayan nito. Sa isang bansang multilingual na tulad ng
Pilipinas, ang pamahalaan ay nagdedeklara ng isang partikular na wika upang maging
wikang pambansa dala na rin ng mga dahilang pulitikal. Madalas gamitin ang islogang
nagsasabing “isang bansa, isang wika”.Kung kaya’t maraming mga bansa ang
nagsusulong na magkaroon ng wikang sisimbolo sa kanilang pagkakaisa at pagiging
isang bansa. Ang malaking tanong ngayon ay paano ba pinipili ang isang wikang
pambansa? Sa iisang bansang mayroon lamang iisang dominanteng grupo, ang pagpili
ay hindi gayon kahirap di tulad ng isang bansang maraming dayalekto. Hindi sa lahat ng
pagkakataon ay ang bilang ng gumagamit ang isinasaalang-alang. Mahalagang faktor
rin ang kapangyarihang pulitikal. Kaya nga at maraming pag-aayaw sa wikang Filipino
dahil inaakala ng ilan na ito ay batay lamang sa Tagalog na pinaniniwalaan nilang wika
lamang ng mga Pilipinong nasa ilang bahagi ng bansa.
Ang Wikang Koreano ay ang opisyal na wika ng parehong Hilagang Korea at
Timog Korea. Ito rin ang isa sa dalawang opisyal na wika sa Nagsasariling
Prepekturang Koreano ng Yanbian sa Tsina. Isinusulat ito sa alpabetong Hangeul.
Mahigit sa 78 milyong katao ang nagsasalita ng Wikang Koreano sa buong daigdig.
Ginawang instrumento ang pagturo ng Korean Language sa bansa upang
mas mainam na bantayan ang larangan ng turismo. Dahil dito, mas madaling makipag-
usap sa mga banyaga at mas produktibo ang pananayam. Ngunit, nawalala na ang
totoong kahulugan ng sariling wika at kultura.
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pagpapalit ng asignaturang Filipino sa
korean na lengguwahe sa kolehiyo. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon dahil
sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao, may iba't-ibang wika sa bawat lugar,
komunidad at bansa. Mahalaga ang wika sa ibang bansa katulad ng wikang Filipino.
Ang wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano at meron
sila. Ito ay sumasagisag rin na malaya ang bansang Pilipinas. Kung paano ito malayang
nagagamit upang makipagkomunikasyon sa kapwa nila mga Pilipino.
1.2 Paglalahad ng suliranin

Ang pananaliksik na ito ay nag lalayong sagutin ang mga sumusunod na


katanungan at bigyan linaw ang mga isyu at pangyayaring tatalakayin sa pag aaral na
ito.

1. Anu - ano ang mga salik o dahilan kung bakit papalitan ang asignaturang Filipino sa
korean na lengguwahe sa pagtungtong sa kolehiyo?

2. Anu- ano ang mga maaaring epekto nito sa wikang Filipino?

3. Anu -ano ang magiging pakinabang ng pagpapalit ng asignaturang Filipino sa korean


na lengguwahe sa mga studyante sa kolehiyo?

You might also like